Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambansang Alagad ng Sining ay isang titulo na ibinibigay sa mga Pilipino na nakamit ng pinakamataas na pagpapakilala dahil sa makabuluhang pag-ambag sa kaunlaran ng mga sining Pilipino: Musika, Sayaw, Teatro, Moda at Arkitektura, at Sining Pangkapanalig.

Sila ay inihayag, mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan, bilang Pambansang Alagad ng Sining. Pagkatapos, pinagkalooban sila ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining sa pamamagitan ng regalyang kulyar na ginto ng karangalan na binubuo ng mga maraming palamuti. Bukod pa sa kulyar, binigyan ang bawat bagong naproklama ng papuri bilang handog sa seremonya ng parangal. Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ay nagpupunong-abala naman sa isang Gabi ng Parangal para sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Tanghalang Pambansa.
Ang Parangal ng Pambansang Alagad ng Sining ay pinamunuan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan Blg. 1001 noong Abril 2, 1972 at ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).
Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ay ang nagkakaloob ng gawad sa mga karapat-dapat na indibidwal na inirekomenda ng CCP at NCCA. Ang unang gawad ay ibinigay kay Fernando Amorsolo, isang Pilipinong pintor pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Mga pamantayan
Ang mga nominasyon ukol sa Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay nababatay sa malawakang pamantayan na binalangkas ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining:
- Mga nabubuhay na artista na naging mamamayang Pilipino sa huling sampung taon na nauna sa nominasyon gayundin sa mga namatay pagkatapos ng pagkatatag ng gawad noong 1972 nguni't sila'y mga mamamayang Pilipino sa panahon ng kanyang kamatayan;
- Mga artista na nakapagtulong sa pagbubuo ng damdaming Pilipino ng pagkabansa sa pamamagitan ng kahulugan at anyo ng kanilang mga likha:
- Mga artista na nakakilala sa sarili sa pamamagitan ng pangunguna sa isang paraan ng malikhaing pagpapahiwatig o istilo, gumagawa ng kakintalan sa mga sumusunod na salinlahi ng mga artista;
- Mga artista na nakapaglikha ng makahulugang katawan ng likha at/o nakapagtanghal nang napapanatili ng kahusayan sa pagsasanay ng kanilang anyo ng sining, pagpapayaman ng makasining pagpapahiwatig o istilo; at
- Mga artista na nakikinabang sa malawakang pagtanggap sa pamamagitan ng maprestihiyong pambansa at/o sabansaang pagkakilala, mapanuring paghanga at/o pagsusuri ng kanilang mga likha, mga gawad sa mga maprestihiyong kaganapang pambansa at/o sabansaan.
Ang mga nominasyon ay ipapasa sa Sekretarya ng Pambansang Alagad ng Sining na nilikha ng Lupon ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining; ang mga dalubhasa mula sa mga iba't ibang larangan ng sining ay uupo sa Unang Deliberasyon upang ihanda ang maikling tala ng mga nominado. Ang Pangalawang Deliberasyon, kung saan nagpupulong nang magkasama ang mga Komisyonado ng NCCA at Lupon ng mga Katiwala ng CCP, na nagpapasya sa mga pinakahuling narekomenda. Ang tala ay ihaharap sa Pangulo ng Pilipinas, na, sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan, nagpapahayag ng mga pinakahuling nominado bilang kasapi ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining.[1]
Ang mga Pambansang Alagad ng Sining
Sanggunian
Tingnan din
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.