From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Agnes Dakudao Locsin (September 28, 1957) ay isang guro, direktor, at koreograper na idineklara na isang Pambansang Alagad ng Sining noong 2022 sa larangan ng sayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.[1] Kilala siya sa kanyang mga gawa na nagsusulong ng neo-etniko na koreograpiya sa ballet.[2][3]
Agnes D. Locsin | |
---|---|
Kapanganakan | Agnes D. Locsin September 28, 1957 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining, |
Larangan | Sayaw |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Sayaw 2022 |
Ipinanganak si Agnes Locsin noong September 28, 1957 ni Carmen Dakudao Locsin sa Lungsod ng Davao.[4][2]
Nakamtan ni Agnes Locsin ang Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Unibersidad ng Ateneo de Davao at ang Paham ng Sining sa Unibersidad ng Estado ng Ohio (Ohio State University) sa Estados Unidos.[2]
Nagturo si Agnes Locsin sa Cultural Center of the Philippines Dance School, Unibersidad ng Pilipinas, at Jazz Tap Center[4]. Naging Artistic Director siya ng Ballet Philippines ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas mula 1989 hanggang 1999.[2]
Nagsimulang maging Artistic Director si Agnes Locsin ng Locsin Dance Workshop, na itinatag ng kanyang ina sa Lungsod ng Davao Davao City, matapos niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa Estados Unidos.[5] Dito ay sinimulan niyang magkaroon ng summer workshop noong 1982.[6]
Kabilang ang "Babaylan", "Taong Talangka", "Salome", "Igorot", at "La Revolucion" sa mga nagawa ni Agnes Locsin.[4] Noong 1993 ay nanalo ang "Babaylan" ng pangalawang pwesto sa Tokyo International Choreography Competition.[4][2]
Nag-akda ng isang libro si Agnes Locsin na pinamagatang "Neo-Ethnic Choreography: A Creative Process".[4] Ito ay nanalo ng Alfonso T. Ongpin Prize for Best Book on Arts sa 32nd National Book Award.[4]
Kasama sa mga karangalang natamo ni Agnes Locsin ay ang Hiyas ng Lahi noong 1992 na nagmula sa Dance Alliance Endeavors; ang Patnubay sa Kalinangan at Sining noong 1994 na iginawad ng Lungsod ng Maynila; ang Datu Bago noong 2000 na iginawad ng Lungsod ng Davao; ang Pilak Award para sa Serbisyong Pangkultura, Sining at Komunidad noong 2004 na ibinigay ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines); ang Gawad Buhay na mula sa Philstage para sa natatanging produksyon at orihinal na koreograpiya ng "La Revolucion Filipina" noong 2008 at para sa "Encantada" noong 2011; ang Gawad CCP para sa Sining noong 2013 na iginawad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas; ang Gawad Tanglaw Lahi noong 2014 na mula sa Unibersidad ng Ateneo de Manila; ang Daigler Award para sa Kultura at Sining ng Mindanao noong 2017 na iginawad ng Unibersidad ng Ateneo de Davao; ang Gawad Buhay Lifetime Achievement Award noong 2018 na ibinigay ng Philstage; at ang Gador Award noong 2020 mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.