From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang silog ay isang uri ng almusal sa Pilipinas na naglalaman ng sinangag at pritong itlog. Inihahain ang mga ito kasama ng mga iba't ibang ulam, kadalasang mga karne tulad ng tapa, longganisa o hamon. Ang pangalan ng isinamang karne ay nagtatakda ng pangalan ng silog; halimbawa, ang tatlong naibanggit ay nakikilala bilang tapsilog, longsilog, at hamsilog.[2]
Ang unang uri ng silog na naimbento at pinangalanan ay tapsilog. Noong una, nilayon itong pangmadaliang agahan, at unang itinatag ang kataga noong dekada 1980 mula sa Tapsi ni Vivian na restawran sa Marikina. Ayon kay Vivian del Rosario, may-ari ng Tapsi ni Vivian, siya ang unang gumamit ng katagang tapsilog.[1][3]
Dahil sa katanyagan nitong uri ng lutuin, isinama ng iilang mga fast food chain at otel sa Pilipinas ang mga silog sa kani-kanilang mga pang-almusal na menu, at ito ang tanging inihahain ng mga iilang restawran.[4]
Kasunod ng paglikha ng tapsilog, maraming iba't ibang uri ng silog ang nabuo, lahat batay sa sinangag at pritong itlog at hinuhulapi ng -silog.[5][6] Dahil sa pleksibleng katangian ng putahe, maaaring maging silog ang anumang pagkain kung ihahain kasama ng sinangag at pritong itlog.
Kinabibilangan ang mga dinaglat na halimbawang (nakaayos ayon sa alpabeto) karaniwang nakikita sa mga silugan ng:
Ang Pares, isa pang karaniwang pangmadaliang pagkaing Pilipino, kung minsan ay tinatawag na "paresilog", "paressilog", atbp. kung inihain kasama ng pritong itlog, dahil parehong may sinangag ang dalawang putahe ayon sa kaugalian.
May kahawig na putahe sa Lutuing Malay, ang nasi lemak, na inihahain sa iba't ibang paraan na may karne, itlog at kanin na may gata.[7]
Bagaman may sinangag ang wastong silog, nangangatwiran ang mga ilang kainan na ang "si" sa silog ay kumakatawan sa sinaing, para makatipid. Paminsan-minsan, nilalagyan ang sinaing ng mga pira-piraso ng bawang at pinapalampas bilang "sinangag", ngunit ang wastong pagkaunawa sa "sinangag" ay pinritong kanin na may bawang. Tatawagin itong "kalog" (mula sa kanin) ng mga mas tapat na kainan. Maaari ring makatagpo ng "silog" lamang, na walang ibang kasamang ulam (sinangag at itlog lamang). Kung ninanais magpadagdag ng itlog, maaaring magkaroon ng karagdagang "log" ang order; yaon ay tapsilog na may dagdag na itlog ay "tapisiloglog", atbp. at maaari itong mapahaba nang walang hanggan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.