Itlog (pagkain)

produkto ng hayop na nakakain From Wikipedia, the free encyclopedia

Itlog (pagkain)

Milyun-milyong taon nang kinakain ng mga tao at mga kamag-anak na hominido ang mga itlog ng hayop.[1] Pinakakinakain ang mga itlog ng ibong labuyo, lalo na ang mga itlog ng manok. Nag-umpisang mag-ani ng itlog para kainin ang mga tao sa Timog-silangang Asya pagsapit ng 1500 BK.[2] Kinakain din ang mga itlog ng ibang ibon, katulad ng bibi at abestrus, ngunit hindi gaanong karaniwan kumpara sa itlog ng manok. Maaari ring kainin ng mga tao ang mga itlog ng reptilya, ampibyo, at isda. Tinatawag na bihud ang mga itlog ng isda na kinakain.

Agarang impormasyon
Itlog
Thumb
Isang pritong itlog
Page Padron:Plainlist/styles.css has no content.
Isara

Pinapalaki ang mga inahing manok at iba pang nangingitlog na hayop sa buong mundo, at isang pandaigdigang industriya ang maramihang produksiyon ng itlog ng manok. Noong 2023, tinatantiyang 62.1 milyong metrikong tonelada ng mga itlog ang naiprodyus sa buong mundo, higit sa 100 porsiyentong pagtaas kumpara sa 1990.[3]

Mga uri

Thumb
Mga itlog ng pugo (itaas sa kaliwa), itlog ng manok (ibaba sa kaliwa), at itlog ng ostrits (kanan)

Isang karaniwang pagkain ang mga itlog ng ibon at isa rin sa mga pinakabersatil na sangkap na ginagamit sa pagluluto. Mahalaga ang mga ito sa maraming sangay ng modernong industriya ng pagkain.[4]

Ang mga pinakaginagamit na itlog ng ibon ay mula sa mga manok, bibi, at gansa. Karaniwang itinuturing na luho ang mga itlog ng malalaking ibon, tulad ng ostrits. Kinokonsiderang delikasi ang mga itlog ng bako sa Inglatera,[5] oati na rin sa ilang mga bansang Eskandinabo, lalo na sa Noruwega. Sa ilang bansang Aprikano, madalas na nakikita ang mga itlog ng benggala sa mga merkado, lalo na tuwing tagsibol ng bawat taon.[6] Nakakain ang mga itlog ng mga paysan at emu, ngunit hindi gaanong karaniwan;[5] minsan makukuha ang mga ito mula sa mga magsasaka, polterer, o mga mamahaling groseri. Sa maraming bansa, ang mga itlog ng mga ligaw na ibon ay protektado ng mga batas na nagbabawal sa pagkolekta o pagbebenta ng mga ito, o pinapayagan lamang ang pagkolekta sa mga partikular na yugto sa bawat taon.[5]

Mga sanggunian

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.