From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga ibon[2] ay grupo ng mga hayop na tinatawag na vertebrates o mga hayop na mayroong buto sa likod. Nabibilang sila sa klase na kung tawagin ay Aves at karamihan sa kanila ay nakalilipad.
Ibon | |
---|---|
Isang larawan na nagpapakita ng iba't-ibang mga uri ng ibon; sa larawang ito, ipinapakita ang 18 na orden (mula sa itaas, pakanan): Cuculiformes, Ciconiiformes, Phaethontiformes, Accipitriformes, Gruiformes, Galliformes, Anseriformes, Trochiliformes, Charadriiformes, Casuariiformes, Psittaciformes, Phoenicopteriformes, Sphenisciformes, Pelecaniformes, Suliformes, Coraciiformes, Strigiformes, Piciformes. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Klado: | Theropoda |
Klado: | Ornithurae Gauthier, 1986 |
Hati: | Aves Linnaeus, 1758[1] |
Subclasses | |
At tignan ang teksto |
Ang mga ibon ay mga warm-blooded o may mainit na dugo, at sila ay nanging itlog. Sila ay binabalutan ng balahibo at mayroon silang pakpak. Ang mga ibon ay may dalawang paa na pangkaraniwang binabalutan ng kaliskis. Mayrooon silang matigas na tuka at wala silang mga ipin. At dahil ang mga ibon ay may mataas na temperatura at kumukunsumo ng napakaraming enerhiya, sila ay nangangailangang kumain ng maraming pagkain kumpara sa kanilang timbang. Mayroong mahigit sa 9,000 ibat-ibang uri ng ibon na kilala na.
Ang mga ibon ay matatagpuan sa bawat kontinente ng mundo. Ang ibat-ibang klase ng ibon ay nasanay na sa kanilang tinitirahang lugar kung kaya't may mga ibong nakatira sa malalamig na lugar o lugar na puro yelo at ang iba naman ay nakatira sa disyerto. Ang mga ibon ay maaaring nakatira sa gubat, sa mga damuhan, sa mga mabato-batuhing bangin, sa tabing-ilog, sa mga mabatong baybayin at sa mga bubungan ng mga bahay.
Ang mga ibon ay nasanay na ring kumain ng ibat-ibang uri ng pagkaing depende sa kanilang kapaligiran. Karamihan sa mga ibon ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng mga butong-kahoy at prutas. Ang iba naman ay kumakain ng mga luntiang halaman at dahon. Ang iba naman ay nabubuhay sa pagkain ng nektar o pulot-pukyutan mula sa mga bulaklak. Ang iba ay kumakain ng mga insekto. Ang iba naman ay kumakain ng isda ng mga patay na hayop.
Batay sa mga ebidensiyang fossil at biyolohikal, ang mga ibon ay isang espesyalisadong subgrupo ng mga theropod dinosaurs. Sa mas spesipiko, sila ay mga kasapi ng Maniraptora na isang pangkat ng mga theropod na kinabibilangan ng mga dromaeosaur at mga oviraptorid. Ang kasunduan sa kontemporaryong paleontolohiya ay ang mga ibon o mga avialan ang mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga deinonychosaur na kinabibilangan ng mga dromaeosaurid at mga troodontid. Ang mga ito ay bumubuo ng isang pangkat na tinatawag na mga Parave. Ang ilang mga pangkat basal ng pangkat na ito gaya ng Microraptor ay may mga katangiang nagbibigay sa kanila ng kakayahang dumausdos o lumipad. Ang pinakabasal na mga deinonychosaur ay napakaliit. Ang ebidensiyang ito ay nagtataas ng posibilidad na ang ninuno ng lahat ng mga paravian ay maaaring nakatira sa mga puno. Hindi tulad ng Archaeopteryx at mga may plumaheng dinosaur na pangunahing kumakain ng karne, ang mga pag-aaral ay nagmumungkahing ang mga unang ibon ay mga herbibora.
Ang Archaeopteryx ang isa sa mga unang fossil na transisyonal na natagpuan at nagbigay suporta sa teoriya ng ebolusyon noong huling ika-19 na siglo. ito ang unang fossil na nagpapakita ng parehong maliwanag na mga katangiang reptilian: mga ngipin, mga kuko, at isang mahabang tulad ng butiking buntot gayundin ang mga plumahe na katulad sa mga ibon. Ito ay hindi itinuturing na isang direktang ninuno ng mga ibon ngunit posibleng malapit na nauugnay sa tunay na ninuno ng mga ibon.
Aves |
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.