From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang yelo ay tumigas na tubig na nasa katayuang solido, na tipikal na nabubuo sa o mas mababa sa temperaturang 32 °F, 0 °C, o 273.15 K.[1][2] Depende sa pagkaroon ng mga dumi tulad ng mga partikula ng lupa o bula ng hangin, makikita itong malinaw o humigit-kumulang opako (opaque) na malabughaw na puting kulay.
Sa Sistemang Solar, sagana ang yelo at likas itong nagaganap mula sa pinakamalapit sa Araw tulad sa Merkuryo hanggang sa pinakamalayo tulad ng mga bagay sa ulap na Oort. Lagpas ng Sistemang Solar, nangyayari ito bilang yelong interestelar. Sagana ito sa ibabaw ng Daigdig – partikular sa mga rehiyong polar at sa taas ng linyang niyebe[3] – at, bilang isang karaniwang anyo ng presipitasyon at desposisyon, ay gumaganap na isang susing pagganap sa pagpapaulit-ulit ng tubig at klima ng Daigdig. Bumabagsak ito bilang tiklap na maliit na niyibe (o snowflake) at ulang may yelo (hail) o nangyayari bialng eskartsa (frost), karambano (icicle) o matutulis na yelo (ice spike) at nagsama-sama mula sa niyebe bilang glasyar at banig ng yelo (ice sheet).
Ginagamit ang yelo sa iba't ibang paraan, kabilang ang para sa pagpapalamig, para sa mga palakasang pang-taglamig, at paglilok ng yelo. Sinasama din ito bilang sangkap sa pagkain tulad ng halo-halo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.