From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa mga agham pisikal, ang isang partikula(o corpuskulo sa mas lumang teksto) ay isang maliit na nakalokal na bagay na maaring isalarawan sa pamamagitan ng ilang katangiang pisikal o kimikal, tulad ng bolyum, densidad, o masa.[1][2] Malaki ang pagkakaiba-iba nila sa laki at dami, mula sa mga partikulang subatomiko tulad ng elektron, hanggang sa mga partikulang mikroskopiko tulad ng mga atomo at molekula, hanggang sa partikulang makroskopiko tulad ng mga pulbo at butil-butil na mga materyal. Maaring gamitin ang mga partikula upang makagawa ng modelong siyentipiko ng mas malaking bagay depende sa kanilang densidad, tulad ng tao na gumagalaw sa karamihan o bagay sa kalawakan na gumagalaw.
Pangkalahatan sa halip ang katawagang partikula sa kahulugan, at pinipino ayon sa pangangailangan ng iba't ibang larangang siyentipiko. Anuman na binubuo ng mga partikula ay maaring tukuyin bilang na partikulado.[3] Bagaman, ang pangngalang partikulado ay pinakakaraniwang tumutukoy sa mga pollutant o kontaminante sa atmospera ng Daigdig, na mga suspensyon ng di-konektadong mga partikula, sa halip na isang nakakonektang agregado.
Partikular na kapaki-pakinabang ang konsepto ng partikula kapag nagmomodelo ng kalikasan, bilang buong pagtrato ng maraming di-pangkaraniwang bagay na maaring komplikado at napapabilang din ang mahirap na komputasyon.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.