From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pinagsamang salita (Ingles: portmanteau) ay isang lingguwistikong paghahalo ng mga salita,[1] kung saan pinagsasama ang mga bahagi ng mga salita o kani-kanilang ponema (tunog) sa isang bagong salita,[1][2][3] tulad ng teleserye, na inilikha sa paghahalo ng telebisyon at serye,[4] o tapsilog, mula sa tapa, sinangag, at itlog.[5] Sa lingguwistika, ang pinagsamang salita ay isang morpema na inaanalisa bilang kumakatawan sa dalawa (o higit pang) mga pinagsasaligang morpema.[6][7][8][9]
Sumasanib ang kahulugan sa pambalarilang katagang kontraksyon, ngunit nabubuo ang mga kontraksyon mula sa mga salitang kung hindi gayon ay makikitang magkasama nang sunud-sunod, tulad ng ako at ay na nagbubuo ng ako'y, habang binubuo naman ang pinagsamang salita ng dalawa o higit pang salita na may kaugnayan sa iisang konsepto. Nag-iiba rin ang pinagsamang salita sa tambalan, na hindi nagtitipil ng mga bahagi ng mga ugat ng mga pinagsamang salita. Halimbawa, tambalan ang dapithapon, hindi pinagsamang salita, ng dapit at hapon, dahil naisama ang dalawang salita nang buo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.