Ang tapa[1] o pindang[2] ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong[1] laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Karaniwan ay pinapang-almusal o pang-agahan ito kasama ng sinangag na kanin. Madalas din itong kainin kasama ng itlog, na maaaring pinrito, pinaalat, o kung-ano pa, kamatis, o ng suka. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas, mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa.[2] Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka.[3]
- Para sa pagkaing pangmeryenda at pulutan, tingnan ang Tapas. Tingnan din ang tapa (paglilinaw).
Tapsilog
Tinatawag na tapsilog ang magkakasamang tapa, sinangag, at itlog, at tapsihan ang tawag sa mga restauran na tapsilog ang pangunahing tinintinda. Ngunit sang-ayon sa CopongCopong's Pinoy Slang Dictionary, mga salitang balbal ang mga salitang "tapsilog" Naka-arkibo 2005-09-21 sa Wayback Machine. at "tapsihan" Naka-arkibo 2005-05-14 sa Wayback Machine.. Bagaman ginagamit ang mga salitang ito sa karamihan sa mga nagtitinda nito at madalas banggitin ng halos lahat ng uri ng mga Pilipino, kung gayon, maaaring ituring ang mga salitang ito bilang kasama sa pamantayang wika at hindi salitang balbal.
At hinggil sa salitang "tapsilog", nilalagyan ng hulaping silog sa kanilang pangalan ang lahat ng ulam na may kasamang sinangag at itlog. Katulad ng mga sumusunod:
- Adosilog - adobo, sinangag at itlog
- Bangsilog - bangus, sinangag at itlog
- Bisteksilog - bistek, sinangag at itlog
- Dangsilog - danggit, sinangag at itlog
- Chosilog - chorizo, sinangag at itlog
- Chiksilog - chicken (manok), sinangag at itlog
- Cornsilog - Corned Beef, sinangang at itlog
- Hotsilog - hotdog, sinangag at itlog
- Longsilog - longganisa, sinangang at itlog
- Litsilog - lechon, sinangag at itlog
- Tosilog - tocino, sinangag at itlog
Mga nagtitinda ng tapsilog
Karaniwang makikita ang mga malilit na mga tapsihan sa bawat barangay ngunit may mga malalaking mga negosyo ang nagtitinda din ng tapsilog katulad ng Tapa King at Goto King. Nagtitinda din ng tapsilog kahit ang mga malalaking fast food katulad ng Jollibee at McDonald's sa kanilang mga almusal sa Pilipinas.
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.