Miss Universe 1975
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1975 ay ang ika-24 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Gimnasio Nacional José Adolfo Pineda, San Salvador, El Salvador noong 19 Hulyo 1975. Ito rin ang unang edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng pagmamay-ari ng Gulf+Western Industries.
Miss Universe 1975 | |
---|---|
Petsa | 19 Hulyo 1975 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Gimnasio Nacional José Adolfo Pineda, San Salvador, El Salvador |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal:
|
Lumahok | 71 |
Placements | 12 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Anne Marie Pohtamo![]() |
Congeniality | Christine Mary Jackson ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Emy Elivia Abascal ![]() |
Photogenic | Martha Echeverri ![]() Summer Bartholomew ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Miss Universe 1972 Kerry Anne Wells si Anne Marie Pohtamo ng Pinlandiya bilang Miss Universe 1975.[1][2] Ito ang ikalawang tagumpay ng Pinlandiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Gerthie David ng Hayti, habang nagtapos bilang second runner-up si Summer Bartholomew ng Estados Unidos.[3] Hindi kinoronahan ni Amparo Muñoz ng Espanya ang kanyang kahalili matapos nitong bumitaw sa pwesto noong Enero 1975.
Mga kandidata mula sa pitumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikasiyam na pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[4][5]