From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1956 ay ang ikalimang edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 20 Hulyo 1956.[1]
Miss Universe 1956 | |
---|---|
Petsa | 20 Hulyo 1956 |
Presenters | Bob Russell |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 30 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Carol Morris Estados Unidos |
Congeniality | Anabella Granados Kosta Rika |
Photogenic | Marina Orschel Alemanya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Hillevi Rombin ng Suwesya si Carol Morris ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1956.[2][3] Ito ang pangalawang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Marina Orschel ng Kanlurang Alemanya, habang nagtapos bilang second runner-up si Ingrid Goude ng Suwesya.[4][5]
Mga kandidata mula sa tatlumpung mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon sa ikalimang pagkakataon.
Ang mga kalahok mula sa tatlumpung bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa matapos na mapatalsik ang orihinal na nanalo.
Iniluklok ang isa sa mga runner-up ng Miss Iceland 1956 na si Guðlaug Guðmundsdóttir upang kumatawan sa kanyang bansa dahil kasal na si Miss Iceland 1956 Ágústa Guðmundsdóttir.[6] Iniluklok si Isabel Rodriguez upang kumatawan sa bansang Pilipinas sa edisyong ito matapos na umurong si Edith Nakpil, Miss Philippines 1956, dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[7]
Unang sumali sa edisyong ito ang British Guiana, Lupangyelo, Olanda, at Republikang Dominikano, at bumalik ang Peru at Turkiya. Huling sumali noong 1953 ang Turkiya, at noong 1954 ang Peru.[8] Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, El Salbador, Honduras, Kanlurang Indies, Libanon, Nikaragwa, Noruwega, Pinlandiya, at Timog Korea sa edisyon ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Pagkakalagay | Contestant |
---|---|
Miss Universe 1956 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 15 |
Parangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Congeniality |
|
Most Popular Girl |
|
Tulad noong 1955, labinlimang mga semi-finalist lang ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labinlimang mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[12]
Tatlumpung kandidata ang lumahok para sa titulo.[13]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[lower-alpha 1] | Bayan |
---|---|---|---|
Alaska | Barbara Sellar[14] | 18 | Fairbanks |
Arhentina | Ileana Carré[13] | 18 | Buenos Aires |
Belhika | Lucienne Auquier[15] | 19 | Bruselas |
Beneswela | Blanca Heredia | 22 | Caracas |
Brasil | Maria José Cardoso[16] | 21 | Porto Alegre |
British Guiana | Rosalind Iva Joan Fung[17] | 20 | Georgetown |
Ekwador | Mercedes Flores Espín[13] | 24 | Guayaquil |
Estados Unidos | Carol Morris[18] | 20 | Des Moines |
Gresya | Rita Gouma[13] | 20 | Atenas |
Guwatemala | Ileana Garlinger[13] | 21 | Lungsod ng Guatemala |
Hapon | Yoshie Baba[19] | 19 | Aizuwakamatsu |
Inglatera | Iris Kathleen Waller[20] | 21 | Gateshead |
Israel | Sara Tal[21] | 22 | Tel-Abib |
Italya | Rossana Galli[22] | 21 | Roma |
Kanada | Elaine Bishenden[23] | 18 | Toronto |
Kanlurang Alemanya | Marina Orschel[24] | 19 | Berlin |
Kosta Rika | Anabella Granados[25] | 16 | Heredia |
Kuba | Marcia Rodríguez[26] | 19 | Havana |
Lupangyelo | Guðlaug Guðmundsdóttir[27] | 19 | Kópavogur |
Mehiko | Erna Marta Bauman[28] | 18 | Lungsod ng Mehiko |
Olanda | Rita Schmidt[29] | 21 | Alkmaar |
Peru | Lola Sabogal[30] | 21 | Lima |
Pilipinas | Isabel Rodriguez[31] | 19 | Maynila |
Porto Riko | Paquita Vivo[23] | 20 | San Lorenzo |
Pransiya | Anita Treyens[32] | 18 | Paris |
Republikang Dominikano | Olga Fiallo[33] | 22 | Santiago de los Caballeros |
Suwesya | Ingrid Goude[34] | 19 | Sandviken |
Tsile | Concepción Obach[35] | 19 | Santiago |
Turkiya | Can Yusal[36] | 18 | Istanbul |
Urugway | Titina Aguirre[26] | 19 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.