Constantinopla
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Constantinopla (Griyego: Κωνσταντινούπολις, pagsasalin: 'Kōnstantinoúpolis'; Latin: Cōnstantīnopolis) ay ang naging kabisera ng Imperyong Romano (330–395), ng Silangang Imperyo Romano (Bizantino) (395–1204 at 1261–1453), ng sandaling pamunuang Krusadong tinatawag na Imperyong Latino (1204–1261), at ng Imperyong Otomano (1453–1923). Nang taong 1923, ang kabisera ng Turkiya, na siyang bansang pumalit sa Imperyong Otomano, ay inilipat sa Ankara at ang pangalan ng lungsod ay ganap na ginawang Istanbul. Gayunman, Constantinopla pa rin ang ngalang umiiral sa kagamitang Griyego. Ang kinaroroonan ng lungsod ay ang siya ngayong bahaging nasa Europa ng kasalukuyang Istanbul.
Constantinopla Κωνσταντινούπολις | |
---|---|
lungsod, administrative territorial entity | |
Mga koordinado: 41°00′45″N 28°58′48″E | |
Bansa | Turkiya |
Ipinangalan kay (sa) | Constantino I |
Nang taong 324 ang sinaunang lungsod ng Bizancio ay naging bagong kabisera ng Imperyong Romano dulot ni Emperador Constantino na Dakila, kung kanino ito ipinangalan at inialay noong 11 Mayo 330. Mula sa kalagitnaan ng ika-5 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-13 siglo, ang Constantinopla ang siyang pinakamalaki at pinakamayamang lungsod sa kabuuan ng Europa. Nakilala ang lungsod sa mga likhang arkitektura nito tulad ng Hagia Sophia, ang katedral ng Silangang Simbahang Ortodoxo, na siyang nagsilbing pamunuan ng Patriarcado Ecunemico, banal na Palasyong Imperyal kung saan namalagi ang mga emperador, Muog ng Galata, Hipodromo, Ginintuang Pinto (Porta Aurea) sa bakod ng lungsod, at ang magagarang palasyong pangmaharlika na pumapaligid sa mga nakaarkong daan at liwasan. Ang Pamantasan ng Constantinopla ay itinatag noong ikalimang siglo at naglaman ng maraming yamang pansining at panitikan bago ito madambong nang taong 1204 at 1453, kasama ang Aklatang Imperyal nito na naglaman ng mga natira mula sa Aklatan ng Alexandria at nagkaroon ng mahigit 100,000 tomo ng sinaunang sulatin. Mahalaga ang lungsod sa pag-unlad ng Kristiyanismo sa panahon ng Romano at Bizantino bilang tahanan ng Patriarcado Ecunemico ng Constantinopla at patnubay sa pinakabanal na mga relikiya sa Kristiyanidad kagaya ng Koronang Tinik at ng Vera Crux.
Sikat ang Constantinopla para sa kaniyang napakalalaking at masasalimuot na tanggol, kabilang sa mga pinakasopistikadong arkitekturang pandepensa sa antiguwedad. Ang mga Pader ni Teodosio ay kinabilangan ng isang dobleng pader humigit-kumulang 2 km sa kanluran ng unang pader at isang poso (Kastila: foso, Ingles: moat) na may mga empalisada (Kastila: empalizada, Ingles: palisade) sa harap. Ang lokasyon ng Constantinopla, sa pagitan ng Ginintuang Sungay at Dagat Marmara ay nagbawas ng lawak ng lupa na kailangan ng mga pandepensang pader. Sadyang ginawa ang lungsod bilang karibal ng Roma, at isinalaysay na ang ilang mga kataasan sa loob ng kaniyang mga pader ay tumugma ng pitong bundok ng Roma. Ang mga matitibay na depensa ay inilakip ang kahanga-hangang mga palasyo, simboryo, at tore, dahil sa kasaganaan na nakagawa ang Constantinopla bilang tarangkahan sa pagitan ng dalawang kontinente (Europa at Asya) at dalawang dagat (Dagat Mediteraneo at Dagat Itim). Kahit na iba't ibang atake ng iba't ibang hukbo, tumagal ang mga depensa ng Constantinopla sa loob ng halos siyam na raang taon.
Noong 1204, gayunman, ang mga hukbo ng Ikaapat na Krusada kinunan at niluray ang lungsod at, sa loob ng mga ilang dekada, tumira ang mga naninirahan sa ilalim ng okupasyong Latin sa isang lungsod na umunti. Noong 1261, ang lungsod ay pinalaya ni Bisantinong Emperador Miguel VIII Paleologo, at pagkatapos ng restawrasyon sa ilalim ng dinastiyang Paleologo, bahagyang nakabawi. Dahil sa pagdating ng Imperyong Otomano noong 1299, ang Imperyong Bisantino ay nagsimula mawalan ang mga teritoryo, at ang lungsod nagsimula mawalan ang mga tao. Noong unang bahagi ng ika-15 na siglo, ang Imperyong Bisantino ay binawasan sa lang Constantinopla at kaniyang paligid, kasama sa Morea sa Gresya, kaya nauwi sa isang engklabo sa loob ng Imperyong Otomano. Sa wakas ang lungsod ay sinakop ni Imperyong Otomano noong 1453, at nanatili sa ilalim ng kaniyang kontrol hanggang sa unang bahagi ng ika-20 na siglo. Pagkatapos ng ito ang lungsod ay muling pinangalanan na Istanbul ng kasunod ng estadong Turkiya.
Ito ay isa sa tatlong lalawigan ng Turkiya na matatagpuan sa Balkanikong Tangway sa Europa.
Ayon sa Plinio ang Nakatatanda sa kaniyang Naturalis Historia (Tagalog: Likas na Kasaysayan) ang unang alam na pangalan sa pook ng Constantinopla ay Lygos, isang pamayanan malamang ng pinagmulang Trasyano, na itinatag sa pagitan ng ika-13 at ika-11 na siglo BK. Ang pook, ayon sa mito ng pagtatatag ng lungsod, pinabayaan sa oras na itinatag ang Bizancio (Sinaunang Griyego: Βυζάντιον, romanisado: Byzántion) ng mga Griyegong nanirahan mula sa lungsod-estadong Megara, noong mga 657 BK, sa tapat ng bayang Kalsedonya sa Asyatikong tabi ng Bosporo.
Ang mga pinagmulan ng pangalang Byzantion, mas karaniwang kilala bilang mamayang Lating Byzantium, ay di-tiyak, ngunit iminumungkahi ang isang posibleng pinagmulang Trasyano. Ayon sa mito ng pagtatatag ng lungsod, ang pamayanan ay pinangalanan kay Byzas, ang pinuno ng mga konolistang taga-Megara. Ang mga Bisantinong mismo ay mamayang nagpahayag na ang lungsod ay pinangalanan sa karangalan ng dalawang lalaking Byzas at Antas, ngunit ito ay malamang isang etimolohiyang pambayan.
Sa maikling panahon ang lungsod ay muling pinangalanan na Augusta Antonina noong unang bahagi ng ika-3 na siglo ni Emperador Septimio Severo, na puspusang niluray ang lungsod noong 196 AD dahil sa kaniyang suporta para kay isang karibal habang digmaang sibil (193 AD), at na muling nagpagawa ito sa karangalan ng kaniyang anak ng Marcus Aurelius Antoninus, kasunod na Emperador, popular na kilala bilang Caracalla. Ang pangalan ay mabilis na kinalimutan at pinabayaan, at ang lungsod naumbalik sa Byzantium / Byzantion pagkatapos ng pananambang ni Caracalla noong 217, o pagkatapos ng pagbagsak ng dinastiyang Severa noong 235.
Ang Bizancio ay umako ng pangalang Constantinopla (Sinaunang Griyego: Κωνσταντινούπολις, romanisado: Kōnstantinoupolis, lit. 'lungsod ng Constantino') pagkatapos ng niyang repundasyon ni Romanong Emperador Constantino I, kung sino naglipat ng kabisera ng Imperyong Romano sa Bizancio noong 330 at opisyal na tinukoy ang kaniyang bagong kabisera na Bagong Roma (Latin: Nova Roma, Sinaunang Griyego: Νέα Ῥώμη, romanisado: Néa Rhṓmē). Habang itong panahon tinawag din ang lungsod na "Pangalawang Roma" (Latin: Secunda Roma), "Silangang Roma" (Latin: Roma Orientalis), at "Roma ni Constantino" (Latin: Roma Constantinopolitana). Ang lungsod ay naging nag-iisang kabiserang nanatili pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Romano, at dumami ang kaniyang yaman, poblasyon, at impluwensiya, kaya nagtamo din ang lungsod ng iba't ibang palayaw.
Bilang pinakamalaking at pinakamayamang lungsod nasa Europa habang ika-4–13 na siglo at isang sentro ng kultura at edukasyon ng Dagat Mediteraneo, ang nagtamo ang Constantinopla ng mga prestihiyosong titulo tulad ng Basileuousa ("Reyna ng mga Lungsod") at Megalopolis ("Dakilang Lungsod"). Talaga, sa kolokyal na salita, karaniwang tinukoy na lang "Lungsod" (Sinaunang Griyego: ἡ Πόλις, romanisado: I Polis), parehong ng mga taga-Constantinopla at taga-mga-probinsya.
Sa mismong pitagan ang Constantinopla ay tinukoy ng mga wika ng ibang mga tao. Ang mediebal na mga Viking, na may mga kontakto sa imperyo sa pamamagitan ng kanilang paglawak sa Silangang Europa (mga Varangian) ay gumamit ng wikang Lumang Nordikong panahong Miklagarðr (mula sa mikill "malaki(ng)" at garðr "lungsod"), at mamaya Miklagard at Miklagarth. Sa Arabe, paminsan-minsang tinawag ang lungsod na Rūmiyyat al-Kubra ("Dakilang Lungsod ng mga Romano"), at sa Persa, Takht-e Rum ("Trono ng mga Romano").
Sa mga wikang Silangang at Timog Eslabo, kabilang sa Rus ng Kiev, tinukoy ang Constantinopla bilang Tsargrad (Царьград o Carigrad), lit. na 'Lungsod ng Caesar (Emperador)', mula sa mga salitang Eslabo tsar ("Caesar" o "Hari"), at grad ("lungsod"). Ito ay malamang isang kalko (Kastila: calco, Ingles: calque) ng ilang praseng Griyego tulad ng Βασιλέως Πόλις Vasileos Polis, "lungsod ng emperador/hari".
Sa Persa tinukoy din na Asitane ("Pintuan ng Estado") at sa Armenyo Gosdantnubolis.
Ang modernong Turkong pangalan para sa lungsod, Istanbul, ay hango sa Griyegong praseng eis tin polin (εἰς τὴν πόλιν) (Tagalog: sa lungsod). (Kaya nagkataon lang na medyo nahahawig ng Istanbul ang mga piraso ng Con-stan-ti-nopl-a.) Ginamit ang itong pangalin sa Turko kasama ng Kostantiniyye, ang mas pormal na adaptasyon ng orihinal na Constantinopla, habang paghahari ng mta Otomano, yamang patuloy tinukoy ng mga kanluraning wika ang lungsod bilang Constantinopla hanggang sa unang bahagi ng ika-20 na siglo. Noong 1928 binago ang alpabetong Turko mula sa Arabe hanggang sa Latin. Pagkatapos, bilang bahagi ng pagkaka-Turk noong mga 1920, ang Turkiya ay nagsimula himukin ang ibang mga bansa na gumamit ng mga Turkong panahon para sa mga Turkong lungsod, imbes na ibang mga transliterasyon sa Lating iskrip na ginamit sa panahong Otomano. Nang lumaon ang lungsod ay tinawag na Istanbul (na may mga baryasyon) sa karamihan ng mga wika.
Ang pangalang "Constantinopla" ay ginagamit pa ng mga miyembro ng Simbahang Ortodokso ng Silangan para sa titulo ng isa sa kanilang pinakahahalagang lider, ang Ekumenikal na Patriarka ng Constantinople na tumitira sa lungsod. Sa Gresya ngayon, ang lungsod ay tinatawag pa na Konstantinoúpoli(s) (Κωνσταντινούπολις/Κωνσταντινούπολη) o simple na "Lungsod" (Η Πόλη).
Itinatag ang Constantinopla ni Romanong emperador Constantino I (272–337) noong 324 sa pook ng lungsod na umiral na, Bizancio, na itinatag habang maagang Griyegong kolonisasyon, sa paligid ng 657 BK, ng mga kolonista mula sa siyudad-estadong Megara. Ito ay unang pangunahing pamayanan na tumubo sa pook na mamayang Constantinopla, pero ang unang alam na pamayanan ay Lygos, na tinukoy ng Naturalis Historia ni Plinio. Bukod dito, ang karamihan ng impormasyon tungkol sa Lygos ay lingid sa kaalaman. Ang pook, ayon sa mito ng pagtatatag ng lungsod, ay pinabayaan sa oras na itinatag ng mga Griyegong kolonista galing sa siyudad-estadong Megara ang Bizancio (Βυζάντιον), sa tapat ng bayang Kalsedonya sa Asyatikong tabi ng Bosporo.
Sumulat si Hesikio ng Mileto (Sinaunang Griyego: Ἡσύχιος ὁ Μιλήσιος, romanisado: Hesychios o Milesios) na "napagpahayag [ang mga tao] na mga taga-Megara, mga inapo ni Nisos, naglayag sa itong pook sa ilalim ng kanilang lider, Byzas, at iniimbento ang pabula na ikinabit ang kaniyang pangalan sa lungsod." Sinasabi ang ilang mga bersyon ng mito ng pagtatatag na Byzas ay anak na lalaki ng isang lokal na nimpa, yamang sinasabi ang ibang mga bersyon na Byzas ay anak ni Poseidon at isa sa mga anak na babae ni Zeus. Ibinibigay din ni Hesikio ang ibang mga bersyon ng mito ng pagtatatag ng lungsod, na ipinalagay niya sa lumang mga makata at manunulat:
Nagpanatili ang lungsod ng kaniyang kalayaan bilang isang siyudad-estado hanggang sa pagkakadagdag ni Dario I noong 512 BK sa Imperyong Persa, kung sino ipinalagay ang pook bilang pinakamabuting para gumawa ng isang tulay na lumulutang patungo sa Europa, dahil ang Bizancio ay nasa pinakamakitid na punto sa Bosporo. Tumagal ang paghaharing Persa hanggang sa 478 BK kapag, bilang bahagi ng Griyegong kontraatake sa ikalawang Persang pagsalakay ng Gresya, ang isang hukbo na pinamunuan ni Ispartanong heneral Pausanias ay bumihag ng lungsod, na nanatili bilang isang lungsod na independiyente, ngunit subordinado, sa ilalim ng mga Ateniyano, at mamaya sa ilalim ng mga Ispartano matapos na 411 BK. Ang isang malayo ang tinging tratado, sa Republikang Romano noong c. 150 BK, na nagtakda ng pera bilat kapalit ng nominal na kalayaan, ay inatim na pumasok ang lungsod sa paghaharing Romano nang walang pinsala. Sa katagalan nakabuti ang itong tratado, dahil ng Bizancio ay napanatili ang itong kalayaan, at sinuwerte sa ilalim ng kapayapaan at katatagan habang Pax Romana, sa loob ng halos tatlong siglo hanggang sa huling bahagi ng ika-2 na siglo AD.
Ang Bizancio ay hindi kailanman isang pangunahing maimpluwensiyang siyudad-estado bilang Atenas, Corinto, o Isparta, pero nalugod ang lungsod ng relatibong kapayapaan at matatag na paglaki bilang isang manigong lungsod ng pangangalakal, dahil sa kaniyang kapansin-pansing lugar. Bumukaka ang lungsod ng ruta ng lupa sa pagitan ng Europa at Asya, at ng ruta ng dagat sa pagitan ng Dagat Itim at Mediteraneo, at salamat sa Ginintuang Sungay may isang napakagaling at maluwang na puwerto. Sikat na, sa panahong Greko-Romano, para sa kaniyang estratehikong heograpikong pook na pinahirapan ang pagbihag, at dahil sa kaniyang manigong lugar, napakahalaga ng lungsod para iwan. Ang itong aralin ay natuto ni Emperador Septimio Severo kapag niluray ang lungsod dahil nagtaguyod ng angkin ni Pescennius Niger. Ang itong galaw ay mabalasik na pinintasan ni Cassius Dio, kung sino sinabi na sinira ni Severo "ang malakas na Romanong moog, at isang base ng mga operasyon kontra mga barbaro galing Pontus at Asya".[1] Muling nagpagawa si Severo ng Bizancio sa tapos ng niyang paghahari, at pansamantalang pinangalanan ito na Augusta Antonina, na pinaigting sa pamamagitan ng isang dingding na may kaniyang pangalan (Latin: Vallum Severi).
Si Constantino I ay may ibang mga plano. Pagkatapos isauli ang pagkakaisa ng Imperyo, at habang pangunahing panggobyernong mga reporma at saka pakikiisa ng simbahang Kristiyano, alam na alam niya na Roma ay di-kasiya-siyang kabisera. Sa kabila ng kaniyang sentral na lugar, ang Roma ay masyadong malayo sa mga prontera, at kaya sa mga hukbo at korteng imperyal, at ay di-kanais-nais para sa mga politikong hindi nasisiyahan. Pero pa rin ito ang kabisera ng estado sa loob ng mahigit isang libong taon na, at malamang parang baliw ang mungkahi na inilipat ang kabisera. Pero nagtalaga si Constantino ng pook ng Bizancio bilang tama, kung saan madali na nakaupo ang isang emperador, na may malakas na mga depensa, na may madaling paglapit sa mga prontera sa Danubio o Eufrates, na may korteng sinuplay mula sa mayayamang hardin at mga sopistikadong talyer at pabrika ng Romanong Asya, na may ingatang-yamang pinuno ng pinakayayamang lalawigan ng Imperyo.
Itinayo ang Constantinopla sa loob ng anim na taon, at kinonsagra sa 11 Mayo 330. Hinati ni Constantino ang lungsod na lumaki, bilang Roma, sa labing apat na rehiyon, at nag-adorno ng lungsod sa pamamagitan ng mga publikong obrang karapat-dapat sa isang imperyal na metropolis. Gayunman, sa una, ang bagong Roma ni Constantino hindi ay may lahat ng mga dignidad ng lumang Roma. Nagkaroon ng isang prokonsul imbes na isang prepektong panlungsod (Latin: praefectus urbanus / praefectus urbi). Walang mga praetor, tribuno, o quaestor. Maski may mga senador (Latin: senatores), ang kanilang titulo ay clarus, hindi clarissimus bilang nasa Roma. Nagkulang din ang lungsod ng mga administratibong opisina para ayusin ang pagkain, pulis, mga estatwa, templo, imburnal, akwedukto, o ibang mga obrang pampubliko. Mabilis na ginanap ang itong programa ng bagong konstruksiyon: pira-pirasong nilipatan ang mga templo sa bagong lungsod. Gayon din, ang marami sa mga pinakadakilang obra ng Griyegong at Romanong sining ay agad na nakita sa mga kuwadrado at kalye.
Hinimok ng emperador ang pribadong konstruksiyon sa pamamagitan ng mga pangako ng mga regalo ng lupa, mula sa mga imperyal na estado nasa mga diyosesis ng Asiana at Pontica, para sa mga posibleng residente. Para mas hikayatin ang mga lipat sa itong bagong lungsod, noong 18 Mayo 332 inihayag na, bilang sa Roma, may libreng mga rasyon ng pagkain para sa mga mamamayan. Sinabi na sa panahong iyon nangahulugan ito ng 80,000 rasyon ng pagkain kada araw, na hinati mula sa 117 punto ng distribusyon sa buong lungsod.
Inayos ni Constantino ang isang bagong kuwadrado sa sentro ng lumang Bizancio, na pinangalanan na Augustaion (Sinaunang Griyego: Αὐγουσταῖον, Latin: Augustaeum). Pinatira ang bagong Curia sa isang basilika sa silangang tabi. Sa timog tabi ng dakilang kuwedrado ay itinayo ang Dakilang Palasyo (Sinaunang Griyego: Μέγα Παλάτιον) ng Emperador na may nagpapataw ng pasok (Sinaunang Griyego: Χαλκῆ Πύλη) at kaniyang seremonyal na suite (Sinaunang Griyego: Παλάτι της Δάφνης). Malapit ang malawak na Hipodromo para sa mga karera sa mga kalesa, na may higit sa 80,000 upuan, at saka tanyag na mga Ligo ni Zeuxippus (Sinaunang Griyego: Θέρμες του Ζευξίππου). Nasa kanluraning entrada sa Augustaeum ay ang Milion (Sinaunang Griyego: Μίλιον / Μίλλιον, Turko: Milyon taşı), isang bantayog mula sa kung saan sinukat ang mga distansiya sa buong Silangang Imperyong Romano.
Mula sa Augustaeum umagos ang isang malaking kalye, ang Mese (Sinaunang Griyego: ἡ Μέση [Ὀδός], lit. na 'Gitnang [Kalye]') na may mga kolumnata. Habang bumaba ang itong kalye ng Unang Burol ng lungsod at umakyat ang Ikalawang Burol, dumaan sa kaliwa ng Praetorium o korteng pambatas. Pagkatapos dinaanan habilog na Forum ni Constantino kung saan ay ikalawang Curia at isang mataas na haligi na may estatwa ni Konstantinong mismo, sa pagkukunwari ni Helios, na kinoronahan ng isang sinag ng pitong rayo, at na tumingin ng pagsikat ng araw. Galing doon, dinaanan ng Mese ang Forum Tauri at Forum Bovis, at sa wakas umakyat ng Ikapito Burol (Xerolophus) at dinaanan ang Ginintuang Tarangkahan nasa mga Pader ng Constantinopola. Pagkatapos ng konstruksiyon ng mga Pader ni Teodosio sa unang bahagi ng ika-5 na siglo, hinabaan ng Mese hanggang sa bagong Ginintuang Tarangkahan, at kaya umabot sa kabuuang haba ng pitong Romanong milya. Pagkatapos ng konstruksiyon ng mga Pader ni Teodosio, ang Constantinopola ay kinabilangan ng sukat na humigit-kumulang tinumbasan ang sukat ng Lumang Roma sa loob ng mga Pader ni Aurelio, o mga 1,400 ha.
Bai-baitang dumami ang kahalagan ng Constantinopla. Mula sa pagkamatay ni Constantino noong 337 hanggang sa aksesiyon ni Teodosio I, tumira roon ang mga emperador lang noong mga taong 337–338, 347–351, 358–361, 368–369. Ang kaniyang estado bilang kabisera ay tinanggap ng pagtatalaga ng unang kilala Prepekto ng Lungsod, Honoratus (lit. na 'honrado, ang pinarangalan') (11 Disyembre 359 – 361). Ang mga prepekto ng lungsod ay may magkasabay na hurisdiksyon sa tatlong lalawigan nasa mga diyosesis ng Trasya (ang lugar ng lungsod), Pontus, at Asya, katulad ng hurisdiksyon ng 100 milya ng prepekto ng Roma. Napoot ng emperador Valens ang lungsod at lang isang taon siyang nanatili doon, ngunit itinayo niya ang Palasyo ng Hebdomon (ngayon Bakırköy sa Turkiya) sa baybayin ng Propontis katabi ng Ginintuang Tarangkahan, malamang para magrepaso ng mga tropa. Ang lahat ng mga emperador hanggang sa Zeno at Basiliscus ay kinoronahan at pinalakpakan sa Hebdomon. Itinatag ni Teodosio I ang Simbahan ng Juan Bautista para itira ang bungo ng santo (na ngayong pinananatili sa Palasyo ng Topkapı), itinayo ang isang haliging memoryal para sa sarili niya sa Forum ng Taurus, at pinalitan ang sirang templo ni Aphrodite sa isang coach house para sa Prepektong Praetoriyano. Nagpagawa si Arcadius ng isang bagong forum na may pangalang sarili sa Mese, katabi ng mga Pader ni Constantino.
Pagkatapos ng pagkagulat ng Digma ng Adrianopla (ngayon Edirne sa Turkiya) noong 378, kung saan ang emperador Valens, kasama ng pinakamabubuti ng Romanong hukbo, ay napatay ng mga Visigodo, pinagtibay ng lungsod ang kaniyang mga depensa, at noong 413–414 nagpatayo si Theodosius II ng mga tripleng pader (na may taas ng 18 metro), na hindi nilabag hanggang sa pagdating ng pulbura. Itinatag din ni Theodosius II ang isang Unibersidad katabi ng Forum ng Taurus, noong 27 Pebrero 425.
Lumitaw si Uldin, isang prinsipe ng mga Huno, sa Danubio sa paligid ng oras na ito at umabante sa Trasya, pero nilisan ng mararaming kaniyang tagasunod, na sumama ng mga Romano sa taboy ng nilang hari sa hilaga ng ilog. Mamayang itinayo ng mga bagong pader para depensahan ang lungsod, at pinabuti ang plota sa Danubio.
Pagkatapos ng pagsira ng Kanlurang Imperyong Romano, Constantinopla ay naging nag-iisang kabisera ng Imperyong Romano. Hindi na pabalik-balik na biyahe ang mga emperador sa pagitan ng iba't ibang kabisera pangkorte at palasyo. Nanatili sila sa kanilang palasyo sa Dakilang Lungsod, at pinalabas ang mga heneral para mag-atas ng kanilang mga hukbo. Umagos ang yaman ng silangang Mediteraneo at ng kanlurang Asya sa Constantinopla.
Kilala ang emperador Justiniano I dahil kaniyang mga tagumpay sa digmaan, kaniyang mga repormang pambatas, at kaniyang mga obrang pampubliko. Galing sa Constantinopla ang paglalayag, c. 21 Hunyo 533, ng kaniyang ekspedisyon para sa muling pananakop ng dating diyosesis ng Africa. Bago kanilang pag-alis, ang barko ng komandante na si Belisario ay iniangkla sa harap ng palasyong imperyal, at naghandog ang Patriarko ng mga dasal para sa tagumpay ng proyekto. Pagkatapos ng tagumpay, noong 534, ang mga tesoro ng Herusalem, na ninakaw ng mga Romano noong 70 AD at isinalin ng mga Vandal pagkatapos ng kanilang atake sa Roma noong 455, ay dinalhan sa Constantinopla at saglit lang idineposito, siguro sa Simbahan ni Santo Polieukto, bago ibinalik sa Herusalem, siguro sa Simbahan ng Banal na Sepulkro o Bagong Simbahan.
Mahalaga ang mga karera sa mga kalesa sa loob ng mga siglo. Sa Constantinopla, sa huli, ang hipodromo ay naging isang lugar ng katuturang politikal. Doon, bilang anino ng mga popular na eleksyon ng bagong Roma, na ipinakita ng mga tao ang pagsang-ayong kanilang ng isang bagong emperador, doong lantarang sinuri ang gobyerno, doong hiningi ang pagtatanggal ng mga ministrong di-popular. Sa panahon ni Justiniano, ang kaayusan ng publiko ay naging isang kritikal at politikal na paksa.
Sa buong mga panahong huling Romano at maagang Bisantino, binuno ng Kristiyanismo ang mga tanong tungkol sa kaniyang identidad (i.e. kaniyang opisyal na kredo), at ang pagtatalo sa pagitan ng Kristiyanismong Calcedonio at monopisismo ay naging sanhi ng grabeng kaguluhang ipinahayag sa pamamagitan ng katapatan sa isa sa dalawang partido (sa mga nasabing karera sa mga kalesa), mga Asul at mga Berde. Sinabi na ang mga partidaryo ng mga Asul at Berde ay hindi nagpagupit, kakatuwang nagbihis, at bumuo ng mga barkada para gumawa ng iba't ibang gawa ng karahasan. Sa wakas ang itong mga kaguluhan ay naging isang pangunahing rebelyon noong 532, kilala bilang mga gulo ng Nika (dahil sa kanilang sigaw ng "Nika!" o "Magtagumpay!").
Ang mga apoy na nasimulan ng mga bandal ay umubos ng basilika ni Theodosius ng Hagia Sophia (Banal na Karunungan), katedral ng lungsod, nasa hilaga ng Augustaeum, at na pinalitan ang basilika ni Constantino II, na pinalitan ang unang Bisantinong katedral, Hagia Irene (Banal na Kapayapaan). Nagpagawa si Justiniano I ng bagong at walang kapantay na Hagia Sophia, na itinayo nina Antemio ng Trales at Isidore ng Mileto, para palitan ang Hagia Irene. Ito ay dakilang katedral ng lungsod at, ayon sa alamat, ang kaniyang simboryo ay nakahawak sa pamamagitan lamang ng Diyos. Ang itong katedral ay direkto nakakonekta sa palasyo para nakadalo ang pamilyang imperyal sa mga serbisyo nang hindi pinagdaanan ang mga kalye. Naganap ang dedikasyon noong 26 Disyembre 537 sa pagdalo ng emperador, kung sino naiulat na isinigaw, "O Solomon, lumamang kita!" Ang Hagia Sophia ay pinagsilbihan ng 600 tao kabilang sa 80 pari, at nagkahalaga ang pagtatayo ng 20,000 libra ng ginto.
Sa mga utos ni Justiniano, giniba din at pinalitan nina Antemio at Isidore ang orihinal na Simbahan ng mga Banal na Alagad at ang Hagia Irene, na nagpagawa si Constantino, ng mga bagong simbahan sa ilalim ng mismong dedikasyon. Idinisenyo ang itong bagong Simbahan ng mga Banal na Alagad sa porma ng isang equal-armed cross na may limang simboryo, at na inadornohan ng maririkit na mosaiko. Ang itong simbahan ay lugar ng libing para sa mga emperador mula sa Constantinong mismo hanggang sa ika-11 na siglo. Pagkatapos ng pagbagsak ng lungsod sa mga Turko noong 1453, giniba ang simbahan para magkaroon ng espasyo para sa puntod ng Mehmed II ang Mananakop. Inatupag din ni Justiniano ang mga ibang aspekto ng kabihasnan, at nagpatupad ng mga batas kontra konstruksiyon sa loob ng 30 m ng baybayin, para protektahan ang bista.
Habang paghahari ng Justiniano I, umabot ang populasyon ng lungsod sa mga 500,000 tao. Gayunman, ang sosyal na tela ng Constantinopla ay sinira rin ng Salot ni Justiniano (541–542 AD) na pinatay mga 40% ng mga residente.
Noong unang bahagi ng ika-7 na siglo, niluray ng mga Avar at mamaya ng mga Bulgar ang karamihan ng mga Balkan, at binantaan ang Constantinopla sa atake mula sa kanluran. Sabay-sabay, niluray ng mga Sasanida ang Prepektura ng Silangan at umabot sa puso ng Anatolya. Si Heraclius, ang bata ng eksarko[kailangang linawin] ng Aprika, naglayag sa lungsod at hinuli ang trono. Napakagrabe ang sitwasyong militar kaya, ayon sa alamat, pinag-iisipan ni Heraclius ang pag-urong ng kabisera sa Kartago, pero nanatili kapag ang mga tao ng Constantinopla ay nagmakaawa sa kanya na manatili. Ang libreng angkak na nabanggit sa itaas ay nawala noong 618 kapag natanto ni Heraclius na hindi na puwede inisuplay ang lungsod mula sa Ehipto (sa mga lumang araw, ang basket ng tinapay ng Imperyong Romano) dahil sa mga digmaan sa Persiya. At dahil sa itong pagkawala, binawasan ang populasyon ng lnngsod.
Noong dekada 730 ginanap ni Leo III ang malalawakang pagkukumpuni sa mga Pader ni Teodosio, na sinira ng mga malilimit at mararahas na atake. Ang itong obra ay binayaran ng espesyal na buwis sa lahat ng mga suheto ng Imperyo.
Si Teodora, ang biyuda ng Emperador Teofilo (c. 812–842), ay kumilos bilang rehente habang kabataan ng kaniyang anak na lalaking Miguel III.
Noong 860, ang lungsod ay inatake ng isang bagong prinsipalidad na itinayo noong mga taon mas maaga sa Kiev nina Askold at Dir, dalawang hepeng Varego. Pinagdaanan ng dalawang daang maliliit na barko ang Bosporo at dinambong ang mga monasteryo at ibang mga propyedad sa suburbanong mga Pulo ng mga Prinsipe (Griyego: Πριγκηπονήσια, romanisado: Pringiponisia, Turko: Prens Adaları). Inalerto ni Niketas Oripas, admiral ng plotang Bisantino, ang emperador Miguel, kung sino agad na itinaboy ang mga mananakop, pero ang mabangis na paglusob ay malubhang nakapanakot ng mga residente.
Noong 980, tumanggap ang emperador Basil II ng isang kakaibang regalo mula sa Prinsipe Vladimir I ng Kiev: 6,000 Varegong mandirigma, na binuo ni Basil II ang isang bagong guwardiya na kilala bilang Baregong Guwardiya. Kilala sila dahil sa kanilang kabangisan, dangal, at katapatan. Sinasabi na, noong 1038, tumira sila sa kuwartel na pantaglamig kapag ang isa sa sila ay sinubukang gahasain ang isang babaeng magsasaka, pero sa piglas sinakop ng babae ang tabak ng mandirigma at pinatay siya. Imbes na maghiganti, gayunman, pumuri ang kaniyang mga kasama ng kilos ng babae, ibinayad kaniya sa lahat ng niyang dating pag-aari, at inilantad ang katawang walang libing, para bang pagpapatiwakal. Gayunman, pagkatapos ng pagkamatay ng Emperador, dinambong din nila ang mga palasyong imperyal. Mamaya noong ika-11 na siglo ang Baregong Guwardiya ay binuo ng mga Anglosahon na minabuti ang itong pamumuhay imbes na subhugasyon ng mga bagong Normanong hari ng Inglatera.
Ibinigay ng Aklat ng Eparko (Sinaunang Griyego: Τὸ ἐπαρχικὸν βιβλίον, romanisado: To eparchikon biblion) ang detalyadong paglalarawan ng komersyal na buhay at kaniyang organisasyon sa panahong iyon. Namahala ang Eparko (o Prepekto) ang mga korporasyon kung saan inorganisa ang mga artisano ng Constantinopla. Nangasiwa ang Eparko ng mga bagay pangnegosyo tulad ng produksiyon, mga presyo, angkat, at eksportasyon. Ang bawa't isang samahan o guild ay may sariling monopolyo, at bawal noon na ang isang artisano ay miyembro ng higit sa isa.
Noong ika-9 at ika-10 na mga siglo, ang Constantinopla ay may mga 500,000–800,000 residente.
Sa ika-8 at 9 na siglo, nagdulot ang ikonoklastikong paggalaw ng grabeng politikong kaguluhan sa buong Imperyo. Nagpasiya ang emperador Leo III noong 726 kontra mga imahen, at iniutos ang paninira ng isang estatwa ng Kristo sa itaas ng isa sa mga pinto ng Chalke, isang gawaing mabangis na tinutulan ng mga residente. Tinawag ni Constantino V ang isang konsehong eklesiastiko noong 754, na sinumpa ang pagsamba ng mga imahen. Dahil sa ito, ang mararaming obrang relihiyoso ay sinira, sinunog, o muling ipininta ng mga paglalarawan ng mga puno, ibon, o ibang hayop. Ayon sa isang sanggunian, ang Simbahan ni Santa Maria ng Blachernae ay naging isang "prutasan at aberiya".[2] Pagkatapos ng pagkamatay ng niyang asawa ni Leo IV noong 780, ang emperatris Irene ay nagsauli ng benerasyon ng mga imahen sa pamamagitan ng Ikalawang Konsilyo ng Nicaea noong 787.
Bumalik ang kontrobersiyang ikonoklasta noong unang bahagi ng ika-9 na siglo, pero muling naayos noong 843 habang rehensiya ng Emperatris Teodora kung sino nagsauli ng mga ikono. Ang itong mga kontrobersiya ay nag-ambag ng paghina ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga Kanlurang at Silangang Simbahan.
Noong huling bahagi ng ika-11 na siglo, nangyari ang isang katastrope sa pamamagitan ng bigla-biglang at mapaminsalang pagkatalo ng mga imperyal na hukbo sa Digma ng Manzikert noong 1071, kung saan dinakip ang Emperador Romanos IV Diogenes. Hindi labis-labis ang mga termino ng kapayapaan na hiningi ni Alp Arslan, sultan ng mga Seljuk, at natanggap ni Romanos. Kapag pinalaya, gayunman, nadiskubre ni Romanos na sa kaniyang liban, inilagay ng mga kaaway ang sariling kandidato sa trono. Siya sa kanilang sumuko at namatay sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kapwa, at tanggihan ng bagong pinuno, Miguel VII Dukas, ang pagtupad ng tratado. Bilang tugon, ang mga Turko ay nagsimulang gumalaw sa Anatolya noong 1073. Ang pagguho ng lumang sistemang pandepensa ay nangahulugan ng kawalan ng pagkontra, at inabala at winaldas ang mapagkukunan ng imperyo sa isang serye ng mga digmaang sibil. Ang libu-libong Turkmen ay tumawid ng ilog na hindi binantayan at pumasok sa Anatolya. Noong 1080, nawalan ang Imperyo ng isang napakalaking lawak, at nasalakay ang mga Turko ng Constantinopla.
Sa ilalim ng dinastiyang mga Comneni (1081–1185), malaking nakabawi ang Bizancio. Noong 1090–91 umabot ang nomadikong mga Petseneg sa mga pader ng Constantinopla, kung saan ang kanilang hukbo ay pinuksa ng Emperador Alexios I sa pamamagitan ng tulong ng mga Kiptsak. Bilang tugon sa isang panawagan para sa tulong ni Alexios I, nagtipon ang Unang Krusada sa Constantinopla noong 1096, pero dahil ayaw niyang sumailalim ng mga Bisantino, nagbiyahe sa Herusalem sa kaniyang sarili. Nagpagawa si Juan II Komnenos ng monasteryo ng Pantokrator (Makapangyarihan sa lahat) na may ospital na may limampung kama para sa mga pobre.
Dahil sa sauli ng pirming sentral na gobyerno, naging yaman-yaman ang imperyo. Tumaas ang populasyon ng Constantinopla (nagkakaiba ang mga palagay, pero mga 100,000–500,000 tao) at umunlad ang mga lungsod at bayan sa buong kaharian. Samantala malaking tumaas ang dami ng pera sa sirkulasyon. Itong ipinakita sa Constantinopla ng konstruktion ng palasyo ng Blachernae, ang likha ng kahanga-hangang mga bagong gawa ng sining, at heneral na kasaganaan. Ang isang pagtaas ng kalakalan, sa pamamagitan ng paglaki ng mga Italyanong siyudad-estado, ay nakatulong ang paglaki ng Bisantinong ekonomiya. Sigurado na mga Veneto at ibang mga Italyano ay aktibong mangangalakal sa Constantinopla, kung saan hinakot ang paninda sa pagitan ng mga estado ng nagkrusada at Kanluran, habang malawak na naglakad sa Bizancio at Ehipto. Ang mga Veneto ay may mga paktorya sa hilagang tabi ng Ginintuang Sungay, at nasa lungsod may yuta-yutang Kanluranin sa buong ika-12 na siglo. Malapit na sa dulo ng paghahari ni Manuel I Komnenos, ang dami ng mga dayuhan nasa lungsod ay umabot sa mga 60,000–80,000 tao sa isang populasyon ng mga 400,000 tao. Noong 1171, sumaklaw rin ang Constantinopla ng isang bayan-bayanan ng 2,500 Hudyo. Noong 1182, ang karamihan ng mga Lating (Kanlurang Europeong) naninirahan ng Constantinopla ay pinuksa.
Pagdating sa sining, ang ika-12 na siglo ay napakaproduktibong panahon. May pagbuhay ng mosaikong sining, halimbawa. Ang mga mosaiko ay naging mas makatotohanan at matingkad, na may isang nadagdagang diin sa mga porma sa tatlong dimensiyonal na espasyo. May nadagdagang kailangan para sa sining, dahil nagkaroon ang mas marami pang tao ng yaman para magpagawa at magpalibre ng ganiyang gawa.
Noong 25 Julio 1197, nagbata ang Constantinopla ng isang matinding apoy na nanunog ng Lating Sangkapat at pook malapit sa Tarangkahan ng mga Droungario (Turko: Odun Kapısı) sa Ginintuang Sungay. Gayunman, ang pagsira na nagdulot ang apoy ng 1197 ay malayo kaysa sa ang dinalhan ng mga Krusador. Habang isang pakana sa pagitan nina Felipe ng Swabia, Boniface ng Montferrat, at Doge ng Venecia, ang Ikaapat na Krusada ay, maski eksomunyon sa pamamagitan ng papa, inilihis noong 1203 kontra Constantinopla, na diumano'y para isulong ang mga kahilingan ni Alexios IV Angelos, bayaw ni Felipe, anak ng lalaki ng patay na emperador Isaac II Angelos. Hindi siya pinaghandaan ito ng nagharing emperador Alexios III Angelos. Ang mga Krusador ay umokupa ng Galata, sumira ng kadenang pandepensa na pinrotektahan ng Ginintuang Sungay, at pumasok ng puwerto, kung saan noong 27 Hulyo nilabag nila ang mga dingding ng dagat. Tumakas si Alexios III, pero nadiskubre ni bagong Alexios IV na kulang ang ingatang-yaman, at hindi natupad ang mga gantimpala na ipinangako sa kaniyang mga kanluranin alyado. Tumaas ang tensiyon sa pagitan ng mga mamamayan at mga Lating sundalo. Noong Enero 1204, nagdulot ang Protovestiarios Alexios Murzuphlos ng isang gulo, na diumano'y para takutin si Alexios IV, pero ang nag-iisang bunga ay pagsira ng dakilang estatwa ni Athena Promachos, ni Pidias, na tumayo nasa pangunahing foro patungo sa kanluran.
Noong Pebrero 1204, muling bumangon ang mga tao. Ni Alexios IV ay ikinulong at binitay, at si Alexios Murzuphlos ay naging Alexios V Doukas. Sinubukan niya magpagawa ng mga pader at mag-organisa ng mga mamamayan, pero walang oportunidad para tawagin ang mga sundalo mula sa mga lalawigan, at nagugulumihanan ang mga bantay dahil sa rebolusyon. Nabigo ang isang atake ng mga Krusador noong 6 Abril, pero nagtagumpay ang isang ikalawa mula sa Ginintuang Sungay noong 12 Abril, at binaha ng mga mananakop ang lungsod. Tumakas Alexios V. Nagtipon ang Senado sa Hagia Sophia at naghandog ng korona kay Teodoro I Laskaris, kung sino nagpakasal sa dinastiyang Angelos, pero huli na ang lahat. Lumabas siya at ang Patriarko sa Ginintuang Milestone at kinausap ang Baregong Guwardiya. Tapos tumakas ang dalawang tao at mararaming maharlika at naglayag para sa Asya. Sa susunod na araw ang Doge at ang mga Franco na namuno ay nasa Dakilang Palasyo, at sa loob ng tatlong araw, dinambong ang lungsod.
Sumulat si Steven Runciman, historyador ng mga Krusada, na ang pagsira ng Constantinopla ay "walang paralelo sa kasaysayan".[3]
Sa sumunod na kalahating siglo, ang Constantinopla ay kabisera ng Imperyong Latin. Sa ilalim ng mga pinuno ng Imperyong Latin, humina ang lungsod, pagdating sa populasyon at kondisyon ng kaniyang mga gusali. Tinutukoy ni Alice-Mary Talbot ang isang humigit-kumulang populasyon ng 400,000 naninirahan. Pagkatapos ng pagsirang nagdala ang mga Krusador sa lungsod, ang isang katlo ay walang bahay, at pumunta sa pagpapatapon ang iba't ibang mahaharlika. "Bilang isang resulta ang Constantinopla ay naging grabeng despoblado," tinatapos ni Talbot.[4]
Nakopo ang mga Latin ng hindi bababa sa 20 simbahan at 13 monasteryo, lalo na Hagia Sophia, na naging katedral ng Lating Patriarko ng Constantinopla. Sa ito ipinalagay ni E. H. Swift ang konstruksiyon ng mga lumilipad na buttress para magpalakas ang mga dingding ng simbahan, na nanghina sa paglipas ng mga siglo dahil sa mga pagyanig ng mga lindol. Gayunman, ang isang gawa ng pagpapanatili ay kataliwasan, hindi pamantayan: para sa karamihan ng bahagi, ang mga mananakop ay masyadong kaunti para magpanatili ang lahat ng mga gusali, kung sekular o sagrado, at mararaming ay naging mga punterya para sa bandalismo o paglansag. Halimbawa, ang bronse at tingga ay inialis sa mga bubong ng mga inabandunang gusali, at tinunaw at ibinenta, para idulot ang pera para sa Imperyo, para sa depensa at suportahan ang korte. Sumulat si Deno John Geanokoplos na "doon iminumungkahi ang isang pagbabahagi: hinubad ng mga Lating layko ang mga gusaling sekular; ng mga eklesiatsiko, ang mga simbahan".[5] Ang mga gusali ay hindi nag-iisang mga punterya para sa mga opisyal na humanap ng pera para sa mahirap na mahirap na Imperyo: ibinaba rin ang mga monumental na panlililok na nag-adorno ng Hipodromo at mga foro ng lungsod, at tinunaw para sa mga barya. "Kabilang sa mga obrang sinira," sumulat si Talbot, "ay isang Herakles na ipinalagay kay Lysippos ng ika-4 na siglo BK, at mga monumental na itsura nina Hera, Paris, at Helen."
Pumigil ang emperador John III Doukas Vatatzes ng paninira ng mararaming simbahan kapag ipinadala ang pera sa mga Latin "bilang kabayaran" (exonesamenos). Ayon sa Talbot, kabilang sa mga ito ay mga simbahan ng Blachernae, Rouphinianai, at San Miguel ng Anaplous. Ipinagkaloob din ang pera para sa pagsasauli ng Simbahan ng mga Banal na Alagad, na grabeng sinira ng isang lindol.
Naghiwa-hiwalay ang mga Bisantinong maharlika, mararaming sa Nicaea, kung saan itinayo ni Teodoro Laskaris ang isang imperyal na korte, o sa Epiro, kung saan gumawa si Teodoro Angelo ng mismo. Tumakas ang mga iba sa Trebizond, kung saan isa sa mga Comneni itinayo na, sa pamamagitan ng suporta ng mga Heorhiyano, ang isang malayang imperyo. Nakipagkumpetensya ang parehong Nicaea at Epiro para sa imperyal na titulo, at sinubukan mabawi ang Constantinopla. Noong 1261, muling dinakip ang Constantinopla mula sa kaniyang huling Lating pinuno, Baldwin II, ng mga hukbo ng Nisenong emperador Miguel VIII Paleologo sa ilalim ng kapangyarihan ni Caesar Alexios Strategopoulos.
Maski muling dinakip ang Constantinopla ni Miguel VIII Paleologo, nawalan ang Imperyo ng mahalagang ekonomikong mapagkukunan, at sinikap mabuhay. Ang palasyo ng Blachernae nasa hilagang-kanluran ng lungsod ay naging pangunahing imperyal na tahanan, yamang humina ang lumang Dakilang Palasyo sa baybayin ng Bosporo. Kapag dinakip ang Constantinopla ni Miguel VIII, ang populasyon ay 35,000 tao pero, sa pagtatapos ng kaniyang paghahari, nakagawa siya ng isang populasyon ng 70,000 tao, dahil sa pagtawag ng dating mga residente (na tumakas mula sa lungsod kapag dinakip ng mga Krusador) at relokasyon ng mga Griyego mula sa Peloponesong kamakailang muling dinakip hanggang sa kabisera. Ang huwisyo ng mga tao, na napahamak ng poot ng Diyos, ay pinalala ng mga pagkatalong militar, digmaang sibil, lindol, likas na sakuna, at sa wakas, ng Salot na Itim, na noong 1347 umabot sa Constantinopla. Noong 1453, kapag dinakip ang Constantinopla ng mga Otomanong Turko, sumaklaw mga 50,000 tao.
Ang Constantinopla ay sinakop ng Imperyong Otomano noong 29 Mayo 1453. Hinangad ni Mehmed II na makatapos ang sadya ng niyang tatay at sumakop ng Constantinopla para sa mga Otomano. Noong 1452 nakagawa ng mga kasunduang pangkapayapaan sa Hungary at Venecia. Nagsimula rin ng konstruksiyon ng Boğazkesen (mamaya tinawag na Rumelihisarı), isang moog sa pinakamakitid na punto ng Bosporo, para higpitan ang paglipas sa pagitan ng mga dagat Itim at Mediteraneo. Iniutos ni Mehmed sa Unggaro ni Urban ang pag-armas ng Rumelihisarı at ang konstruksiyon ng mga kanyong malalaki sapat para ibaba ang mga pader ng Constantinopla. Noong Marso 1453 ang mga kanyon ni Urban ay hinakot mula sa Otomanong kabiserang Edirne hanggang sa mga gilid ng Constantinopla. Noong Abril, pagkatapos ng mabilis na pagbibihag ng Bisantinong baybaying mga komunidad sa Dagat Itim at Dagat Marmara, nagtipon ng mga rehimyento sa labas ng Bisantinong kabisera. Gumalaw ang kanilang plota mula sa Gallipoli hanggang sa malapit na Diplokionion, at nagbiyahe ang mismong sultan para makilala ang kaniyang hukbo. Ang mga Otomano ay iniutos ng 21 taong gulang na Otomanong Sultan Mehmed II. Sinundan ng pagsakop ng Constantinopla ang isang siege ng pitong linggo, mula sa 6 Abril hanggang sa 29 Mayo 1453.
Ang bahaging ito ay dapat pang palawakin with: kasaysayan ng Constantinopla habang panahong Otomano sa heneral, hindi lang sa mga 1450. |
Ngayon sa ilalim ng kontrol ng mga Otomano ang Kristiyanong Ortodoksong lungsod ng Constantinopla. Kapag pumasok si Mehmed II sa wakas sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Karisius (ngayong kilala bilang Edirnekapı o Tarangkahan ng Adrianopla) agad na nakasakay ng niyang kabayo sa Hagia Sophia, kung saan pagtanggal ng mga pinto sa pamamagitan ng mga palakol, ang libu-libong mamamayan sa loob ay ginahasa at inalipin. Naglaban ang mararaming taga-alipin, madalas na hanggang sa pagkamatay, para sa mga lalo na magaganda at mahahalagang aliping babae. Gayundin sinalanta o sinira ang mararaming simbolo ng Kristiyanismo, kabilang sa krusipiho ng Hagia Sophia na ipinakita sa mga kampo ng sultan. Pagkatapos iniutos niya na tumigil sila sa pagtaga ng mga mahahalagang marmol ng lungsod at na "nasiyahan sa yaman at mga bihag: pagdating sa mga gusali, kinabilangan sa kaniya." Iniutos na doong nagpulong ang imam sa kaniya para mag-chant ng adhan, kaya ang Ortodoksong katedral ay naging isang Muslim na moske, na pinatatag ang Islamikong paghahari sa Constantinopla.
Pagdating sa Constantinopla, ang pangunahing gawain ni Mehmed ay patatagin ang kontrol sa itaas ng lungsod at muling gumawa ng niyang mga depensa. Pagkatapo ng martsa ng 45,000 bihag mula sa lungsod, agad na nagsimula ang mga proyekto ng konstruksiyon, na sumaklaw ang pagkukumpini ng mga pader, ang konstruksiyon ng sitadel, at isang bagong palasyo. Iniutos ni Mehmed na tumira sa lungsod ang mga Muslim, Kristiyano, at Hudyo, na ang mga Kristiyano at Hudyo ay nagbayad ang jizya at mga Muslim ay nagbayad ang zakat, at na isinalin ang limang libong pamilya sa Constantinopla bago Setyembre. Mula sa buong Islamikong imperyo, ang mga bilanggo ng digmaan at mga deportado ay ipinadala sa lungsod. Ang ganiyang mga tao ay tinawag na sürgün sa Turko (Griyego: σουργούνιδες). Pagkalipas ng dalawang siglo, ibinigay ng Otomanong biyahero ni Evliya Çelebi ang isang tala ng mga grupo na ipinasok sa lungsod at kani-kanilang pinagmulan. Kahit ngayon, ang mararaming distrito ng Istanbul, tulad ng Aksaray at Çarşamba, ay sinasaksihan ang mga pangalan ng mga lugar na pinagmulan ng nilang mga naninirahan. Gayunman, muling tumakas ang mararaming tao sa lungsod, at may iba't ibang pagsiklab ng salot, kaya noong 1459 inatim ni Mehmed ang pagbalik ng mga deportadong Griyego sa lungsod.
Ang Constantinopla ay pinakamalaking at pinakamayamang urbanong sentro nasa Silangang Dagat Mediteraneo habing huling Silangang Imperyong Romano, lalo na dahil sa kaniyang estratehikong lugar para mag-utos ng mga ruta ng kalakalan sa pagitan ng Dagat Egeo at Dagat Itim. Nanatili kabisera ng silangang imperyong nag-Griyego sa loob ng mahigit isang libong taon. Sa kaniyang apoheo, na humigit-kumulang na tumutugma sa Gitnang Kapanahunan, ito ay isa sa pinakamamayamang at pinakamalalaking sa buong Europa. Nagkaroon ng isang makapangyarihan kultural na atraksiyon, at nanaig ng karamihan ng ekonomikong buhay ng Mediteraneo. Ang mga bisita at komersiyante ay lalo na pinahanga ng mga magagandang monasteryo at simbahan ng lungsod, lalo na Hagia Sophia, o Simbahan ng Banal na Karunungan. Ayon sa Rusong biyahero ni Stefan ng Novgorod noong ika-14 na siglo, "Pagdating sa Hagia Sophia, hindi naikukuwento ni nailalarawan ng isip ng tao."
Lalo na mahalaga ang lungsod dahil sa preserbasyon sa kaniyang mga aklatan ng mga manuskrito ng mga Griyegong at Lating manunulat habang isang panahon kung kailan ang kahinaan at kaguluhan ay nagdulot ng kanilang pagkawasak ng masa sa kanluraning Europa at hilagang Aprika. Papagbagsak ng lungsod, ang libu-libo sa mga ito ay dinalhan ng mga takas sa Italya, at nakatulong sa Renasimiyento at transisyon sa modernong mundo. Ang kumulatibong impluwensiya ng lungsod sa Kanluran, sa loob ng maraming siglo ng pagkakaroon nito, ay hindi maaaring kalkulahin. Pagdating sa teknolohiya, sining at kultura, at saka labis na laki, ang Constantinopla ay walang paralelo nasa Europa sa loob ng libong taon. Sinalita ang mararaming wika sa Constantinopla. Ang isang Tsinong tratado noong ika-16 na siglo tungkol sa heograpiya ay partikular na itinala na tumira sa lungsod ang mga tagasalin, na ipinakita na ito ay multilingguwal, multikultural, kosmopolitanong lungsod.
Ang Constantinopla ay tahanan ng unang Kanlurang Armenyong peryodiko na inilathala at ini-edit ng isang babae (Elpis Kesaratsian). Ang itong peryodiko, Kit'arr o Gitara, ay lang nanatili sa sirkulasyon sa loob ng pitong buwan. Ang mga babaeng manunulat na lantaran na ipinahayag ang kanilang mga nais ay ipinalagay bilang masagwa, pero mabagal na nabago ito kapag ang ibang mga peryodiko ay nagsimula ilathala ang mga "seksiyong pambabae". Noong mga 1860, inanyayahan ni Matteos Mamurian si Srpouhi Dussap ipasa ang mga [[sanaysay][ para Arevelian Mamal. Ayon sa awtobiyograpiya ni Zaruhi Galemkearian, sinabihan siyang sumulat tungkol sa lugar ng mga babae nasa pamilya at bahay pagkatapos ng paglalathala ng kaniyang dalawang bolumen ng tula noong mga 1890. Noong 1900, ang iba't ibang Armenyong peryodiko ay nagsimula sumaklaw mga obra ng babaeng tagapagambag, kabilang sa Tsaghik sa Constantinopla.
Kahit bago ang pundasyon ng Constantinopla, ang mga palengke ng Bizancio ay tinukoy ni Henoponte at Teopompo kung sino sumulat na ang mga Bisantino ay "gumugugol ng oras sa palengke at puwerto". Sa panahon ni Justiniano ang kalyeng Mese na tumawid ng lungsod mula sa silangan hanggang sa kanluran ay arawang palengke. Nagpahayag si Prokopio na ang "higit sa 500 prostituta" ay nagnegosyo sa kalyeng pampalengke. Sumulat si Ibn Battuta, kung sino nagbiyahe sa lungsod noong 1325, tungkol sa bazaar "Astanbul" kung saan "ang karamihan ng mga artisano at komersiyante roon ay mga babae".
Gumamit ang Imperyong Bisantino ng mga Romanong at Griyegong mga modelo at estilo para lalangin ang isang bugtong klase ng arkitektura. Halata ang impluwensiya ng Bisantinong arkitektura at sining sa mga kopya sa buong Europa. Ang partikular na halimbawa ay Basilika ni San Marcos sa Venecia, mga basilika ng Ravena, at mararaming simbahan sa buong Eslabong Silangan. Saka, nag-iisa sa Europa hanggang sa florin ng Italya noong ika-13 na siglo, patuloy na gumawa ang Imperyo ng maayos na barya: sa buong Gitnang Kapanahunan. Pinagnanasaan ang solidus ni Diocleciano, na mamayang naging ang bezant (kumbaga, Bisantino). Malawak na tinularan ang kaniyang mga pader (halimbawa tingnan ang Kastilyo ng Caernarfon) at ang kaniyang urbanong impraestruktura ay kababalaghan sa buong Gitnang Kapanahunan. Ito ay nagpanatili buhay ng sining, galing, at teknikal na kadalubhasaan ng Imperyong Romano. Sa panahong Otomano ginamit ang Islamikong arkitektura at simbolismo. Ginawa ang mga dakilang paliguan bahay sa mga sentrong Bisantino tulad ng Constantinopla at Antioquia.
Ibinigay ng pundasyon ng Constantinopla ang prestihiyo sa Obispo ng Constantinopla, kung sino sa huli tinawag na Ekumenikal na Patriarka, at ginawa itong isang pangunahin sentro ng Kristiyanismo sa tabi ng Roma. Nag-ambag ito sa kultural at teolohikal na mga diperensiya sa pagitan ng Silangang at Kanlurang Kristiyanismo, na sa wakas nagdulot ng Paghahating Silangan-Kanluran na hinati ang Simbahang Katolikong Romano mula sa Simbahang Ortodokso ng Silangan mula sa 1054 pasulong. Napakaimportante din ang Constantinopla sa Islam, dahil ang pagsakop ng Constantinopla ay ipinalalagay bilang isa sa mga senyas ng apokalipsis sa Islam.
Noong 1909, nasa Constantinopla may 626 na mababang paaralan (561 ng mas mabababang grado at 65 ng mas matataas) at 12 mataas na paaralan (31 publiko at 31 pribado). May isang unibersidad at labing-isang paaralan ng paghahanda.
Ang bahaging ito ay dapat pang palawakin. |
Sa nakaraan ang mga Bulgarong peryodiko sa huling panahong Otomano ay Makedoniya, Napredŭk, at Pravo.
Kumilos ang lungsod bilang depensa para sa mga silangang lalawigan ng lumang Imperyong Romano kontra mga pagsalakay ng mga barbaro ng ika-5 na siglo. Ang mga pader, 18 metro ang taas, na ginawa ni Theodosius II ay pagpigil sa pag-iingat para sa mga barbaro sa timog ng Danubio, kung sino nahanap ang mas madadaling punterya sa kanluran imbes na mas mayayamang lalawigan sa silangan sa Asya. Mula sa ika-5 na siglo, ang lungsod ay pinrotektahan din ng Dingding ni Anastasia (Griyego: Ἀναστάσειον Τεῖχος, romanisado: Anastáseion Teîchos, Turko: Anastasius Suru), isang kadena ng mga dingding, 60 kilometro ang haba, sa tapat ng Trasyanong tangway. Nagpapahayag ang mararaming iskolar[sinong nagsabi?] na dahil sa itong mga sopistikadong pagpapatibay ang silangan ay napaunlad mas o menos nang walang gulo yamang bumagsak ang Sinaunang Roma at kanluran.
Sikat na sikat ang Constantinopla kaya kahit tinukoy sa mga Tsinong kontemporaryong kasaysayan, ang Lumang at Bagong Aklat ng Tang, na tinukoy ang kaniyang mga napakalalaking pader at tarangkahan, at saka klepsidra (Sinaunang Griyego: κλεψύδρα, romanisado: klepsúdra) na may ginintuang estatwa ng isang lalaki.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.