the vikings From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Viking ay isang lahing naglalayag na orihinal na mula sa Eskandinabiya (kasalukuyang Dinamarka, Norwega, and Suwesiya),[3][4][5][6] na mula noong huling ika-8 hanggang ika-11 mga dantaon, sinalakay, pinirata, nangalakal at nanirahan sa mga bahagi ng Europa.[7][8][9] Naglakbay-dagat din sila hanggang Mediteraneo, Hilagang Aprika, Gitnang Silangan, Groenlandiya, at Vinland (kasalukuyang Newfoundland sa Canada, Hilagang Amerika). Sa kanilang mga bansa na pinagmulan, at ilang mga bansang kanilang sinalakay at tinirhan, tinatawag ang panahon na ito bilang ang Panahong Viking, at karaniwang kabilang ang mga naninirahan sa mga tahanang-bayan ng mga taga-Eskandanabiya sa pangkalahatan. May malalim na epekto ang mga Viking sa maagang kasaysayang medyebal ng Eskandanabiya, Maliliit na Pulong Britaniko, Pransya, Estonya, at Kievan Rus'.[10]
Dahil sa mga dalubhasang mandaragat at nabigador sa kanilang mga katangian sa drakkar, naitatag ng mga Viking ang mga panirahan at pamahalaang Nordiko sa Maliliit na Pulong Britaniko, Kapuluang Faroe, Islandiya, Groenlandiya, Normandiya, at ang baybayaing Baltiko, gayon din sa may Dnieper at mga rutang kalakalan ng Volga sa ibayong kasalukuyang Rusya, Belarus,[11] at Ukranya,[12] kung saan kilala din sila sa tawag na mga Barangiyano. Sumulpot ang mga Normando, mga Nordiko-Gaeliko, mga Rus', mga taga-Faroe, at mga Islandes mula sa mga kolonyang Nordiko. Sa isang punto, pumaroon ang isang pangkat ng mga Viking na Rus sa pinakamalayong timog, na, pagkatapos na maging tanod para sa emperador Bisantino, inatake ang lungsod Bisantino na Constantinopla.[13] Naglakbay din ang mga Viking sa Iran[14]at Arabya.[15] Sila ang unang Europeo na nakaabot sa Hilagang Amerika, na sandaling nanirahan sa Newfoundland (Vinland). Habang pinakalat ang kalinangang Nordiko sa mga lupaing banyaga, sabay nilang inuwi ang mga alipin, konkubina, at banyagang impluwensiyang kultural sa Eskandinabiya, na inimpluwensiyahan ang henetika[16] at makasaysayang pag-unlad ng parehong lugar. Noong Panahong Viking, dahan-dahan pinasama ang mga tinubuang-bayang Nordiko mula sa maliliit na mga kaharian hanggang sa tatlong mas malaking kaharian: Dinamarka, Norwego, at Suwesiya.
Sinalita ng mga Viking ang Lumang Nordiko at nagsulat sa mga runa. Sa karamihan ng panahon nila, sinunod nila ang Lumang Relihiyong Nordiko, subalit naging Kristiyano sa kalaunan. Nagkaroon ang mga Viking ng sarili nilang mga batas, sining at arkitektura. Karamihan din sa mga Viking ay magsasaka, mangingisda, manggagawa, at mangangalakal. Malaki ang pagkakaiba ng popular na mga palagay sa mga Viking mula sa komplikado, maunlad na kabihasnan ng mga Normando na lumitaw mula sa arkeolohiya at sangguniang pangkasaysayan. Isang niromantikong larawan ng mga Viking bilang malupit na matataas na tao ay nagsimulang lumitaw noong ika-18 dantaon; umunlad ito at naging laganap noong ika-19 na dantaon na muling pagbuhay sa Viking.[17][18] Ang pinaghihinalaang mga pananaw sa mga Viking bilang marahas, paganong pirata o bilang matapang na nakikipagsapalaran ay dahil sa hindi tugmang magkakaibang uri ng makabagong kathang Viking na nahubog noong maagang ika-20 dantaon. Tipikal na nakabatay ang kasalukuyang tanyag na representasyon ng mga Viking sa mga gasgas na pangkalinangang gamit at estereyotipo, na kinumkomplikado ang makabagong pagpapahalaga sa pamanang Viking. Ang mga representasyon na mga ito ay bihirang tumpak—halimbawa, walang patunay na nagsuot sila ng salakot na may sungay, isang elementong kasuotan na unang lumitaw noong ika-19 na siglo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.