Halamanan

pook ng mga halaman na inilatag ng mga tao From Wikipedia, the free encyclopedia

Halamanan
Remove ads

Ang isang halamanan ay isang binalak na puwang na kadalasang nasa labas, na isinantabi para sa paglilinang, pagpapakita, at kasiyahan ng mga halaman at ibang anyo ng kalikasan. "Pangangasiwa" ang nag-iisang katangian pantukoy kahit sa pinaka-ilang na halamanang ilang. Maaring isama sa halamanan ang parehong mga materyal na likas o di-likas.[1]

Thumb
Nag-iisang halamanang pang-halmanan sa Maynila, Mehan Garden
Thumb
Isang seksyon ng Halamanang Botaniko ng Brooklyn na may kulay rosas na Prunus 'Kanzan' na punong seresa

Kadalasang may mga tampok na kaanyuan[a] ang mga halamanan kabilang ang istatwa, kapritso, pergola, sala-sala, mga putol na kahoy, tuyong sapin ng sapa, at mga katampukan ng tubig tulad ng mga puwente, dagat-dagatan (mayroon o walang isda), talon, o sapa. May ilang halamanan na pampalamuti lamang, habang may iba naman ang nag-aani ng pananim na pagkain, minsan sa hiwalay na lugar, o nakahalo minsan sa mga halamang pampalamuti. Ipinagkakaiba ang mga halamanan nakakapagbigay ng pagkain sa mga bukid ayon sa kanilang mas maliit na sukat, mas matrabahong kaparaanan, at kanilang layunin (kasiyahan ng isang kinagigiliwang libangan o sariling kabuhayan sa halip ng ibenta ang mga inani tulad ng isang palengkeng halamanan). Ipinagsasama ng mga halamanang pambulaklak ang mga halaman na may iba't ibang taas, kulay, yari, at amoy upang lumikha ng pagpukaw at galak sa pakiramdam.[2]

Ang pinakakaraniwang anyo ay ang mga halamanang pambahay o publiko, subalit ang katawagang "halamanan" ay kalimitang nagiging pangkalahatan. Dating tinatawag ang mga zoo, na ipinapakita ang mga hayop mula sa ilang sa naka-simulasyong mga tirahang likas sa kanila, bilang mga halamanang soolohiko.[3][4]

Ang arkitekturang pantanawin ay isang kaugnay na gawaing pampropesyon ng mga arkitektong pantanawin na humihilig na makisali sa disenyo sa maraming kalakihan at manggagawa sa parehong mga proyektong pampubliko at pampribado.[5]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads