From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang zoo (pinaikling zoological garden; binabaybay din na su)[* 1] ay isang soolohikal na liwasang alagaan, kulungan, at tanghalan ng iba't ibang uri ng mga hayop.[1][2][3] Ito ay isang lugar o kayarian kung saan nakakulong sa loob ng mga kulungan, ipinamamalas sa publiko, at kung saan maaari rin silang paanakin at paramihin.
Ang katagang halamanang pangsoolohiya ay tumutukoy sa soolohiya, ang pag-aaral ng mga hayop, isang katawagang hinango magmula sa Griyegong zōon (ζῷον, "hayop") at lógos (λóγος, "pag-aaral"). Ang daglat na "soo" o zoo ay unang ginamit sa London Zoological Gardens ("Mga Halamanang Pangsoolohiya ng Londres"), na binuksan para sa makaagham na pag-aaral noong 1828 at sa publiko noong 1847.[4] Ang bilang o dami ng pangunahing mga kalipunan ng mga hayop na mapagmamasdan ng madla sa buong mundo ay lumalampas na sa ngayon sa 1,000, nasa 80 bahagdan ng mga ito ang nasa mga lungsod.[5]
Subalit, ang pagpapanatili ng mga hayop sa mga palahayupan ay nakapupukaw ng pagmamalasakit sa mga karapatan ng mga hayop.[6] Ang mga palahayupan ay karaniwang nagbabahay ng mas maraming mababangis na mga hayop kaysa sa mga domestikado.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.