From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Maria Odulio de Guzman ay isang guro, edukadora, punong-guro, manunulat, at may-akda. Siya ang unang babaeng prinsipal ng isang mataas o sekundaryang paaralan sa Pilipinas. Naging guro siya sa Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija sa Pilipinas mula 1918 hanggang 1928. Nakapag-aral siya mula sa Dalubhasaan ng Guro ng Estado ng Radford sa Virgina, Estados Unidos. Dati rin siyang isang propesora sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas.[1] Sumulat din siya ng mga talahuluganan ng magkakatambal na mga wikang Tagalog, Pilipino, Filipino, Ingles, at Kastila. Isa rin siyang tagapagsalinwika ng Noli me Tangere ni Jose Rizal, at kasamang tagapagsalinwika rin ng El filibusterismo, isa pang nobela ni Rizal.[2]
Maria Odulio de Guzman | |
---|---|
Trabaho | leksikograpo, lingguwista |
Kabilang sa mga inakdang disyunaryo ni M.O. de Guzman ang mga sumusunod:[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.