Isang bagyo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bagyong Ulysses (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Vamco), ay isa sa malakas na bagyong nanalasa sa Pilipinas, Nobyembre 11-12, 2020, namataang namuo sa silangang bahagi ng Pilipinas sa Karagatang Pasipiko. Ito ay mayroong layong 2215 kilometro silangan ng Tandag, na pumasok sa PAR ng Pilipinas.
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 4 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Nobyembre 8, 2020 |
Nalusaw | Nobyembre 15, 2020 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 150 km/h (90 mph) Sa loob ng 1 minuto: 215 km/h (130 mph) |
Pinakamababang presyur | 950 hPa (mbar); 28.05 inHg |
Namatay | 102 patay, 10 nawawala |
Napinsala | $437.4 milyon (USD) |
Apektado | Pilipinas |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020 |
Si Ulysses ay tinawid ang sa Calabarzon partikular sa lalawigan ng Quezon at lumabas sa Gitnang Luzon-Bulacan area. Patuloy nitong tutumbokin ang Kanlurang Dagat Pilipinas. Ang bagyong Ulysses ay ang ika-22 na bagyong pumasok at ang ika-4 na pumasok sa buwan ng Nobyembre 2020. Maihahalintulad ito sa mga bagyong nagdaan na sina Ondoy, Sendong, Pepito at Usman.[1][2]
Ito ay namataan sa layong 1,500 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, kumikilos sa bilis na 100 kilometro hilagang kanluran, Tinatantiyang tatama sa Aurora-Quezon area sa Nobyembre 11-12, 2020 at inaasahang tatawid sa landmass ng Luzon habang binabaybay ang Kanlurang Dagat Pilipinas at Timog Dagat Tsina. Si Ulysses ay huling namataan sa 545 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at kumikilos sa bilis na 75 kilometro hilagang kanluran at tinatahak na tumbokin ang slope bay ng Rehiyon ng Bicol, Calabarzon at Gitnang Luzon, Na nasa kategoryang "Typhoon" ayon sa pagkilos nito. Nobyembre 13 ang bagyo ay huling namataan sa vicinity map sa Palauig, Zambales sa loob ng Pilipinas pagkatapos tawirin ang bayan/isla ng Jomalig, Quezon galing sa Daet, Camarines Norte. Ito ay inaasahang lalabas sa Nobyembre 14 habang tinutumbok ang direksyon sa kanluran patungong Thanh Hóa sa Vietnam na kung saan nanalasa ang Bagyong Nika.[3][4] Nag-landfall ito sa mga sumusunod na bayan: Patnanungan, Burdeos, Quezon at General Nakar sa Quezon.
Nakataas ang antas ng heightened alert ang mga lalawigan ng Aurora, Quezon, Rizal, Bulacan at Pampanga dahil sa kilos at itinuturong tahak ng bagyo, Naghahanda at nagsasagawa ng agarang pag likas, pagagayak ng mga rescue boats sa inaasahang pagbaha sa mga ilog at kalsada, pag tanggal sa mga billboards sa ilang lungsod sa Kamaynilaan, dahil sa pagtawid, Mariin na pinaghandaan ng Calabarzon ang pagdating ng bagyo, bunsod ng pagdaan noon ng Super Bagyong Rolly sa Timog Katagalugan. Maagang naghanda ang Kalakhang Maynila sa agarang paglikas dahil sa posibilidad na pagtaas ng baha galing sa mga bundok sa Bulacan at Rizal maging ang pag-apaw sa Lawa ng Laguna sa mga lungsod ng Muntinlupa, Taguig at Pasig, iilang puno, debris at poste na bumagsak sa lungsod ng Maynila na naka antas sa Signal #3. Sa Calabarzon, Tanza, Cavite at Infanta, Quezon ay maagang lumikas ang mga residente dahil sa taas na ililikha ng "storm surge" o "daluyong". Sa Lawa ng Laguna na kung saan umapaw ang lawa ang maagang nag gayak ang mga lungsod/bayan sa naka palibot sa lawa dahil sa inaasahang pagbaha. Ang Calamba, Laguna ay isa sa mga lungsod na binabaha dahil sa sunod-sunod na bagyong dumaan ang bagyong Quinta at Rolly.[5][6] Naka antas sa Kategoryang 4 si Ulysses sa Timog Dagat Tsina habang tinutumbok ang Vietnam.
Nakataas sa Signal #3 ang malakihang Gitnang Luzon, Rehiyon ng Bicol, Calabarzon kasama ang Kalakhang Maynila sa pag hahanda ng hagupit ng bagyo, nasa Karagatang Pasipiko pa ang bagyo ay naka-handa na ang ilang lalawigan sa mga dinaanan ng bagyong Pepito at Rolly ang lalawigan ng Quezon at mga lalawigan ng Camarines na nakaharap sa Pasipiko, ay maagang inabusihan ang mga naghahanap buhay sa dagat at nag sa ayos ng kabahayan, agarang pag likas sa mga naninirahan malapit sa mga tabing-ilog, Ang mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte at Sur, Albay at Sorsogon sa Bicol ay inaabisuhan ang mga residente na maging handa dahil sa pag-ragasa ng Lahar sa Bulkang Mayon noong araw na humagupit ang "Super Bagyong Rolly".
Nagdulot ng malawakang pagkasira ang mga kabahayan sa mga bayan ng Infanta, Real, General Nakar, mga bayan sa isla ng Polillo, dahil sa daluyong na umaabot sa taas na 2-3 metro, matapos tawirin ang mainland Quezon, sinalanta ni Ulysses ang mga lalawigan ng Aurora, Bulacan at Rizal dahil sa taas at lubog na baha ay hanggang sa bubongan ng mga bahay ang taas ng baha. Ang mga lungsod/bayan sa Marikina at Rodriguez, Rizal ay nakaranas na mataas na pag baha bunsod ng pag-apaw ng Lawa ng Laguna at ang mga tubig ulan na ng gagaling sa Sierra Madre. Isa rito ay ang pag-apaw ng Ilog ng Pampanga na siyang dahilan sa pagtaas ng baha sa lalawigan na galing sa "Ilog ng Tarlac".
TCWS | LUZON | BISAYAS |
---|---|---|
TCWS #3 | Aurora, Angeles, Bataan, Batangas,
Bulacan, Camarines Norte, Hilagang Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna, Kalakhang Maynila, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, Zambales | |
TCWS #2 | Albay, Baguio, Burias, Timog Camarines Sur, Marinduque, Hilagang Mindoro, Nueva Vizcaya, Quirino, San Fernando, Sorsogon, Ticao | WALA |
TCWS #1 | Abra, Benguet, Ifugao, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Timog Mindoro, Masbate (mainland), Mountain Province, Romblon | Hilagang Samar, Samar, Silangang Samar |
Sinundan: Tonyo |
Kapalitan Upang (unused) |
Susunod: Vicky |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.