Bulkang Mayon
Ang Bulkang Mayon ay ang isa sa pinaka aktibong bulkan sa Pilipinas. Kilala ito dahil sa perpektong hugis nito na tatsulok From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bulkan Mayon o Bundok Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]
![]() | Kailangang isapanahon ang artikulong ito. (Agosto 2023) |
Bulkang Mayon | |
---|---|
![]() Ang kuha ng Bulkan Mayon mula sa Lungsod ng Legazpi, Albay noong Marso 2020 | |
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,463 metro (8,077 talampakan) |
Prominensya | 2,447 m (8,028 tal) |
Mga koordinado | 13°15′24″N 123°41′6″E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Albay, Pilipinas |
Heolohiya | |
Edad ng bato | 40,687 taong gulang |
Uri ng bundok | Stratovolcano |
Huling pagsabog | 13 Enero - 29 Marso 2018 |

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot nang halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong ikalawa pinaka-aktibong bulkan noong 2020 sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary[pananda 1] sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Pilipinas.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616 at nasundan pa ng ilan pang pagsabog o pagputok hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.
Lokasyon

Pangunahing palatandaan sa lalawigan ng Albay ang Bulkang Mayon na may taas na 2,462 metro (8,077 tal) mula sa baybayin ng Golpo ng Albay.[2][3] Ang bulkan ay heograpikal na hinahati ng walong lungsod at mga bayan na kinabibilangan ng Lungsod ng Legazpi, Daraga, Camalig, Guinobatan, Lungsod ng Ligao, Lungsod ng Tabaco, Malilipot, at Santo Domingo.
Pagbuga ng abo Mayo 2013
Nagbuga ang Bulkang Mayon ng abo dakong 8:00 ng umaga noong 7 Mayo 2013 na nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng ilang mga dayuhang turista.[4][5]
Pagmamanman sa Mayon
Pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas ang Bulkang Mayon, at ang mga aktibidad nito ay palagiang minamanmanan ng PHIVOLCS mula sa kanilang panlalawigang tanggapan sa Lignon Hill, tinatayang nasa 10 kilometro (6.2 mi) timog silangan mula sa bulkan.
Mga tala
Mga sanggunian
Mga kaugnayang palabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.