Quirino

lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Quirino

Ang Quirino ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan sa Luzon. Cabarroguis ang kabisera nito at ipinangalan kay Elpidio Quirino, ang ika-anim na Pangulo ng Pilipinas. Napapalibutan ang lalawigan ng Aurora sa timog-kanluran, Nueva Vizcaya sa kanluran, at Isabela sa hilaga. Dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang Quirino, hanggang hiniwalay ito noong 1966.

Para sa dating pangulo ng Pilipinas, tingnan ang artikulong "Elpidio Quirino".
Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...
Quirino
Lalawigan ng Quirino
Thumb
Thumb
Watawat
Thumb
Sagisag
Thumb
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Quirino
Thumb
Mga koordinado: 16°17'N, 121°35'E
Bansa Pilipinas
RehiyonLambak ng Cagayan
KabiseraCabarroguis
Pagkakatatag1971
Pamahalaan
  UriSangguniang Panlalawigan
  GobernadorDakila Carlo Cua
  Manghalalal123,868 na botante (2022)
Lawak
[1]
  Kabuuan3,323.47 km2 (1,283.20 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
  Kabuuan203,828
  Kapal61/km2 (160/milya kuwadrado)
  Kabahayan
43,161
Ekonomiya
  Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng lalawigan
  Antas ng kahirapan6.20% (2021)[2]
  Kita1,758 million (2022) (2022)
  Aset5,223 million (2022)
  Pananagutan858.9 million (2022)
  Paggasta1,379 million (2022)
Pagkakahating administratibo
  Mataas na urbanisadong lungsod0
  Lungsod0
  Bayan6
  Barangay132
  Mga distrito1
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
3400–3405
PSGC
025700000
Kodigong pantawag78
Kodigo ng ISO 3166PH-QUI
Klimatropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Iloko
Hilagang Kankanay
Wikang Arta
Dumagat Agta
Wikang Ilongot
Websaythttp://www.quirinoprovince.org
Isara

Ekonomiya

Pangunahing industriya ang pagsasaka at ang bigas at mais bilang mga pangunahing mga ani nito. Ito ang bumubuo sa pangangailangan ng mga kalapit na lalawigan at sa kalungsuran. Ang mga saging at mga banana chips ay mga pangunahing mga produkto na ipinagbibili sa Kalakhang Maynila at sa Pampanga.

Heograpiya

Pampolitika

Ang lalawigan ng Quirino ay nahahati sa 6 na bayan.

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.