Bicol
rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bicol (binabaybay ding Bikol; tinatawag ding Kabikulan at Rehiyon 6) ay isa sa 17 mga rehiyon ng Pilipinas. Binubuo ang Bicol ng anim na lalawigan sa Tangway ng Bikol, ang pinakatimog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon, at ng dalawang pulong lalawigan malapit sa tangway. Ang Lungsod ng Legazpi † ang kabisera, sentro ng pulitika at administrasyon ng rehiyon,[3][4] samantalang ang Lungsod ng Naga naman ang sentro ng relihiyon, edukasyon, ekonomiya, industriya at ekonomiya sa rehiyon.[5][6][7][8][9]
Bicol | |
---|---|
Palayaw: Home of the Uragons | |
Awit: Bicol Regional March | |
Location in the Philippines | |
Mga koordinado: 13°30′N 123°20′E | |
Country | Pilipinas |
Island group | Luzon |
Regional center and largest city | Lungsod ng Legazpi, Albay |
Lawak | |
• Kabuuan | 18,155.82 km2 (7,010.00 milya kuwadrado) |
Pinakamataas na pook | 2,463 m (8,081 tal) |
Populasyon (senso ng 2020)[1] | |
• Kabuuan | 6,082,165 |
• Kapal | 330/km2 (870/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-05 |
Provinces | |
Independent cities | 1
|
Component cities | |
Municipalities | 107 |
Barangays | 3,471 |
Cong. districts | 16 |
Languages |
|
GDP (2023) | ₱701.72 billion $12.61 billion[2] |
Growth rate | (4.58%)[2] |
HDI | 0.687 (Medium) |
HDI rank | 13th in the Philippines (2019) |
Websayt | dilgbicol.org |
Matatagpuan ang Kabikulan sa pinakatimog na dulo ng Luzon, ang pinakamalaking pulo sa kapuluan ng Pilipinas. Ang kabuuang sukat ng lupa ng rehiyon ay nasa 18,054.3 km2 (6,970.8 mi kuw),[10] na 5.9% ng kabuuang sukat ng lupa ng buong bansa. Nasa 69.3% ng kabuuang lupa ay maaaring tirahan samantalang ang nalalabing 30.7% ay binubuo ng mga kagubatan.[11]
Naghahanggan ang rehiyon sa Look ng Lamon sa hilaga, sa Dagat Pasipiko sa silangan, sa Dagat Sibuyan at Golpo ng Lagay sa kanluran. Ang pinakahilagang lalawigan ng rehiyon, ang Camarines Norte, ay naghahanggan sa hilaga sa lalawigan ng Quezon, na nag-uugnay sa rehiyon sa ibang bahagi ng Luzon.[11]
Ang mga lalawigan na bumubuo sa rehiyon ay ang mga sumusunod:
Ang Rehiyon V ay isang tangway. Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig. Dahil dito, ang mga pamayanang malapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda.
May mga yamang mineral din ang rehiyong ito. Ang paracale sa Camarines Norte ay pangunahing tagapagmina ng ginto at tanso. Minimina rin sa ibang bahagi ng rehiyon ang marmol, pilak, bakal, karbon, chromite, manganese at abaka. Mayaman din ito sa mga magagandang tanawin tulad ng Bulkang Mayon ng Albay.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.