Ang 2022 sa Pilipinas ay mga pangyayaring nakatakdang maganap sa Pilipinas sa taong 2022. Ang 2022 sa Pilipinas ay ang taon sa loob ng 2000 dekada, sa 21st siglo at 3rd milenyum. Matapos ang 2021 sa Pilipinas at bago mag 2023 sa Pilipinas.
| Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ferdinand Martin
Romualdez
Pambansa
Enero
- Enero 6 – Nilagdaan ni Pangulo Rodrigo Duterte bilang batas ang panukalang magbabawal sa pagkasal sa menor-de-edad, na ang lalabag ay maaaring makulong ng hanggang 12 buwan. Ilang bahagi ng batas ay magiging epektibo lang matapos ang isang taon upang makapaghanda ang mga komunidad na Muslim at katutubo.
Hunyo
- Hunyo 5 – Itinaas ng PHIVOLCS ang estado alerto ng Bulkang Bulusan sa lebel 1 nang makaranas ng phreatic eruption ang naturang bulkan.
- Hunyo 29 – Pinagtibay ng Komisyon sa mga Panagot at Palitan ang naunang apelang ipawalang-bisa ang lisensya sa operasyon ng online news website na Rappler dahil sa paglabag sa konstitusyonal na mga foreign equity restrictions sa pagmamay-ari ng mass media, samakatuwid, nag-uutos sa pagpapasara sa websayt. Sinabi ng Rappler co-founder at ginawaran ng 2021 Nobel Peace Prize na si Maria Ressa na ia-apela nila ang naturang desisyon sa hukuman.
- Hunyo 30 – Nanumpa si Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Agosto
- Agosto 22 – Muling nagbukás ang mga paaralan sa bansa para sa mga klaseng personal pagkatapos ng dalawang taóng pagkakasara dahil sa pandemya.
Nobyembre
- Nobyembre 2 – Ipinatupad ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang obligadong pagbabalik sa panlahatang klaseng personal.[15]
- Nobyembre 3 – Sinentensiyahan ng isang hukumang panrehiyon ng 129-taong pagkabilanggo ang Australyanong sex offender na si Peter Scully at tatlo sa kanyang mga kasabwat dahil sa 60 mga pagkakasalang may kinaláman sa pang-aabusong sekswal sa mga kabataan.
- Nobyembre 10 – Alitang Moro: Napatay ang tatlong mga sundalo at apat na mga militante ng Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro sa isang armadong labanan sa Basilan.
- Nobyembre 24 – Sinentensiyahan ng isang Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis sa Caloocan ang isang opisyales ng kapulisan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpapahirap at paglikha ng maling ebidensya sa mga biktima ng digmaan kontra-droga na sina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman taóng 2017.
Kalakalan
- Disyembre 6 – Naiulat na naabot ng inplasyon pambansa ang 14-taóng naitalang pinakamataas sa 8% dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga pagkain.
Aliwan at kultura
- Hunyo 25 – Kinoronahang Miss International Queen si Fuschia Anne Ravena ng bansa sa taunang patimpalak ng kagandahan, na itinuturing na pinakamalaking patimpalak para sa mga trans woman, na idinaos sa Thailand.
- Enero 6 – F. Sionil Jose (ipinanganak 1924), Pambansang Alagad ng Sinning sa Panatikan[16][17]
- Pebrero 18 - Ambalang Ausalin (ipinanganak 1943), manghahabi sa Lamitan, Basilan[18]
- Mayo 20 – Susan Roces, (ipinanganak 1941), aktres[19]
- Hulyo 31 – Fidel V. Ramos (ipinanganak 1928), ika-12 Pangulo ng Pilipinas[20]
- Agosto 5 – Cherie Gil (ipinanganak 1963), aktres[21]
- Oktubre 31 – Danny Javier (ipinanganak 1947), mang-aawit, kompositor at miyembro ng APO Hiking Society[22]
- Disyembre 1 – Sylvia La Torre (ipinanganak 1933), mang-aawit at aktres[23]
- Disyembre 9 – Jovit Baldivino (ipinanganak 1993), mang-aawit[24]
- Disyembre 16 – Jose Maria Sison (ipinanganak 1939), tagapagtatag at pinuno ng Partido Komunista ng Pilipinas[25]