Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kongreso ng Pilipinas (Ingles: Congress of the Philippines) ay ang pangunahing tagapaggawa ng batas ng Pilipinas. Isa itong lupong bikameral na binubuo ng mataas na kapulungan, ang Senado, at ang mababang kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan.[1]
Kongreso ng Pilipinas Congress of the Philippines | |
---|---|
Ika-19 Kongreso ng Pilipinas | |
Uri | |
Uri | Bikameral |
Kapulungan | Senado Kapulungan ng mga Kinatawan |
Pinuno | |
Estruktura | |
Mga puwesto | 324 (talaan) 24 senador 300 kinatawan |
Mga grupong politikal sa Senado | Bloc ng mayorya (20):
Bloc ng minorya (4):
|
Mga grupong politikal sa Kapulungan ng mga Kinatawan | Bloc ng mayorya (182)
Bloc ng minorya (21)
Crossbench (72)
|
Mga pinagsamang komite | Ang mga pinagsamang komite ay pinamumunuan ng mga senador |
Otoridad | Artikulo VI, Saligang Batas ng Pilipinas |
Halalan | |
Huling halalan ng Senado | Mayo 13, 2019 |
Huling halalan ng Kapulungan ng mga Kinatawan | Mayo 13, 2019 |
Lugar ng pagpupulong | |
Senado: Government Service Insurance System Building, Pasay Kapulungan ng mga Kinatawan: Batasang Pambansa Complex, Lungsod Quezon | |
Websayt | |
Senado ng Pilipinas Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas |
Binubuo ng 24 na senador ang Senado[2], ihinahalal ang kalahati nito bawat tatlong taon. Sa gayon naglilingkod ang bawat senador sa loob ng anim na taon. Ihinahalal ang mga senador ng bawat manghahalal at hindi kumakatawan ng kahit anumang heograpikang distrito.
Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng hindi lalagpas sa 250 mambabatas. May dalawang uri ng mga mambabatas: ang distrito at ang pansektor na mga kinatawan. Kinakatawan ng isang distritong mambabatas ang isang partikular na heograpikong distrito ng bansa. Binubuo ng isa o higit pa na distritong kongresyunal ang lahat ng mga lalawigan sa bansa. May mga sarili ding mga distritong kongresyunal ang ilang mga lungsod, kasama ang ibang lungsod na may dalawa o higit pa na kinatawan.[3]
Kinakatawan naman ng pansektor na mambabatas ang minoryang sektor ng populasyon. Binibigyan ng pansin ang mga pangkat ng minorya na ito upang magkaroon ng kinatawan sa Kongreso, kung sakaling hindi maayos ang kanilang representasyon sa pamamagitan ng distritong kinatawan. Kilala rin bilang kinatawang party list, kinakatawan ng mga pang-sektor na mambabatas ang mga unyon ng manggagawa, pangkat na nagsusulong ng mga karapatan, at iba pang kapisanan.[4]
Ang Saligang Batas ay naglalaan sa Kongreso na magtipon sa karaniwan nitong sesyon bawat taon na nagsisimula sa ika-apat na lunes ng Hulyo. Ang karaniwang seyson ay maaring magtagal ng isang buwan bago magsimula ang panibagong sesyon sa susunod na taon. Gayunpaman, ang Pangulo ay maaring tumawag ng isang espesyal na sesyon na karaniwang dinadaos sa kalagitnaan ng karaniwang sesyon para sa mga kagipitan at mahahalgang bagay.[5]
Noong nasasakop pa ang Pilipinas ng Silangang Indiyas ng Espanya, ang kolonya ay hindi nabigyan ng kinatawan sa Cortes Generales o hukumang-pangkalahatan. Noong naging parte na ng Espanya ang kolonya noong 1809, saka lamang ito nabigyan ng kinatawan sa Cortes. Noong Marso 19, 1812, ang Saligang Batas ng Cádiz ay naaprubahan, kung saan nagkaroon ang kolonya ng kaunaunahan nitong kinatawan sa Cortes noong Setyembre 24, 1812 sa pamamagitan nina Pedro Pérez de Tagle at José Manuel Coretto. Subalit, sa pagkatalo ni Napoleon I sa Labanan sa Waterloo, ang kanyang kapatid na si Joseph Bonaparte ay natanggal sa trono, at noong Mayo 24, 1816, ang Saligang Batas ng Cádiz ay pinalitan ng Cortes ng mas konserbatibong saligang batas na nagtanggal ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes. Ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes ay dinaing ng mga Ilustrado — ang edukadong klase noong dulo ng ika-19 siglo.[6]
Ang kampanya ng mga Ilustrado ay nagpasimula ng himagsikan ng mga Pilipino na hinangad patalsikin ang pamumuno ng Espanya. Inihayag ang kalayaan sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa pamamagitan ng Pangulong Emilio Aguinaldo at inutos ang pagtatatag ng rebolusyonaryong kongreso sa Malolos. Ang ika-1899 na Saligang Batas ng Pilipinas ay itinatag ng Kongresong Malolos. Sa Kasunduan sa Paris ay ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos. Ang mga rebolusyonaryo, na sinubukang pinigilan ang pananakop ng mga Amerikano ay nagsimula ng digmaan laban sa mga Amerikano, ngunit nabigo noong nadakip ang Pangulong Aguinaldo noong 1901.[7]
Noong nasasakop pa ang Pilipinas ng Estados Unidos, ang lupong tagapagbatas ay ang Komisyon ng Pilipinas (Philippine Commission) na umiral noong 1900 hanggang 1907. Ang Pangulo ng Estados Unidos ay ang naghalal ng mga kasapi ng Komisyon. Gayundin, may dalawang Pilipino na nagsilbing Residenteng Komisyonado sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1907 hanggang 1935, at iisa lamang noong 1935 hanggang 1946.[8]
Ang Panukalang Batas ng Pilipinas noong 1902 ay iminungkahi ang pagkakatatag ng bikameral o dalawang-lupong Lehislatura ng Pilipinas, kung saan ang Komisyon ng Pilipinas ay ang mataas na kapulungan, at ang Kapulungan ng Pilipinas ay ang mababa na kapulungan. Ang lupong bikameral na tagapagbatas na ito ay ipinasayasa noong 1907. Sa pamumuno ng Ispiker na si Sergio Osmeña at pinuno ng Komisyon na si Manuel L. Quezon, ang mga sistema ng ika-59 na Kongreso ng Amerika ay unti-unting pinamarisan hanggang tuwina ay naging sistema ng Batasang Pambansa ng Pilipinas.[9]
Noong 1916, ang Batas Jones ay binago ang sistema ng batasan. Ang Komisyon ng Pilipinas ay nabuwag, at ang bagong Lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ay itinatag.[10]
Ang sistema ng batasan ay nagbago muli noong 1935. Ang Konstitusyon ng 1935, bukod sa pagtatatag ng Komonwelt na nagbigay sa mga Pilipino ng mas maraming gampanin sa pamahalaan, ay nagtatag ng unikameral na Batasang Pambansa. Ngunit noong 1940, sa pagpapalit ng Saligang Batas, ay tinatagmuli ang bikameral na Kongreso na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ay itinatag. Ang lahat na nahalal noong 1941 ay hindi maaaring tumakbo hanggang 1945, kung saan nagsimula ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig Ang pananakop ng mga Hapon ay nagtatag ng Pangalawang Republika at nagpulong sa Kapulungang Pambansa nito. Sa pagkatalo ng mga Hapon noong 1945, binuo muli ang Komonwelt at ang Kongreso nito. Nagpatuloy ang sistemang ito hanggang nakamtan na ng Pilipinas ang kalayaan sa Amerika noong Hulyo 4, 1946.[11]
Sa pagpapasinayasa ng Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, ang Batas Republika Blg. 6 ay isinabatas at ang noo'y Kongresong Komonwelt ay kinilala bilang Unang Kongreso ng Pilipinas. Matapos ang matatagumpay na mga kongreso, idineklara ng Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar noong Setyembre 23, 1972.[12]
Noong 1970, pinamunuan ni Marcos ang pagpupulong upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935, at noong 1973, ay naaprubahan ang Saligang Batas ng 1973 na nagbuwag sa bikameral na Kongreso at nagtatag ng isang unikameral na Batasang Pambansa na pinamunuan sa sistema ng pangulo ng pamahalaan. Ang Batasan ay nag-halal ng Punong Ministro. Ang Batasang Pambansa ay unang nag-pulong noong 1978.[13]
Pinatalsik si Marcos sa kanyang posisyon matapos ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986. Pinalitan siya ni Corazon Aquino at naging pangulo. Noong taong din yun, nagtalaga ang Pangulong Aquino ng komisyong pang-konstitusyonal upang gumawa ng burador ng isang bagong saligang batas. Ang Saligang Batas na ito ay naaprubahan matapos ang plebesitong ginanap noong 1987. Binalik nito ang sistema ng pangulo upang mamuno sa bansa at ang bikameral na Kongreso na lupong tagapagbatas bago magdeklara ang batas militar. Unang nagpulong ang Kongreso na ito noong 1987.[14]
Taon | Awtoridad | Lupong tagapagbatas | Uri | Mataas na kapulungan | Mababang kapulungan |
---|---|---|---|---|---|
1898–99 | Mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng República Filipina | ||||
Saligang Batas ng Malolos | Kongresong Malolos | Unikameral | Kongresong Malolos | ||
Pamahalaang Militar ng Estados Unidos | |||||
Kapangyarihang pandigmaan ng Pangulo ng Estados Unidos | Batas militar | ||||
1900–02 | Mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng República Filipina | ||||
Saligang Batas ng Malolos | Kongresong Malolos | Unikameral | Kongresong Malolos | ||
Mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Pamahalaang Militar ng Estados Unidos | |||||
Pagtatalaga ng Pangulo ng Estados Unidos | Komisyong Taft | Unikameral | Komisyon ng Pilipinas | ||
1902–07 | Pamahalaang Pangkapuluan ng Kapuluan ng Pilipinas | ||||
Batas ng Pilipinas ng 1902 | Komisyon ng Pilipinas | Unikameral | Komisyon ng Pilipinas | ||
1907–16 | Pamahalaang Pangkapuluan ng Kapuluan ng Pilipinas | ||||
Batas ng Pilipinas ng 1902 | Lehislatura ng Pilipinas | Bikameral | Komisyon ng Pilipinas | Kapulungan ng Pilipinas | |
1916–35 | Pamahalaang Pangkapuluan ng Kapuluan ng Pilipinas | ||||
Batas Kasarinlan ng Pilipinas | Batasang Pambansa | Bikameral | Senado | Kapulungan ng mga Kinatawan | |
1935–41 | Komonwelt ng Pilipinas | ||||
Saligang Batas ng 1935 | Pambansang Kapulungan | Unikameral | Pambansang Kapulungan | ||
1942–43 | Imperyo ng Hapon | ||||
Kapangyarihang pandigmaan ng Emperador ng Hapon | Batas militar | ||||
1943–44 | Ikalawang Republika ng Pilipinas | ||||
Saligang Batas ng 1943 | Pambansang Kapulungan | Unikameral | Pambansang Kapulungan | ||
1945–46 | Komonwelt ng Pilipinas | ||||
Mga pagbabago sa Saligang Batas ng 1935 | Kongresong Komonwelt | Bikameral | Senado | Kapulungan ng mga Kinatawan | |
1946–73 | Pangatlong Republika ng Pilipinas | ||||
Mga pagbabago sa Saligang Batas ng 1935 | Kongreso | Bikameral | Senado | Kapulungan ng mga Kinatawan | |
1973–78 (hindi kailanman nagpulong) |
Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng batas militar | ||||
Saligang Batas ng 1973 | Pambansang Kapulungan | Unikameral | Pambansang Kapulungan | ||
1978–86 | Ikaapat na Republika ng Pilipinas | ||||
Mga pagbabago sa Saligang Batas ng 1973 | Batasang Pambansa | Unikameral | Batasang Pambansa | ||
1986–kasalukuyan | Republika ng Pilipinas | ||||
Saligang Batas ng 1987 | Kongreso | Bikameral | Senado | Kapulungan ng mga Kinatawan |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.