Caloocan

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila From Wikipedia, the free encyclopedia

Caloocanmap

Ang Caloocan (pagbigkas: ka•lo•ó•kan), o ang Makasaysayang Lungsod ng Caloocan, ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 1,661,584 sa may 404,252 na kabahayan.

Agarang impormasyon Caloocanᜃᜎᜓᜂᜃᜈ᜔ Lungsod ng Caloocan, Bansa ...
Caloocan

ᜃᜎᜓᜂᜃᜈ᜔

Lungsod ng Caloocan
Thumb
Thumb
Sagisag
Thumb
Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Caloocan
Thumb
Thumb
Caloocan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°39′N 120°58′E
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Mga barangay188 (alamin)
Pagkatatag1815
Ganap na LungsodPebrero 16, 1962
Pamahalaan
  Punong LungsodDale Gonzalo Malapitan
  Manghalalal700,279 botante (2022)
Lawak
[1]
  Kabuuan55.80 km2 (21.54 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
  Kabuuan1,661,584
  Kapal30,000/km2 (77,000/milya kuwadrado)
  Kabahayan
404,252
Ekonomiya
  Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
  Antas ng kahirapan4.20% (2021)[2]
  Kita8,006 million (2022)
  Aset26,513 million (2022)
  Pananagutan11,789 million (2022)
  Paggasta5,716 million (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
137501000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytcaloocancity.gov.ph
Isara

Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa noo'y itinatatag na Lungsod Quezon.[3] Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng lungsod ng Malabon at lungsod ng Valenzuela sa hilaga, lungsod ng Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Caloocan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga ng Lungsod Quezon, at timog ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.

Pangalan

Ang Caloocan bilang isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na "lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob-looban") na nagngangahulugang "pinakaloob na lugar." Kolokyal na binabaybay ang pangalan ng lungsod bilang Kalookan.

May magkakaibang kagustuhan ukol sa nais na baybay ng pangalan ng lungsod. Ang kaibhan at ang tilang kalituhan sa pagbaybay ay nagsimula noong unang bahagi ng dekada-1970, nang ipinasa ng lupong munisipal ang isang resolusyon na nag-uutos sa mga kagawarang panlungsod na gumamit ng pangalang "Kalookan." Ngunit naantala ang pagpapatupad ng resolusyon nang isinailalim ang bansa sa batas militar noong Setyembre 1972. Pagkaraang ibinalik ang mga sangguniang panlungsod at pambayan, inihain ni noo'y Konsehal na si Aurora Asistio-Henson ang Resolusyon Blg. 006 na nagbabago sa naunang resolusyon at itinataguyod ang nasyonalismong Filipino sa pamamagitan ng pag-uutos sa lahat ng mga residente at mga tanggapan at establisimiyento ng lungsod - "pampubliko man o pampribado" - na ibaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Kalookan." Ayon kay Henson, ang "naka-Filipinong baybay" ay nagbibigay ng diwa at kahulugan sa kasaysayan ng lungsod. Dagdag niya, dapat itong gamitin "sa gusaling panlungsod, sa mga gusaling pambarangay, mga palengke, at ibang mga lugar para sa kabatiran at paggabay sa lahat na sangkot." Gayunpaman, mariing kinondena ito ng mga residente, may-ari ng mga negosyo, at opisyal. Tinuring na iligal ni Virgilio Robles, dating mambabatas at alkalde ng lungsod, ang hakbang dahil wala itong pagsang-ayon ng Kongreso. Dagdag niya na binaybay ang pangalan ng lungsod bilang "Caloocan" tulad ng ipinakikita ng karta ng lungsod (city charter). Ang pagkalahatang kagustuhan sa pagbaybay ng pangalan sa mismong lungsod ay "Caloocan" at hindi "Kalookan," sa kabila ng umiiral na ordinansang panlungsod, bagamat humantong ang kalituhan sa iba't-ibang mga pagbaybay ng pangalan sa maraming mga negosyo sa lungsod. Nakabaybay na "Caloocan" ang pangalan ng lungsod sa opisyal na sagisag, at pabor ang gayong pagbaybay sa maraming mga barangays at mga paaralang pampubliko at pampribado sa lungsod. Ang "Kalookan" ay nais na baybay ng Directories of the Philippines Corporation (DPC) na nakahimpil sa Makati, habang pabor naman sa baybay na "Caloocan" ang maraming mga pahayagang pambansa at magasin, pati mga gumagawa ng mapa tulad ng HYDN Publishing na nakahimpil sa Mandaluyong.[4][5]

Mga barangay

Ang Caloocan ay nahahati sa 188 mga barangay:

Karagdagang impormasyon Barangay, Zone ...
Isara
Karagdagang impormasyon Barangay, Zone ...
Isara

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...
Senso ng populasyon ng
Caloocan
TaonPop.±% p.a.
1903 7,847    
1918 19,551+6.27%
1939 38,820+3.32%
1948 58,208+4.60%
1960 145,523+7.93%
1970 274,453+6.54%
1975 397,201+7.70%
1980 467,816+3.33%
1990 763,415+5.02%
1995 1,023,159+5.64%
2000 1,177,604+3.06%
2007 1,381,610+2.23%
2010 1,489,040+2.76%
2015 1,583,978+1.18%
2020 1,661,584+0.94%
Sanggunian: PSA[22][23][24][25]
Isara

Pamahalaan

Alkalde

Karagdagang impormasyon Alkalde, Panunungkulan ...

AlkaldePanunungkulan

Pedro Sevilla1902–1905
Silverio Baltazar1904–1906
Tomas Susano1906–1908
Leon Nadurata1908–1910
Emilio Sanchez1910–1913
Godofredo Herrera1913–1915
Jose Sanchez1915–1921
Dominador Aquino1922–1925
Pablo Pablo1926–1928
Dominador Aquino1928–1931
Pablo Pablo1932–1940
Cornelio Cordero1941–1944
Oscar Baello1945–1946
Jesus Basa1946–1951
Macario Asistio, Sr.1952–1971
Marcial Samson1972–1976
Alejandro Fider1976–1978
Virgilio Robles1978–1980
Macario Asistio, Jr.1980–1986
Virgilio Robles     1986
Antonio Martinez1986–1988
Macario B. Asistio, Jr.1988–1995
Reynaldo Malonzo1995–2004
Enrico Echiverri2004–2013
Oscar Malapitan2013-2022
Along Malapitan2022-Ngayon

Isara

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.