Ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Maria Leonor Gerona Robredo (Santo Tomas Gerona noong dalaga; isinilang Abril 23, 1965),[1][2] mas kilala bilang si Leni Robredo, ay isang Pilipinong abogado, pulitiko, at aktibista na nanungkulan bilang ang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang asawa ng dating kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal na si Jesse Robredo. Bago siya maging pangalawang pangulo ng bansa, nanunungkulan si Robredo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Camarines Sur mula 2013 hanggang 2016. Pagkatapos nito, tumakbo siya bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Partido Liberal, kasama si Mar Roxas bilang katambalan niya. Dito, natalo niya si Bongbong Marcos nang lagpas 270,000 boto lamang.[3][4] Siya ang ikalawang babaeng pangalawang pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal Arroyo noong 1998, at ang unang taga-Bikol na umupo sa naturang puwesto.
Marami pong problema ang artikulong ito.
Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito. |
Ang Kagalang-galang Maria Leonor G. Robredo | |
---|---|
Ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2016 – Hunyo 30, 2022 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Jejomar C. Binay |
Sinundan ni | Sara Duterte |
Tagapangulo ng Sangguniang Tagapag-ugnay sa Pagpapaunlad ng Pabahay at Kalungsuran | |
Nasa puwesto Hulyo 12, 2016 – Disyembre 5, 2016 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Chito Cruz |
Sinundan ni | Leoncio Evasco Jr. |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2013 – Hunyo 30, 2016 | |
Nakaraang sinundan | Luis Villafuerte, Sr. |
Sinundan ni | Gabriel Bordado |
Personal na detalye | |
Isinilang | Maria Leonor Santo Tomas Gerona 23 Abril 1965[1] Naga, Camarines Sur, Pilipinas |
Partidong pampolitika | Liberal |
Asawa | Jesse Robredo kasal 1987; namatay 2012 |
Anak | 3 |
Tahanan | Quezon City Reception House |
Alma mater | University of the Philippines Diliman (B.A.) San Beda College (M.B.A.) University of Nueva Caceres (LL.B.) |
Trabaho | Abogado, Ekonomista, Negosyante |
Websitio | Opisyal na website Website ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas |
Isa siya sa mga tumatakbo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas sa halalan 2022.[5]
Isinilang si Maria Leonor Santo Tomas Gerona noong Abril 23, 1965 sa Naga, Camarines Sur.[6] Siya ang panganay sa tatlong anak nina Antonio Gerona, isang retiradong hukom, at Salvacion Sto. Tomas.[7]
Sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga nag-aral si Gerona ng panimulang edukasyon. Dito niya tinapos ang kanyang elementarya noong 1978 at mataas na paaralan noong 1982.[7] Nakapagtapos siya ng antas sa ekonomika mula sa Paaralan ng Ekonomika sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1986.[8] Pagkatapos nito, kumuha siya ng digri sa batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres, at nagtapos noong 1992.[8] Naipasa niya ang bar exam noong 1997, matapos niyang maibagsak muna ito noong 1992.[9]
Bago ang pagkamatay ng asawa niya noong 2012, hindi masyado nakilahok si Robredo sa pulitika. Noong halalan 2013, tumakbo siya bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur at nanalo.
Siya ang pangalawang tagapangulo ng mga komite ng Kongreso sa mabuting pamamahala, pananagutang pampubliko, at pagbabago sa mga batas. Bukod rito, miyembro rin siya ng 11 house panel. Isa siya sa mga matitinding tagapagtaguyod ng batas sa Kalayaan sa Impormasyon, at tagasuporta sa Panimulang Batas ng Bangsamoro.
Batas | Bill | Maiksing Pamagat | Isinabatas | Kopya |
---|---|---|---|---|
RA 10672 | HB 4073 | Granting Philippine Citizenship To Farrell Eldrian Wu | Agosto 19, 2015 | LawPhil |
RA 10922 | HB 5452 | Economic and Financial Literacy Act | Hulyo 22, 2016 | LawPhil Naka-arkibo 2022-01-18 sa Wayback Machine. |
RA 10708 | HB 5831 | Tax Incentives Management and Transparency Act (TIMTA) | Disyembre 9, 2015 | LawPhil |
Pinagkunan: Website ng Kongreso ng Pilipinas. Paalala: Ang mga kasama sa listahan na ito ay ang mga bill na naging batas, kung saan siya ang (o isa sa mga) principal author nito. |
Sinulat ni Robredo ang People Empowerment Bill (HB 4911[10]) na naglalayon sa mas maraming partisipasypon ng mga Pilipino sa paggawa ng desisyon at batas[11] at batas ng pagsali ng mga mamamayan sa proseso ng budget ng pamahalaan(HB 3905) na naglalayon na pataasin ang pagsali ng mga mamamayan sa mga desisyon na nauukol sa paglikha ng mga badyet sa mga proyekto ng pamahalaaan.[10][12] Sinulat rin Robredo ang panukalang batas kontra diskriminasyon (HB 3432) batay sa etnisidad, estado sa buhay, lahi, relihiyon, kasarian, orientasyong seksuwal, gender identity at ekspresyon, wika, kapansanan, estado ng HIV at iba pa.[kailangan ng sanggunian]
Isinulong niya ang bersiyon sa kapulungan (House Bill 05831) na naging Republic Act RA10708, the Tax Incentives Management(Mga paghihimok sa pangangasiwa ng pagbubuwis) at ang batas ng pagiging buikas noong 2009 (TIMTA).[13][14][15]
Isa pang batas na isinulong ni Robredo ang kontra dinastiya sa pamahalaan.[16][16][17][17][18] at ang batas ng malinis na inumin (House Bill 4021).[18] Kabilang sa mga batas na isinulong ni Robredo ang batas sa kalayaan ng Impormasyon.[19] at Bangsamoro Basic Law[20][21] gayundin ang kalinisan, bukas na pamahalaan at pagsisiwalat ng lahat ng mga transaksiyon ng budget ng Pilipinas (HB 19).[22] at ang patakarang bukas na pinto sa Publiko (House Bill No. 6286),[23]
Naupo si Robredo bilang Bise Chairman ng Komite sa mabuting pamamahala at pagiging bukas ng pamahalaan sa publiko.[24]
Ang Opisina ng Pangalawang Pangulo ni Robredo ang nakatanggap ng pinakamataas na grado ng audit(pagtingin sa paghawak ng pananalapi sa budget nito) sa Commission on Audits.[25] Noong 2022, ang budget ng Opisina ni Robredo ay binawasan ng 21 Porsiyento ng gobyerno ni Rodrigo Duterte.[25] Ang budget ng Opisina ng Pangulo ay inilaan ni Robredo para COVID-19 response at mga angat buhay programa.[26]
Kilala si Leni Robredo sa kanyang payak na pamumuhay.[27] Naging asawa siya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak, sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.