Juan Miguel Zubiri
Pangulo ng Senado ng Pilipinas mula 2022 hanggang 2024 From Wikipedia, the free encyclopedia
Pangulo ng Senado ng Pilipinas mula 2022 hanggang 2024 From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Juan Miguel "Migz" Fernandez Zubiri (ipinanganak noong ika-13 Abril 1968) ay isang Pilipinong politiko na naglingkod bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Bukidnon nang tatlong magkakasunod na termino mula 1998 hanggang 2007.[1] Siya ay kasalukuyang nasa kanyang ikatlong termino sa Senado, unang nagsilbi mula 2007 hanggang 2011 at muli mula 2016 hanggang 2022. Dati siyang nagsilbi bilang Pinuno ng Mayorya sa Senado mula 2008 hanggang 2010 at 2018 hanggang 2022.
Juan Miguel F. Zubiri | |
---|---|
ika-30 Pangulo ng Senado ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hulyo 25, 2022 – Mayo 20, 2024 | |
Nakaraang sinundan | Tito Sotto |
Sinundan ni | Francis Escudero |
Pangulong pro tempore ng Senado ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2022 – Hulyo 25, 2022 | |
Nakaraang sinundan | Ralph Recto |
Sinundan ni | Loren Legarda |
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 30 Hunyo 2016 | |
Nasa puwesto 16 Hulyo 2007 – 3 Agosto 2011 | |
Pinuno ng Mayorya ng Senado ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 17 Nobyembre 2008 – 30 Hunyo 2010 | |
Nakaraang sinundan | Francis Pangilinan |
Sinundan ni | Jose Ma. F. Zubiri III |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikatlong Distrito ng Bukidnon | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007 | |
Nakaraang sinundan | Jose Ma. R. Zubiri, Jr. |
Personal na detalye | |
Isinilang | Makati, Pilipinas | 13 Abril 1968
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | PMP/UNA (2012–kasalukuyan) |
Ibang ugnayang pampolitika | Malaya (2011–2012) Lakas CMD/Lakas-Kampi CMD (1998–2011) |
Asawa | Audrey Tan |
Tahanan | Lungsod ng Malaybalay, Bukidnon Lungsod ng Makati Lungsod ng Muntinlupa |
Alma mater | Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños |
Propesyon | Negosyante |
Inihayag ni Zubiri ang kanyang pagbibitiw bilang senador noong 3 Agosto 2011 kasunod ng mga paratang ng pandaraya noong halalan ng 2007[2][3][4][5] Siya ang kauna-unahang senador sa kasaysayan ng Pilipinas na magbitiw dahil sa mga paratang. Ang ibang pagbibitiw sa kasaysayan ng senado ay kinabibilangan ng pagbibitiw dahil sa pagganap sa ibang posisyon sa pamahalaan.[6]
Ipinanganak si Zubiri sa Lungsod ng Makati at lumaki sa lalawigan ng Bukidnon. Siya ay anak ng dating gobernador at mambabatas na si Jose Maria Zubiri. Nakapagsasalita siya ng Cebuano, Tagalog, Ingles at Ilonggo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.