From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Turkiya (Turko: Türkiye), opisyal na Republika ng Turkiya, ay bansa na pangunahing matatagpuan sa rehiyong Anatoliya ng Kanlurang Asya at bahagya sa Silangang Trasya ng Timog-Silangang Europa. Hinahanggan ang Turkey ang Bulgaria at Greece sa kanluran, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at Iran sa silangan, at Iraq at Syria sa timog. Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano. Ang kabisera nito ay Ankara at ang pinakamalaking lungsod nito ay Istanbul.
Marami pong problema ang artikulong ito.
Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Republika ng Turkiya Türkiye Cumhuriyeti (Turko)
| |
---|---|
Awitin: İstiklal Marşı "Martsa ng Kasarinlan" | |
Kabisera | Ankara 39°55′N 32°51′E |
Pinakamalaking lungsod | Istanbul 41°1′N 28°57′E |
Wikang opisyal | Turko |
Katawagan | Turko |
Pamahalaan | Unitaryong republikang pampanguluhan |
• Pangulo | Recep Tayyip Erdoğan |
• Pangalawang Pangulo | Cevdet Yılmaz |
Lehislatura | Pambansang Asembleyang Maringal |
Establishment | |
c. 1299 | |
• War of Independence | 19 May 1919 |
• Government of the Grand National Assembly | 23 April 1920 |
• Sultanate abolished | 1 November 1922 |
• Treaty of Lausanne | 24 July 1923 |
• Republic declared | 29 October 1923 |
• Current constitution | 9 November 1982[1] |
Lawak | |
• Kabuuan | 783,562 km2 (302,535 mi kuw) (ika-36) |
• Katubigan (%) | 2.03 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa December 2023 | 85,372,377 (ika-17) |
• Densidad | 111/km2 (287.5/mi kuw) (83rd) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $3.613 trilyon (ika-11) |
• Bawat kapita | $41,887 (ika-46) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.154 trilyon (ika-17) |
• Bawat kapita | $13,383[2] (65th) |
Gini (2019) | 41.9 katamtaman |
TKP (2022) | 0.855 napakataas · 45th |
Salapi | Turkish lira (₺) (TRY) |
Sona ng oras | UTC+3 (TRT) |
Kodigong pantelepono | +90 |
Internet TLD | .tr |
Ang pangalan ng Turkiya sa Wikang Turko, Türkiye, ay nagmula sa salitang Türk, na ang kahulugan ay "malakas" sa Lumang Wikang Turko at katawagan din sa mga mamamayan ng mga bansa ng mga Turko.[3]
Sa wikang Tagalog, ang pangalang Turkiya ay muling pagsasabaybay ng salitang Español na Turquía.
Mas matagal nang may naninirahang tao sa Anatolia (ang bahagi ng Turkiya na nasa Asya na tinatawag ding Asia Minor) kaysa saan man sa mundo, maliban na lamang sa Africa.
Ang unang pangunahing imperyo sa lugar na ito ay ang mga Hittite (mula sa ika-18 dantaon hanggang sa ika-13 dantaon BC). Ang mga Hittites, na nagsalita ng mga wikang Indo-Europeo, ay bumuo ng isang mataas na kultura sa Gitnang Anatolya. Nasira ang kanilang kaharian noong ika-7 dantaon BC at ang mga sumunod na estaso ay ang Lydia, Caria, at Lycia.
Mula 1950 BCE, ang mga Griyego at Assyriano ay tumira sa iba't ibang bahagi ng timog silangang Turkey. Ang kabisera ng Assyria ay tinawag na Tushhan (900-600 BCE). Namahala ang mga Assyrians sa timog silangang Turkey hanggang sa masakop ng Babylonia sa taong 612 BC. Naging tahanan ang Anatolia sa iba't ibang mga kaharian tulad ng Imperyong Achaemenid, mga kahariang Hellenistiko, Imperyong Romano, Silangang Imperyong Romano, Imperyong Seljuk at ang Imperyong Monggol.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.