Lalawigan ng Iğdır
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lalawigan ng Iğdır (Turko: Iğdır ili) ay isang lalawigan sa silangang Turkiya na matatagpuan sa mga hangganan ng Armenia, Azerbaijan (ang lugar ng Awtonomong Republika ng Nakhchivan), at Iran. Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Kars sa hilagang-kanluran at Ağrı sa kanluran at timog. Nasasakupan nito ang sukat na 3,587 km2 at may populasyon na 184,418[2] (taya noong 2010), mayroon itong 168,634 populasyon noong 2000 (tumaas mula sa 142,601 noong 1990). Nabuo ito mula sa timog-silangang bahagi ng dating Lalawigan ng Kars noong 1993.
Lalawigan ng Iğdır Iğdır ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Iğdır sa Turkiya | |
Mga koordinado: 39°53′37″N 43°59′52″E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Hilagang-silangang Anatolia |
Subrehiyon | Ağrı |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Iğdır |
Lawak | |
• Kabuuan | 3,588 km2 (1,385 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 192,785 |
• Kapal | 54/km2 (140/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0476 |
Plaka ng sasakyan | 76 |
Narito ang pinakamataas na bundok sa Turkiya, ang Bundok Ararat (Ağrı Dağı) ngunit karamihan sa lupain ay malawak na kapatagan na malayo sa bundok. Pinakamainit ang klima sa bahaging ito ng Turkiya, maaring itanim ang bulak dito. Sinusundan ng nakasarang hangganan sa Armenia ang Ilog Aras.
Ang lungsod ng Iğdır ang panlalawigang kabisera nito. Ang mayorya ng populasyon ng lalawigan ay mga Kurdo, na ang mga Azerbaijani ang mga natitira sa populasyon.[3]
Nahahati ang lalawigan ng Iğdır sa 4 na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.