Lalawigan ng Mardin
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lalawigan ng Mardin (Klasikong Siriako: ܡܪܕܐ, Turko: Mardin ili, Kurdo: Parêzgeha Mêrdînê, Arabe: ماردين,), ay isang lalawigan sa Turkiya na may tinatayang populasyon na 809,719 noong 2017 samantala noong 2000, ang populasyon ay 835,173. Ang kabisera ng lalawigan ay ang lungsod ng Mardin (Klasikong Siriako: ܡܶܪܕܺܝܢ "Mardin" sa kaugnay ng wikang Semitiko na Arabe: ماردين, Mardīn). Matatagpuan malapit sa tradisyunal na hangganan ng Anatolia at Mesopotamia, mayroon itong iba't ibang populasyon, na binubuo ng mga Kurdo, Arabo at Asirio, kasama ng mga Kurdo na binubuo ng mayorya ng populasyon ng lalawigan.[2]
Lalawigan ng Mardin Mardin ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Mardin sa Turkiya | |
Mga koordinado: 37°19′N 40°43′E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Timog-silangang Anatolia |
Subrehiyon | Mardin |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Mardin |
• Gobernador | Mustafa Yaman |
Lawak | |
• Kabuuan | 8,891 km2 (3,433 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 796,237 |
• Kapal | 90/km2 (230/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0482 |
Plaka ng sasakyan | 47 |
Nagmula ang Mardin mula sa salitang Siriako na (ܡܪܕܐ) at nangangahulugang "mga muog".[3][4]
Ang unang kilalang kabihasnan sa Mardin ay ang mga Subartu-Hurrita na pinalatan noong 3000 BCE ng mga Hurrita. Nakuha ito ng mga Elamita noong mga 2230 BCE at sinundan ng mga Babilonia, Heteo, Asiriano, Romano at Bisantino.[5]
Ang lalawigan ng Mardin ay nahahati sa 10 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.