From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Siriako (ܠܫܢܐ ܣܘܪܝܝܐ leššānā Suryāyā) ay isang diyalekto ng Gitnang Aramaiko na minsang sinalita sa ibayo ng karamihang kresiyenteng mayabong. Ito ay unang lumitaw bilang skritpo sa unang siglo CE pagkatapos na salitan bilang isang hindi isinusulat na wika sa loob ng 5 siglo.[2] Ang Klasikong Syriac ay naging pangunahing wika ng panitikan sa buong Gitnang Silangan mula ika-4 hanggang ika-8 siglo.[3] Ang klasikong wika ng Edessa ay naingatan sa malaking katawan ng panitikang Syriac. Ang wikang Syriac ang naging sasakyan ng Kristiyanismong Syriac at kulturang Syriac na kumalat sa buong Asya hanggang sa Baybaying Malabar ng India gayundin sa Silangang Tsina.[4] Ito ang medium ng komunikasyon at pagpapakalat ng kultura para sa mga Arabo at mga Persa (Persian). Ito ay pangunahing isang medium ng paghahayag ng mga Kristiyano at may pundamental na impluwensiya sa panitikan at kultura sa pagpapaunlad ng wikang Arabe[5] na malaking pumalit rito tungo sa ika-14 siglo.[1] Ang Syriac ay nanatiling ang wikang liturhikal ng Kristiyanismong Syriac. Ang Syriac ay isang wikang Gitnang Aramaiko at sa gayon ay wika ng sanga na Hilangang kanluran ng pamilyang wikang Semitiko. Ang Syriac ay isinulat sa alpabetong Syriac na isang paghango ng alpabetong Aramaiko.
Siriako | |
---|---|
ܠܫܢܐ ܣܘܪܝܝܐ Leššānā Suryāyā | |
Bigkas | /lɛʃʃɑːnɑː surjɑːjɑː/ |
Katutubo sa | Mesopotamia, Aram, Roman Syria |
Pangkat-etniko | Assyrian |
Kamatayan | Disappeared as a vernacular language after the 14th century.[1] |
Afro-Asiatic
| |
Syriac abjad | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | syc |
ISO 639-3 | syc |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.