Ang Lalawigan ng Giresun (Turko: Giresun ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa baybayin ng Dagat Itim. Ang mga katabing lalawigan nito ay Trabzon sa silangan, Gümüşhane sa timog-silangan, Erzincan sa timog, Sivas sa timog-kanluran, at Ordu sa kanluran. Ang panlalawigang kabisera ay Giresun.

Agarang impormasyon Lalawigan ng Giresun Giresun ili, Bansa ...
Lalawigan ng Giresun

Giresun ili
Thumb
Lokasyon ng Lalawigan ng Giresun sa Turkiya
Mga koordinado: 40°34′47″N 38°35′40″E
BansaTurkiya
RehiyonSilangang Dagat Itim
SubrehiyonTrabzon
Pamahalaan
  Distritong panghalalanGiresun
Lawak
  Kabuuan6,934 km2 (2,677 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)[1]
  Kabuuan444,467
  Kapal64/km2 (170/milya kuwadrado)
Kodigo ng lugar0454
Plaka ng sasakyan28
Isara

Heograpiya

Isang rehiyong pang-agrikultura ang Giresun at mga mababang lugar nito, na malapit sa baybayin ng Dagat Itim. Ito ang pinakamalaking tagagawa ng mga kastanyas sa Turkiya; isang pambayang awit sa Giresun ang nagsasabing "Hindi ako kakain ng kahit isang kastanyas, maliban lamang na nasa tabi kita,"[2] habang ang isa naman ay nagsasabi ng isang mangingibig na pinatay sa ilalim ng isang puno ng kastanyas.[3]

Mga distrito

Nahahati ang lalawigan ng Giresun sa labing-anim na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):

  • Alucra
  • Bulancak
  • Çamoluk
  • Çanakçı
  • Dereli
  • Doğankent
  • Espiye
  • Eynesil
  • Giresun
  • Görele
  • Güce
  • Keşap
  • Piraziz
  • Şebinkarahisar
  • Tirebolu
  • Yağlıdere

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.