Lalawigan ng Şırnak
Lalawigan sa Turkiya sa timog-silangang Anatolia From Wikipedia, the free encyclopedia
Lalawigan sa Turkiya sa timog-silangang Anatolia From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lalawigan ng Şırnak (Turko: Şırnak ili, Kurdo: Parêzgeha Şirnex) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Anatolia. Nasa hangganan ng Şırnak ang mga bansang Iraq at Syria. Legal na humiwalay ang Şırnak mula lalawigan ng Siirt noong Mayo 16, 1990. Kinabit din ng batas na ito ang ilang mga distrito mula sa mga katabing lalawigan ng Siirt at Mardin, na ginawang bahagi ng Şırnak, kabilang ang Cizre at Silopi.
Lalawigan ng Şırnak Şırnak ili | |
---|---|
Damlabaşı, Lalawigan ng Şırnak | |
Lokasyon ng Lalawigan ng Şırnak sa Turkiya | |
Mga koordinado: 37°31′09″N 42°27′15″E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Timog-silangang Anatolia |
Subrehiyon | Mardin |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Şırnak |
Lawak | |
• Kabuuan | 7,172 km2 (2,769 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 483,788 |
• Kapal | 67/km2 (170/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0486[2] |
Plaka ng sasakyan | 73 |
Noong 2013, tinatayang nasa 475,255 katao ang populasyon ng lalawigan.[3] Ang mga Kurdo ay mayorya ng populasyon ng lalawigan.[4]
Ang mga katabing lalawigan ng Lalawigan ng Şırnak ay ang Lalawigan ng Siirt sa hilaga, Lalawigan ng Van sa hilagang-silangan, Lalawigan ng Mardin sa kanluran, Lalawigan ng Batman sa hilagang-kanluran, ang bansa ng Syria sa timog-kanluran, at ang bansa ng Iraq sa timog-silangan.[5] Mayroon ang lalawigan na ito ng mga rehiyong bulubundukin sa kanluran at sa timog, ngunit ang karamihan ng lalawigan ay mga talampas, na nagdulot sa maraming ilog na tumatawid dito. Kabilang dito ang Tigris, at ang mga sanga nito na Hezil at Kızılsu, at ang Çağlayan din. Ang mga pinakamahalagang mga bundok ay ang Cudi (2089 m),[6] ang Gabar, ang Namaz at ang Altın. Ang Şırnak ay ang pinakamahirap na lalawigan sa Turkiya na mayroon lamang katamtaman na TL 508 bawat kapita.
Nahahati ang lalawigan ng Şırnak sa 7 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.