From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1972 ay ang ika-22 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 1 Disyembre 1972.
Miss World 1972 | |
---|---|
Petsa | 1 Disyembre 1972 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 53 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Belinda Green Australya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Julia Morley si Belinda Green ng Australya bilang Miss World 1972.[1][2] Ito ang ikalawang tagumpay ng Australya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Ingeborg Sørensen ng Noruwega, habang nagtapos bilang second runner-up si Chana Ordan ng Israel.[3][4] Hindi nakoronahan ni Miss World 1971 Lucia Petterle ang kanyang kahalili matapos nitong magtamo ng pinsala sa kanyang braso.[5]
Limampu't-tatlong kandidata mula limampu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.
Limampu't-tatlong kandidata mula limampu't-dalawang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.[6]
Dapat lalahok sa edisyon ito si Miss Spain 1971 María del Carmen Muñoz,[7] ngunit matapos nitong mapag-isipan na bumitiw sa kompetisyon, kaagad siyang pinalitan ni Miss Spain 1972 María del Rocío Martín na siyang kakapanalo lamang isang buwan ang nakalipas bago magsimula ang kompetisyon.[8] Dapat sanang lalahok si Antonella Barci bilang kinatawan ng Italya sa edisyong ito,[9][10] ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Laura Romano.[11] Dapat sanang lalahok si Miss France 1972 Chantal Bouvier de Lamotte sa edisyong ito, ngunit matapos magkaroon ng matinding pinsala sa kanyang katawan dulot ng pagkahulog mula sa isang kabayo, siya ay pinalitan ng kanyang second runner-up na si Claudine Cassereau.[12]
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Botswana at Singapura. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Honduras na huling sumali noong 1968, Kosta Rika na huling sumali noong 1969, at Hong Kong at Liberya na huling sumali noong 1970.
Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Guyana, Kolombya, Luksemburgo, Nikaragwa, Panama, Tsipre, Timog Korea, Trinidad at Tobago, at Tunisya sa edisyong ito. Hindi nakasali sina Damayanthi Gunewardena ng Ceylon, Martha Lucía Cardozo ng Kolombya,[13][14] Lydia Maes ng Luksemburgo, at Chung Keum-ok ng Timog Korea matapos nilang hindi maabutan ang huling araw ng pagpaparehistro para sa Miss World. Ganito rin ang sinapit ni Regina Melgar ng Panama, na nakarating na sa Londres tatlong araw matapos ang huling araw ng pagpaparehistro sa pagiging kandidata. Dahil dito ay hindi na siya pinayagang sumali sa kompetisyon.[15][16] Hindi sumali si Connie Anne Ballantyne ng Nikaragwa matapos nitong ikansela ang kanyang biyahe papuntang Londres dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[17] Hindi sumali si Maria Koutrouza ng Tsipre matapos nitong magkasakit.[17] Hindi sumali sina Victoria Bamidele ng Niherya at Selma Feki ng Tunisya dahil sa kakulangan ng pagpopondo para lumahok sa Londres.[18] Hindi sumali ang mga bansang Guyana at Trinidad at Tobago sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Nagkaroon ng epekto ang mga terrorist attack laban sa delegasyon ng Israel sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1972 sa seguridad ng mga kandidata sa Miss World, gayundin sa kandidata ng Libano na si Odette Naim. Matapos ang mga terrorist attack na naganap sa Munich ay hindi pinayagan na lumabas ng Libano si Naim dahil sa posibleng paghihiganti ng mga terorista laban sa kanilang bansa. Dahil rin sa mga terrorist attack na ito, dalawang bodyguard ang palaging nakabantay kay Miss Israel Chana Ordan imbis na isang chaperone lang.[19][20]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1972 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 7 |
|
Top 15 |
|
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Limampu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[22]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Heidemarie Weber[23] | 24 | Brandenburg |
Arhentina | Olga Cognini[24] | 23 | Buenos Aires |
Aruba | Sandra Werleman[25] | 19 | Oranjestad |
Australya | Belinda Green[26] | 20 | Melbourne |
Austrya | Ursula Pacher[27] | 21 | Klagenfurt |
Bagong Silandiya | Kristine Allen | 19 | Auckland |
Bahamas | Heather Cleare | 17 | Nassau |
Belhika | Anne-Marie Roger[28] | 24 | Bruselas |
Beneswela | Amalia Heller[29] | 21 | Caracas |
Bermuda | Helen Brown[30] | 18 | St. George's |
Botswana | Agnes Motswere Letsebe | 24 | Francistown |
Brasil | Ângela Maria Favi[31] | 18 | Aracatuba |
Ekwador | Patricia Falconí | 17 | Quito |
Espanya | Rocío Martín[8] | 18 | Sevilla |
Estados Unidos | Lynda Carter[32] | 21 | Tempe |
Gresya | Helen Lykissa[33] | 20 | Atenas |
Guam | Marylou Pangelinan[21] | 17 | Piti |
Hamayka | Gail Phillips[34] | 21 | Kingston |
Hapon | Akiko Kajitani[35] | 23 | Tokyo |
Hibraltar | Rosemarie Catania | 18 | Hibraltar |
Honduras | Doris van Tuyl | 18 | San Pedro Sula |
Hong Kong | Gay Mei-Lin[36] | 24 | Hong Kong |
Indiya | Malathi Basappa[37] | 21 | Bangalore |
Irlanda | Pauline Fitzsimons | 19 | Dublin |
Israel | Chana Ordan[38] | 17 | Tel-Abib |
Italya | Laura Romano[11] | 20 | Turin |
Kanada | Bonny Brady[39] | 19 | Ancaster |
Kosta Rika | Vicki Ross[17] | 22 | San José |
Liberya | Cecelia King | 19 | Monrovia |
Lupangyelo | Rósa Helgadóttir[40] | 18 | Reikiavik |
Malaysia | Janet Mok[41] | 21 | Putrajaya |
Malta | Jane Attard | 20 | Sliema |
Mawrisyo | Marie Ange Bestel[42] | 19 | St. Julian's |
Mehiko | Gloria Gutiérrez[24] | 20 | Lungsod ng Mehiko |
Noruwega | Ingeborg Sorensen[43] | 24 | Oslo |
Olanda | Monique Borgeld[44] | 22 | Amstelveen |
Paragway | Rosa Angélica Mussi | – | Villarica |
Pinlandiya | Anneli Björkling[45] | 20 | Helsinki |
Pilipinas | Evangeline Reyes[46] | 19 | Lipa |
Porto Riko | Ana Nisi Goyco[47] | 22 | Ponce |
Portugal | Anita Marques[48] | 19 | Nampula |
Pransiya | Claudine Cassereau[49] | 19 | Loudun |
Republikang Dominikano | Teresa Evangelina Medrano[50] | 18 | Santo Domingo |
Reyno Unido | Jennifer McAdam[51] | 24 | Londres |
Seykelas | Jane Straevens[52] | 17 | Mahé |
Singapura | Rosalind Lee Eng Neo[53] | 21 | Singapura |
Suwesya | Rita Berntsson[54] | 22 | Borlänge |
Suwisa | Astrid Vollenweider[55] | 19 | Bern |
Taylandiya | Jintana Jitsophon[56] | 19 | Lopburi |
Timog Aprika | Cynthia Shange[57] | 22 | Durban |
Stephanie Reinecke[58] | 19 | ||
Turkiya | Feyzal Kibarer[59] | 18 | Istanbul |
Yugoslavia | Biljana Ristić[60] | 22 | Belgrado |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.