Ang ika-13 dantaon (taon: AD 1201 – 1300), ay isang siglo na tumagal mula Enero 1, 1201 hanggang Disyembre 31, 1300 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano.
Sa panahong ito, itinatag ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol, na sumakop mula Silangang Asya hanggang Silangang Europa. Binago ang kurso ng mundong Muslim ang mga pananakop ni Hulagu Khan at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ng Baghdad (1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang Panahong Islamiko. May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ng Imperyong Mali at Sultanato ng Delhi ang sumakop sa malaking bahagi ng Kanlurang Aprika at subkontinenteng Indiyano, habang nakaranas ang Budismo ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas na Gitnang Panahon.