From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Santa Isabel ng Ungria (Kastila: Isabel de Hungría, Ingles: Saint Elisabeth of Hungary, Aleman: Heilige Elisabeth von Thüringen o Heilige Elisabeth von Ungarn, Hungaro: Árpád-házi Szent Erzsébet, 7 Hulyo 1207 – 17 Nobyembre 1231)[1] ay isang Katoliko at Alemanang santa. Ayon sa nakaugalian, isinilang siya sa isang kastilyo ng Sárospatak, Hungary, noong 7 Hulyo 1207.[2][3][4] Siya ang anak na babae ni Haring Andres II ng Hungary at Gertrudes ng Andechs-Merania (o Gertrudis ng Merania), at sa gulang na apat ay nadala sa korte ng mga naghahari sa Thuringia ng Gitnang Alemanya, upang maging panghinaharap na makakaisang-dibdib na magpapatibay sa mga alyansang pampolitika sa pagitan ng mga pamilya. Ikinasal siya sa gulang na labing-apat, nabalo sa edad na dalawampu, ipinamigay ang kanyang mga kayamanan sa mga mahihirap, nagtayo ng mga ospital, naging sagisag ng Kristiyanong pakikipag-kapwa tao sa Alemanya at iba pang mga pook makalipas ang kanyang kamatayan sa edad na dalawampu't apat. Siya ang pinatakasing santo ng mga nars. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-17 ng Nobyembre.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.