From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1972 ay ang ika-21 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Cerromar Beach Hotel sa Dorado, Porto Riko noong Hulyo 29, 1972. Ito ang kauna-unahang edisyon na ginanap sa labas ng Kalupaang Estados Unidos.[1]
Miss Universe 1972 | |
---|---|
Petsa | Hulyo 29, 1972 |
Presenters |
|
Entertainment | Singing Lettermen |
Pinagdausan | Cerromar Beach Hotel, Dorado, Porto Riko |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 61 |
Placements | 12 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Kerry Anne Wells Australya |
Congeniality | Ombayi Mukuta Zaire |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Carmen Ampuero Peru |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Miss Universe 1970 Marisol Malaret si Kerry Anne Wells ng Australya bilang Miss Universe 1972.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Australya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Rejane Costa ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si María Antonieta Cámpoli ng Beneswela.[4][5] Hindi pinayagan si Georgina Rizk ng Libano na koronahan ang kanyang kahalili dahil sa mga restriksyon ng Pamahalaan ng Libano dahil sa takot sa pag-atake ng terorista, at nagpakita na lamang ito noong 1973 kung saan ginanap ang kompetisyon sa Atenas.[6]
Mga kandidata mula sa 61 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikaanim na pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[7][8]
Noong Agosto 3, 1971, naglagda ng kontrata ang Miss Universe Organization at ang Government Economic Development Administrator ng Porto Riko upang dalhin ang Miss Universe at Miss USA sa San Juan sa susunod na limang taon. Bukod pa rito, imbis na sa Miami, titira si Georgina Rizk, Miss Universe 1971, sa teritoryo ayon sa kontratang nilagdaan. Ayon kay Harold Glasser, pangulo ng Miss Universe Organization, ang dahilan kung bakit nilipat sa Porto Riko ang kompetisyon ay dahil sa magandang impresyon na ibinigay ni Miss Universe 1970 Marisol Malaret sa buong mundo.[9][10]
Ang mga kalahok mula sa 61 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo.[11]
Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Irak, at bumalik ang mga bansang Dinamarka, El Salvador, Hong Kong, Paragway, at Tsile. Huling sumali noong 1955 ang El Salvador, at noong 1970 ang Dinamarka, Hong Kong, Paragway, at Tsile.[12] Hindi sumali ang mga bansang Libano, Nikaragwa, Panama, Trinidad at Tobago, at Tunisya sa edisyong ito. Hindi pinayagan ng pamahalaan ng Libano na pumunta sa Porto Riko si Miss Lebanon 1972 Christiane Accaoui dahil sa takot na maulit muli ang nangyaring karahasan sa Miss USA 1972 pageant noong Mayo 1972.[12] Hindi sumali ang Nikaragwa, Panama, Trinidad at Tobago, at Tunisya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat rin sanang kakalahok sa edisyong ito sina Maria Koutrouza ng Tsipre at Roya Rouhani Moghaddam ng Iran, ngunit hindi sumali ang mga ito dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Unang sasali sa susunod na edisyon ang Tsipre, ngunit hindi pa nakakapagpadala ng kandidata ang Iran sa kasaysayan ng kompetisyon.[12] Dapat rin sanang lalahok sa edisyong ito si Daniela Krajcinovic mula sa Yugoslavia sa kompetisyon, ngunit bumitiw ito dahil ito ay nagkasakit.[13]
Noong kasagsagan ng Miss USA 1972, dalawang buwan bago ang kompetisyon, dalawang bomba ang sumabog sa loob ng Cerromar Beach Hotel na nakapinsala ng apat na kwarto at apat na sasakyan sa hotel. Ang mga pagsabog ay hinihinalang kagagawan ng mga aktibistang tumataligsa sa pamumuno ng Estados Unidos sa Porto Riko.[14][15] Dahil dito, hinigpitan ang seguridad sa Cerromar Beach Hotel sa panahon ng kompetisyon. Mga taong may koneksyon sa hotel, sa pamahalaan at sa kompetisyon lang ang pinahihintulutang pumasok sa loob ng lokasyon ng kompetisyon, at kung magpapatuloy pa rin ang kapinsalaan sa kompetisyon, hindi na itutuloy ang kompetisyon sa Porto Riko.[16]
Noong Hulyo 14, 1972, inanunsyo ng Consul ng Libano sa San Juan na si Salibe Tartak na hindi pinayagan ng pamahalaan ng Libano na lumipad si Miss Universe 1971 Georgina Rizk, at ang kandidata ng Libano para sa Miss Universe 1972 na si Christiane Accoui. Ayon kay Rizk, hindi ito lumipad papuntang Porto Riko dahil sa takot sa paghihiganti para sa labing-anim na mga Portorikenyong namatay sa patayan sa Tel Aviv Airport noong Mayo 30, 1972. Ang patayan sa paliparan ay dulot ng 3 Hapones na iniluklok ng mga gerilyang grupong Palestino na siyang nakapatay ng labing-anim na Portorikenyo.[17][18] Ayon naman kay Tartak, imbis na natakot si Rizk sa patayan noong Mayo 30, natakot raw ito sa posibleng mga gawaing terorista ng mga grupong leftist ng pulo sa Miss Universe, tulad na lamang ng mga pagbomba na nangyari noong Miss USA 1972.[19]
Sa gabi ng panghuling kompetisyon, 400 miyembro ng Puerto Rican Socialist Party ang nagpiket sa kahabaan ng highway na dumadaan sa harap ng hotel. Sinisigaw ng mga demonstrador na "nagtatrabaho ang mga babaeng nagtatrabaho, at nagmomodelo ang mga babaeng burgis". Ayon sa secretary-general ng Partidong Sosyalista na si Juan Mari Bras, ang mahigipt na seguridad ng mga pulis sa hotel ang dahilan ng pagsikip ng trapiko sa highway na kanilang pinipiket. Sa panahon ng mga pag-anunsyo ng nagwagi sa kompetisyon, matagumpay na idiniskonekta ng mga miyembro ng Puerto Rican Socialist Party ang mga kable ng mga kamera na isinasahimpapawid ang kompetisyon, at naibalik lamang ang koneksyon nito sa panahong ginagawa na ni Kerry Anne Wells ang kanyang first walk bilang Miss Universe 1972.[20]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1972 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 12 |
Tulad noong 1971, 12 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 12 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview. Hindi hinirang ang 10 Best in Swimsuit simula sa edisyong ito.[23][24]
Animnpau't-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.[25]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[lower-alpha 1] | Bayan |
---|---|---|---|
Arhentina | Norma Dudik[26] | 22 | Buenos Aires |
Aruba | Yvonne Dirksz[27] | 18 | Paradera |
Australya | Kerry Anne Wells[28] | 20 | Perth |
Austrya | Ursula Pacher[29] | 21 | Carinthia |
Bahamas | Deborah Jane Taylor[30] | 22 | Bimini |
Belhika | Anne-Marie Roger[31] | 24 | Bruselas |
Beneswela | María Antonieta Cámpoli[32] | 18 | Caracas |
Bermuda | Helen Brown[33] | 18 | St. George's |
Brasil | Rejane Costa[34] | 18 | Cachoeira do Sul |
Bulibya | María Alicia Vargas[35] | 19 | Santa Cruz |
Curaçao | Ingrid Prade[36] | 19 | Willemstad |
Dinamarka | Marianne Schmidt[37] | 18 | Copenhague |
Ekwador | Susana Castro[38] | 19 | Quito |
El Salvador | Ruth Eugenia Romero | – | San Salvador |
Eskosya | Elizabeth Stevely | 20 | Glasgow |
Espanya | María del Carmen Muñoz[39] | 18 | Madrid |
Estados Unidos | Tanya Wilson[40] | 22 | Honolulu |
Gales | Eileen Darroch[41] | 21 | Caerwys |
Gresya | Nancy Kapetanaki[42] | 19 | Atenas |
Guam | Patricia Alvarez | 18 | Yigo |
Hamayka | Grace Wright[43] | – | Kingston |
Hapon | Harumi Maeda[44] | 21 | Yokohama |
Honduras | Doris Alicia Roca[45] | 19 | San Pedro Sula |
Hong Kong | Rita Leung | – | Hong Kong |
Indiya | Roopa Satyan[46] | 19 | Bangalore |
Inglatera | Jennifer McAdam[47] | 24 | Londres |
Irak | Wijdan Sulyman[48] | 18 | Baghdad |
Irlanda | Maree McGlinchey | 22 | Donegal |
Israel | Ilana Goren[49] | 19 | Kiryat Motzkin |
Italya | Isabela Specia | 20 | Milan |
Kanada | Bonny Brady | 19 | Ancaster |
Kanlurang Alemanya | Heidemarie Weber[31] | 24 | Brandenburg |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Carol Krieger[50] | 18 | Saint Croix |
Kolombya | María Luisa Lignarolo[51] | 19 | Barranquilla |
Kosta Rika | Vicki Ross[52] | 22 | San José |
Luksemburgo | Anita Heck[53] | – | Esch-sur-Alzette |
Lupangyelo | María Jóhannesdóttir[54] | 20 | Reikiavik |
Malaysia | Helen Looi[55] | 22 | Georgetown |
Malta | Doris Abdilla[31] | 21 | Birżebbuġa |
Mehiko | María del Carmen Orozco[56] | 18 | Chihuahua |
Noruwega | Liv Hanche Olsen[37] | – | Oslo |
Nuweba Selandiya | Kristine Allen[57] | 19 | Auckland |
Olanda | Jenny Ten Wolde[58] | 25 | Ang Haya |
Paragway | María Stella Volpe[59] | 19 | Asunción |
Peru | Carmen Ampuero[60] | 18 | Lima |
Pilipinas | Armi Crespo[61] | 18 | Maynila |
Pinlandiya | Maj-Len Eriksson[62] | 19 | Helsinki |
Porto Riko | Bárbara Torres[63] | 18 | Santurce |
Portugal | Iris Dos Santos | 18 | Mosambik |
Pransiya | Claudine Cassereau[64] | 19 | Poitou |
Republikang Dominikano | Ivonne Butler[63] | – | Barahona |
Singapura | Jacqueline Han[65] | 21 | Singapura |
Suriname | Carmen Muntslag[66] | – | Paramaribo |
Suwesya | Britt Marie Johansson[37] | 19 | Trångsund |
Suwisa | Anneliese Weber | – | Zürich |
Taylandiya | Nipapat Sudsiri[67] | 21 | Kanchanaburi |
Timog Korea | Park Yeon-joo | 20 | Seoul |
Tsile | Consuelo Fernández[11] | 18 | Santiago |
Turkiya | Neslihan Sunay | 18 | Eskişehir |
Urugway | Christina Moller[68] | 20 | Montevideo |
Zaire[lower-alpha 2] | Ombayi Mukuta[22] | 18 | Kinshasa |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.