From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1959 ay ang ikawalong edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 24 Hulyo 1959.
Miss Universe 1959 | |
---|---|
Petsa | 24 Hulyo 1959 |
Presenters | Byron Palmer |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 34 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Akiko Kojima Hapon |
Congeniality | Sodsai Vanijvadhana Taylandiya |
Photogenic | Pamela Anne Searle Inglatera |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Luz Marina Zuluaga ng Kolombya si Akiko Kojima ng Hapon bilang Miss Universe 1959.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Hapon sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Jorunn Kristjansen ng Noruwega, habang nagtapos bilang second runner-up si Terry Huntingdon ng Estados Unidos.[2][3]
Mga kandidata mula sa tatlumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Byron Palmer ang kompetisyon.
Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok ng mga pageant organizer upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo.
Iniluklok si Sodsai Vanijvadhana, isang exchange student sa UCLA, ng mga pageant organizer kasama ang koordinasyon mula sa Royal Thai Consulate sa Los Angeles bilang kandidata ng Taylandiya sa Miss Universe.[4]
Unang sumali sa edisyong ito ang Bulibya, Burma, at Luksemburgo, at bumalik ang Austrya, Lupangyelo, Taylandiya, at Turkiya. Huling sumali noong 1954 ang Taylandiya, at noong 1957 ang Austrya, Lupangyelo, at Turkiya.
Hindi sumali ang mga bansang Alaska, Australya, Beneswela, British Guiana, Kanlurang Indies, Paragway, Singapura, Suriname, at Tsile sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[5]
Dapat sanang kakalahok sa edisyong ito sina Arlenne Nesgitt ng Bagong Silandiya, Christine Matias ng Pilipinas, at Nawal Ramli ng United Arab Republic. Hindi sumali si Christine Matias ng Pilipinas dahil hindi hinihikayat ng Philippine Women's University, ang unibersidad kung saan nag-aaral si Matias, na magsuot ng damit-panglangoy ang mga estudyante nito sa publiko.[6][7] Si Aida Kadamani ang dapat sanang kandidata ng United Arab Republic sa kompetisyon. Subalit, umurong si Kadamani dahil tumanggi siyang magsuot ng damit-panglangoy sa harap ng mga huradong lalaki. Ang kaniyang kapalit na si Nawal Ramli, ay hindi rin sumali dahil nabigong sagutin ng mga pageant organizer ang mga tanong nito kung siya ay katanggap-tanggap bilang kapalit ni Kadamani.[8]
Inaasahan din ang pagsali ng Indonesya sa edisyong ito, ngunit hindi ito nakapadala ng kandidata dahil sa mga protesta laban sa paglunsad ng Miss Indonesia sa Jakarta.[9]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1959 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 15 |
|
Parangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic | |
Miss Congeniality |
|
Most Popular Girl |
|
Tulad noong 1955, labinlimang mga semi-finalist lang ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labinlimang mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[12]
Tatlumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.[14]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Arhentina | Liana Cortijo[15] | 20 | Buenos Aires |
Austrya | Christine Spatzier | 19 | Viena |
Belhika | Hélène Savigny[16] | 24 | Bruselas |
Brasil | Vera Ribeiro[17] | 19 | Rio de Janeiro |
Bulibya | Corina Taborga[18] | 19 | La Paz |
Burma | Than Than Aye[19] | 19 | Yangon |
Dinamarka | Lisa Stolberg[20] | 18 | Copenhague |
Ekwador | Carlota Elena Ayala | 19 | Guayaquil |
Estados Unidos | Terry Huntingdon[21] | 19 | Mount Shasta |
Gresya | Zoitsa Kouroukli[22] | 18 | Atenas |
Guwatemala | Rogelia Cruz[23] | 18 | Lungsod ng Guatemala |
Hapon | Akiko Kojima[24] | 22 | Tokyo |
Hawaii | Patricia Visser[25] | 21 | Honolulu |
Inglatera | Pamela Anne Searle | 21 | Surrey |
Israel | Rina Issacov[26] | 19 | Tel-Abib |
Italya | Maria Grazia Buccella[27] | 18 | Trento |
Kanada | Eileen Butter[28] | 25 | Ancaster |
Kanlurang Alemanya | Carmela Künzel[27] | 19 | Berlin |
Kolombya | Olga Pumarejo[29] | 20 | Barranquilla |
Kosta Rika | Zianne Monturiol[30] | 20 | Heredia |
Kuba | Irma Buesa Mas | 19 | Havana |
Luksemburgo | Josée Pundel[31] | 19 | Grevenmacher |
Lupangyelo | Sigríður Þorvaldsdóttir[32] | 18 | Reikiavik |
Mehiko | Mirna García Dávila | 18 | Lungsod ng Mehiko |
Noruwega | Jorunn Kristjansen[20] | 18 | Moss |
Olanda | Peggy Erwich[33] | 21 | Rotterdam |
Peru | Guadalupe Mariátegui[34] | 18 | Callao |
Polonya | Zuzanna Cembrzowska[35] | 19 | Varsovia |
Pransiya | Françoise Saint-Laurent | 18 | Neuilly-Plaisance |
Suwesya | Marie Louise Ekström[27] | 20 | Sundsvall |
Taylandiya | Sodsai Vanijvadhana[36] | 22 | Bangkok |
Timog Korea | Oh Hyun-joo[37] | 19 | Seoul |
Turkiya | Ecel Olcay[16] | 19 | Istanbul |
Urugway | Claudia Bernat | 20 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.