Ang Wikang Turko (Turko: Türkçe / Türk dili / Türkiye Türkçesi) ay isáng wikang ginagamit ng halos 77 angaw na tao sa buong sanlibutan, at ini ay ang pinakamalakíng kasapi ng mga wikang Turkiko. Karamihan sa mga mananalitâ ng Turko ay naninirahan sa Turkiya at Tsipre, kung saan pampamunuán na ginagamit ang wikà roón, at may lalong maliliít na pangkát sa Irak, Gresya, Bulgarya, Republika ng Masedonya, Albanya at iba pang bahagi ng Silangang Europa. Ginagamit rin ang wikà ng angaw-angaw na mandarayuhan sa Europa, lalo na sa Alemanya, kung saán may malaking diaspora ng mga Turko roón.
Turko | |
---|---|
Türkçe / Türkiye Türkçesi | |
Bigkas | [ˈt̪yɾktʃe] ( pakinggan) |
Katutubo sa | Albanya, Aserbayan,[1] Bosnia at Herzegovina, Bulgarya, Croatia, Gresya, Hordan, Irak, Kosovo, Lebanon, ang Republika ng Masedonya, Moldova, Montenegro, Palestina, Rumanya, Rusya, Serbya, Sirya,[2] Tsipre, Turkiya, Turkmenistan, Unggarya, Uzbekistan, at ng mga pamayanang mandarayuhan sa Alemanya, Austria, Belhika, Eskandinabya, ang Estados Unidos, Italya, Canada, ang United Kingdom, Olanda, Polonya, Pransiya, Slovakia, Suwisa at Unggarya Hilagang Tsipre (kinikilala lamang ng Turkiya) |
Mga natibong tagapagsalita |
|
Altaiko (kontrobersiyal)
| |
alpabetong Latin (gamit sa Turkiya) | |
Opisyal na katayuan | |
Turkey Northern Cyprus Cyprus | |
Kinikilalang wika ng minorya sa | |
Pinapamahalaan ng | Kapisanan ng Wikang Turko |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | tr |
ISO 639-2 | tur |
ISO 639-3 | tur |
Sa kanluran, ang impluwensiya ng wikang Turkong Otomano — ang diyalekto ng wikang Turko na ginamit bilang wikang pang-administrasyon at pampanitikan ng Imperyong Otomano — lumawak kasama sa imperyong mismo. Noong 1928, bilang isa sa mga reporma ni Atatürk (Turko: Atatürk İnkılâpları) sa maaagang taon ng Republika ng Turkiya, ang alpabetong Turkong Otomano ay pinalitan ng isang alpabetong Latin.
Ang mga katangian ng wikang Turko ay pagkakasundo ng mga patinig at malawak na aglutinasyon. Ang basikong ayos ng mga salita sa Turko ay paksa–bagay–pandiwa.
Klasipikasyon
Ang Turko ay miyembro ng grupong Oghuz ng pamilyang Turkiko. Ang ilang ibang mga miyembro ay Aseri, na sinasalita sa Aserbayan at hilagang-kanlurang Iran, Gagauz ng Gagauzia, at wikang Turkomano ng Turkmenistan.
Masalimuot ang klasipikasyon ng mga wikang Turkiko. Ang mga migrasyon ng mga taong Turkiko at ang kasunod na kanilang halubilo, parehong sa isa't isa at sa ibang mga taong di-Turkiko, ay lumikha ng isang sitwasyong lingguwistiko ng malawak na kompleksidad.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.