Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hilagang Tsipre (Turko: Kuzey Kıbrıs) pormal na ipinangalan bilang ang Republikang Turko ng Hilagang Tsipre (TRNC) (Turko: Kuzey Kıbrıs Türk Cumhuriyeti, KKTC) [2] ay isang estadong de facto[3][4][5] na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Tsipre. Matagalang mga alitan sa pagitan ng mga Griyego at Cypriotang Turko — na nagsimulang lumaki nang nagkaroong ng isang kudeta na nagtatangkang isanib ang pulo sa Gresya at isang hukbong pangingialam ng Turkiya ang iginanti — ay nagbunga ng paghahati ng pulo paglilipat-lipat ng bahay ng mga naninirahan at kasunod ng isang pansariling pagtatatag ng kalayaan ng hilagang bahagi noong 1983. Ang Hilagang Tsipre ay nakatatanggap ng diplomatikong pagtanggap mula sa Turkiya lamang na umaaasa rito para sa mga tulont pang-ekonomiko, pampolitika at panghukbo o pangdigma. Ang ibang bahagi ng pandaigdigang pamayanan kasama na ang Mga Nagkakaisang Bansa at Samahang Europeo ay tanggap ang kalayaang de jure ng Republika ng Tsipre sa buong pulo.
Kuzey Kıbrıs Türk Cumhuriyeti
| |
---|---|
Wikang opisyal | Turko |
Pamahalaan | Republika[1] |
Lawak | |
• Kabuuan | 3,355 km2 (1,295 mi kuw) (ika-167 kasama ang Tsipre) |
• Katubigan (%) | 2.7 |
Populasyon | |
• Senso ng 2006 | 265,100 (de facto)[kailangan ng sanggunian] |
KDP (PLP) | Pagtataya sa |
• Bawat kapita | $14,765[kailangan ng sanggunian] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $3.6 bilyon[kailangan ng sanggunian] |
Sona ng oras | UTC+2 (EET) |
+3 | |
Kodigong pantelepono | 90 |
Internet TLD | .tr |
May mga pagtatangkang makakuha ng sagot sa alitan ngunit sa ngayon, walang pagtatangka ang naging matagumpay. Noong 2004 isang ikalimang pagbabago ng Panukalang Annan ng Mga Nagkakaisang Bansa ang tinanggap ng karamihan ng mga Cypriotang Turko ang tumanggap sa reperendum ngunit tinanggihan ng karamihan ng mga Cypriotang Griyego. Ang Hukbo ng Turkiya ay nananatili na nagpapagana ng isang malaking hukbo sa Hilagang Tsipre at ang pagpapagana ay itinataguyod at sinasang-ayunan ng lokal na pamahalaan na de facto lamang ngunit ang Republika ng Tsipre at ang pandaigdigang pamayanan ay tinitingnan ito bilang isang hukbong mananako na ilegal at ang pagpapagana nito ay hindi tinanggap sa mga pagsasa-ayos ng Kapulungang Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa.[kailangan ng sanggunian]
Ang mga hangganag ng Hilagang Tsipre ay mula sa dulo ng Tangway ng Karpass (Kabo Apostolos Andreas) sa hilagang-silangan, pakanluran sa Look ng Morphou at Kabo Kormakitis (ang exclave ng Kokkina/Erenköy ay ang pinakakanlurang bahagi ng lugar) at patimog papunta sa pamayanan ng Louroujina/Akıncılar. Isang lugar pampahina ng lakas na nasa ilalim ng Mga Nagkakaisang Bansa o buffer zone ay nasa kahabaan ng Hilagang Tsipre at ang natitirang bahagi ng mga pulo at hinahati ang Nicosia, ang pinakamataong lungsod sa pulo at ang kabisera ng magkabilang mga estado.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.