From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya,[10] c. 550–330 BCE), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano,[11] ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.[12] Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo.
Imperyong Akemenida Khshassa[1]
| |||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
550 BCE–330 BCE | |||||||||||||||||||||||
Watawat ni Dakilang Ciro | |||||||||||||||||||||||
Kabisera | Babilonya[2] (pangunahing kabisera), Pasargadae, Ecbatana, Susa, Persepolis | ||||||||||||||||||||||
Karaniwang wika | Lumang Persiyano[a] Imperyal na Arameo[b] Babilonyo[3] Medo Sinaunang Griyego[4] Elamita Sumeryo[c] | ||||||||||||||||||||||
Relihiyon | Zoroastrianismo, Relihiyong Babilonyo[5] | ||||||||||||||||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||||||||||||||||
Hari (xšāyaϑiya) o Hari ng mga Hari (xšāyaϑiya xšāyaϑiyānām) | |||||||||||||||||||||||
• 559–529 BCE | Dakilang Ciro | ||||||||||||||||||||||
• 336–330 BCE | Dario III ng Persiya | ||||||||||||||||||||||
Panahon | Klasikal na antikidad | ||||||||||||||||||||||
• Paghihimagsika na Persiyano | 550 BCE | ||||||||||||||||||||||
• Pananakop sa Lydia | 547 BCE | ||||||||||||||||||||||
• Pananakop sa Babilonya | 539 BCE | ||||||||||||||||||||||
• Pananakop sa Ehipto | 525 BCE | ||||||||||||||||||||||
• Mga Digmaang Griyego-Persiya | 499–449 BCE | ||||||||||||||||||||||
• Ikalawang pananakop sa Ehipto | 343 BCE | ||||||||||||||||||||||
• Pagbagsak sa Macedonia | 330 BCE | ||||||||||||||||||||||
Lawak | |||||||||||||||||||||||
500 BK[6][7] | 5,500,000 km2 (2,100,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||||||||||
• 500 BCE[8] | 17 milyon hanggang 35 milyon | ||||||||||||||||||||||
Salapi | Daric, siglos | ||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||
a. ^ Katutubong wika. b. ^ Opisyal na wika at lingua franca.[9] c. ^ Wikang pampanitikan sa Babilonya. |
Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis,[13] na naging kanilang sentro.[14] Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE.[14] Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo.[14] Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE.[15] Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto.[14]
Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura,[16] na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.
May mga katutubong 'Indo-Aryan' na kung tawagin ngayon ay Iraniano na naninirahan sa lugar na ngayon ay bansang Iran noong 3000 BCE. Nahahati sila sa dalawang nasyonalidad na: ang mga Persiya at ang mga Mediyano. Noong 625 BCE, nakapaggawa na ang huli ng isang imperyo na pinakamalaki sa lahat ng kaharian sa kanyang panahon.
Bagaman nagsimulang itinatag ang Imperyong Akemenida sa pamumuno ng haring si "Cirong Dakila", ang naturang pangalang "Akemenida" ay nanggaling sa isang datu na pinangalanang si "Akemenyo (Ingles:Achaemenes) na namuno sa mga katutubong Persiya noong 705 BCE hanggang 675 BCE. Si Akemenyo ang itinuturing na ninuno ng mga haring Akemenida ng Imperyong Persiya.
Nagsimula nang itatag ni Dakilang Ciro ang Imperyong Akemenida noong 550 BCE ng pagkatapos niyang pabagsakin ang Dinastiyang Medes noong 550 BCE. Noong 539 BCE, pinagbagsak ni Ciro ang Imperyong Neo-Babilonya sa pamumuno ni Nabonidus. Sa Labanan ng Thymbra sa pagitan ng hari ng Kaharian ng Lydia na si Croessu at Dakilang Ciro, hinabol ni Ciro tungo sa Lydia pagkatapos ng isang Labanan sa Pteria. Ang hukbo ni Croesus ay dalawang beses na mas malaki kesa sa puwersa ni Ciro ngunit ito ay natalo at winasak ito ni Ciro at ang Lydia ay nasakop ng Persiya.
Pumanaw na si Ciro sa edad na 70 noong Disyembre, 530 BCE. Ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Cambyses II ang pakikidigma sa mga kahariang nakapalibot sa imperyo. Sa ilalim ng kanyang pananakop, nasakop niya ang Ika-26 Dinastiya ng Kahariag ng Egipto, ngunit sa madugo na paraan naman.
Namatay si Cambyses II noong 522 BCE at inangkin ni Darius I ang trono ng Persiya. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nasakop niya ang mga lupaing silangan ng Ilog Indus, mga lupaing nasa hilaga ng ilog na ngayon ay tinatawag na Amu Darya sa Uzbekistan, mga lupaing nasa timog ng Ilog Danube, mga kabundukan ng Caucasus, at mga lupaing hilaga ng Gresya. Inayos rin niya ang pamamahala sa mga dayuhang nasasakupan ng imperyo sa pamamagitan ng paghirang ng mga lalawigan na kung tawagin sa kanila ay satrapy, na dahilan kung bakit tinawag rin siyang "Ang Dakila".
Noong panahong ito, natatakot ang mga Griyego sa kalupalupan ng Gresya na baka sakupin sila ng mga Persiya, kaya naghasik ng rebelyon ang mga Griyegong Ionian sa Asia Minor sa tulong ng lungsod-estado ng Athens. Winasak ni Dario ang rebelyon, at dahil galit siya sa ginawang pagtulong sa mga rebelde ng mga Griyegong Ateneo ay nagsanay siya ng malaking hukbo upang isama ang Gresya sa imperyo. Pinaparoon niyaong hari ang 300,000-malakas na hukbo sa pamumuno ni Datis sa mga baybaying-dagat ng Marathon; nakasagupa niyaong hukbo yaong 10,000-malakas na hukbo ni Miltiades, na isang Griyegong heneral. Umasa si Datis na mananalo siya sa labanan, ngunit nabigo siya; magigiting at matatapang ang mga Griyego at mapagmahal sa kalayaan, naggawa sila ng napakataas na linya ng mga sundalo at sinugod ang napakaraming sundalong Persiya sa gitna ng takot at kamatayan. Nagulat iyong Persiya na heneral sa nangyari; marami sa hukbo niya na namatay at nalaman na lang niya na walang kaya ang mga sandata nila sa mga matataas na sibat-espada ng mga Griyego, kaya dali-dali na bumalik iyong mga sundalong Persiya sa mga barko. Noong narinig ni haring Dario yaong balita'y ipinapapatay niya yaong heneral dahil galit na galit siya sa nangyari sa Marathon. Nagsanay na naman ng napakalaking hukbo iyong hari, subalit namatay siya bago natapos yaon.
Si Asuero I ang naging hari ng imperyo sa pagkamatay ng kanyang ama; ipinagpatuloy niya ang gawain ng kanyang ama na pagsasanay ng napakalaking hukbo para sa ikalawang paglusob sa Gresya. Sa panahong nakapagsanay na siya ng mahigit 2,600,000-malakas na hukbo upang gibain sa lupa ang lungsod-estado ng Athens at masakop ang lahat ng mga lungsod-estado ng Gresya, pinaparoon niya yaong kanyang napakalaking hukbo sa Thermopylae, na isang makitid na patag na nakapagitan sa bulubundukin sa kaliwa at karagatan sa kanan. Dito nakasagupa niya ang 8,000-malakas na hukbong Griyego sa pamumuno nina Themistocles ng Athens, Leonidas ng Sparta, at Demophilus ng Thespia. Tumagal iyong labanan ng tatlong araw, at habang walang humpay ang paglusob ng mga Persiya sa mga posisyon ng mga Griyego ay marami sa una na nalipol dahil sa lubhang dami nila kaya nahihirapan silang makapasok at lumaban sa loob ng lambak ng Thermopylae. Nangyari lamang ang kapanaluhan ng mga Persiya noong itinuro ng isang Griyegong traydor na si Ephialtes sa haring si Asuero ang isang daan upang mapalibutan ang mga Griyego sa lambak; noong nalaman ni Leonidas ito, ipinauwi niya ang karamihan sa kanyang hukbo at naiwan siya kabilang ang kanyang kasamang 300 sundalo na tubong-Sparta, at nilabanan nila ang mga Persiya hanggang sila lahat ay namatay. Pagkatapos noong labanan ay nagalit yaong haring Persiya sa nangyari sapagkat sa laki ng kanyang hukbo'y malaking bahagi niyaon ang nalipol.
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Ang aking ama ay si Hystaspes [Vištâspa]; ang ama ni Hystaspes I ay si Arsames [Aršâma]; ang ama ni Arsames ay si Ariaramnes [Ariyâramna]; ang ama ni Ariaramnes ay si Teispes [Cišpiš]; ang ama ni Teispes ay si Achaemenes [Haxâmaniš]. Sinabi ni Dario I ng Persiya: Kaya kami tinawag na mga Akemenida mula sa sinaunang panaho, kami ay maharlika, sa sinaunang panahon, Kami ay mga hari. Sinabi ng Dario I ng Persiya:Ang walo sa aking dinastiya ay mga hari bago ko, Ako ang ikasiyam. Ang siyam sa pagkakahalili ay mga hari.
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Sa biyaya ni Ahura Mazda, ako ay isang Hari, Ipinagkaloob sa akin ni Ahura Mazda ang Kaharian.
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Ito ang mga bansa na aking nasasakupan at sa pamamagitan ni Ahura Mazda, Ako ay naging hari sa kanila: Persiya [Pârsa], Elam [Ûvja], Babilonyaa [Bâbiruš], Asirya [Athurâ], Arabia [Arabâya], Ehipto [Mudrâya], mga bansa sa karagatan na [Tyaiy Drayahyâ], Lydia [Sparda], Mga Griyego [Yauna (Ionia)], Medes [Mâda], Armenia [Armina], Cappadocia [Katpatuka], Parthia [Parthava], Drangiana [Zraka], Aria [Haraiva], Chorasmia [Uvârazmîy], Bactria [Bâxtriš], Sogdia [Suguda], Gandhara [Gadâra], Scythia [Saka], Sattagydia [Thataguš], Arachosia [Harauvatiš] at Maka [Maka];dalawampu't tatlo sa lahat.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.