Ang Imperyong Parto' o Imperyong Arcacid (Ingles: Imperyong Parthian, Lumang Persiyano: 𐎱𐎼𐎰𐎺 Parθava; Parto: 𐭐𐭓𐭕𐭅 Parθaw; Middle Persian: 𐭯𐭫𐭮𐭥𐭡𐭥 Pahlaw) ay isang rehiyon ng makasaysayang matatagpuan sa hilagang-silangan ng Iran. Sinakop ito ng emperyo ng mga Medo noong ika-7 siglo BCE. Isinama sa kasunod na Imperyong Akemenida sa ilalim ni Dakilang Ciro noong ika-6 na siglo BC, at naging bahagi ng Helenistikong Imperyong Seleucid kasunod ng pananakop ni Alejandrong Dakila ng ika-4 na siglo-BC. Ang Imperyong Parthian ay isang makapangkahriyang politikal at kulural na kapangyarihan sa Sinaunang Iran mula 247 BCE hanggang 224 CE. Ang pangalang Arcacid nito ay hinango sa tagapagtatag nitong si Arsaces I na nanguna sa tribong Parni sa pagsakop sa Parthia na isang satrapiya sa ilalim ni Andragoras nang maghimagsik sa Imperyong Seleucid. Pinalawig ni Mithridates I ang imperyong ito sa pamamagitan ng pagsakop sa Medes at Mesopotamia mula sa Seleucid. Sa rurok nito, ang sakop ng Imperyong Parthian ay may hangganan hanggang sa hilagang abot ng Ilog Eufrates sa ngayong Turkiya hanggang sa kasalukuyang Afganistan at Pakistan. Ang imperyo na matatagpuan sa ruta ng daan ng Sutla sa pagitan ng Imperyong Romano at sa dinastiyang Han ng Tsina ay naging isang sentro ng kalakalan at komersiyo. Sa unang kalahati ng pag-iral nito, ang korteng Arcadid ay humango ng mga elemento ng Kulturang Griyego ngunit unti unting nakakita ng muling pagbuhay ng mga tradisyong Iranian. Ang mga pinunong Arsacid ay pinamagatang "Hari ng mga Hari" bilang pag-aangkin na mga tagapagman ng Imperyong Akemenida. Ang hukuman ay humiran ng maliit na bilang mga satrapiya.Sa paglawak ng imperyong ito, ang upuan ng sentral na pamahalaan ay lumipat mula sa Nisa tungo sa Ctesiphon sa kahabaan ng Ilog Tigris sa Iraq. Ang pinakamaagang mga kaaway ng mga Parto ang mga Seleucid sa kanluran at mga Scythian sa hilagan. Sa paglawak nito sa kanluranin, naging kalaban nila ang Kaharian ng Armenia at kalaunan ay naging kaaway ng Republikang Romano. Ang Roma at Parthia ay naglaban sa pagtatatag ng mga hari ng Armenia bilang kanilang mga nasasakupang kliente. Winasak ng mga Parto ang hukbo ni Marcus Licinius sa Labanan ng Carrhae noong 53 BCE at noont 40-39 BCE, nabihag ng mga Parto ang kabuuan ng Levant maliban sa Tyra mula sa mga Roma. Pinangunahan ni Mark Anthony ang pagsalakay sa Parthia. Ang ilang mga Emperador ng Imperyogn Romano ay sumakop sa Mesopatamoia sa Mga digmaang Romano-Parto sa sumunod na mga siglo. Nabihag ng mga Romano ang Seleuci at Ctesiphong hindi ito napanatili nito. Ang karaniwang mga digmaang sibil sa pagitan ng mga magkakatunggali sa trono ng Imperyong Parto ay naging mapanganib sa katatagan ng Imperyo at ito ay gumuho nang si Ardashir I na pinuno ng istakhr sa Persis ay naghimagsik sa mga Arsacid at pinatay ang huling pinuno nilang si Artabanus IV noong 224 CE. Itinatag ni Ardashir ang Imperyong Sassanian na namuno sa Iran at halos Malapit na Silangan hanggang sa pananakop ng mga Muslim noong ika-7 siglo CE.

Agarang impormasyon Kabisera, Karaniwang wika ...
Imperyong Parto
Imperyong Parthian
Imperyong Arsacid
247 BCE–224 CE
Ang Imperyong Parthian noong 94 BCE sa rurok nito noong paghahari ni Mithridates II (r. 124–91 BC)
Ang Imperyong Parthian noong 94 BCE sa rurok nito noong paghahari ni Mithridates II (r. 124–91 BC)
KabiseraCtesiphon,[1] Ecbatana, Hecatompylos, Susa, Mithradatkirt, Asaak, Rhages
Karaniwang wika
Relihiyon
PamahalaanMonarkiyang Feudal [8]
Monarko(Hari) 
 247–211 BCE
Arsaces I (first)
 208–224 CE
Artabanus IV (last)
LehislaturaMegisthanes
PanahonSinaunang panahon
 Naitatag
247 BCE
 Binuwag
224 CE
Lawak
1 CE[9][10]2,800,000 km2 (1,100,000 mi kuw)
SalapiDrachma
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Seleucid
Imperyong Sasanian
Isara
Imperyong Parto ca. 89 BCE.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.