Ilog Indo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ilog Indomap

Ang Indo ay isang ilog na bumabagtas sa maraming hangganan sa Asya at isang trans-Himalayanong ilog ng Timog at Gitnang Asya.[6] Tumataas ang 3,180 km (1,980 mi) ng ilog sa mga bukal ng bundok sa hilagang-silangan ng Bundok Kailash sa Kanlurang Tibet, dumadaloy sa hilagang-kanluran sa pinagtatalunang rehiyon ng Kashmir,[7] kumukurba nang husto pakaliwa pagkatapos ng mga siksik na mga bundok ng Nanga Parbat, at dumadaloy sa timog-timog-kanluran sa Pakistan, bago umagos sa Dagat Arabe malapit sa daungan ng lungsod ng Karachi.[1][8]

Agarang impormasyon Indo Sindhu, Mehran, Katutubong pangalan ...
Indo
Sindhu, Mehran[1]
Thumb
Nabuo ang Barangkang Indo bilang ang Ilog Indo habang kumukurba ito sa palibot ng sisik na mga bundok ng Nanga Parbat, pinapakitang napakataas sa likuran, na tinutukoy ang kanlurang angkla ng bulubunduking Himalaya.
Thumb
Kurso at pangunahing tributaryo ng Indo
Katutubong pangalanسندھ
Lokasyon
BansaTsina, Indya, Pakistan
Mga estado o lalawiganAwtonomong Rehiyon ng Tibet, Ladakh, Gilgit-Baltistan, Khyber Pakhtunkhwa, Punjab, at Sindh
Mga lungsodLeh, Kargil, Skardu, Dasu, Besham, Thakot, Swabi, Dera Ismail Khan, Mianwali, Bhakkar, Sukkur, Hyderabad, Karachi
Pisikal na mga katangian
PinagmulanMataas na Gê'gyai
  lokasyonPrepektura ng Ngari
  mga koordinado31°12′03″N 81°45′16″E
  elebasyon5,555 m (18,225 tal)
Ika-2 pinagmulanLawa Manasarovar[2]
  lokasyonPrepektura ng Ngari
  mga koordinado30°35′35″N 81°25′25″E
  elebasyon4,600 m (15,100 tal)
BukanaDagat Arabe (pangunahin), Rann ng Kutch (pangalawa)
  lokasyon
  • Delta ng Ilog Indo, Pakistan (pangunahin)
  • Sapa ng Kori, Indya (pangalawa)
  mga koordinado
23°59′42″N 67°26′06″E
  elebasyon
0 m (0 tal)
Haba3,180 km (1,980 mi)[3]
Laki ng lunas1,120,000 km2 (430,000 mi kuw)[3]
Buga 
  lokasyonDelta ng Indo
  karaniwan5,533 m3/s (195,400 cu ft/s)[4]
  pinakamababa1,200 m3/s (42,000 cu ft/s)
  pinakamataas58,000 m3/s (2,000,000 cu ft/s)
Buga 
  lokasyonSukkur
  karaniwan(Panahon: 1971–2000)5,673.5 m3/s (200,360 cu ft/s)[5]
Buga 
  lokasyonMithankot
  karaniwan(Panahon: 1971–2000)5,812.3 m3/s (205,260 cu ft/s)[5]
Buga 
  lokasyonPrinsa: Tarbela
  karaniwan(Panahon: 1971–2000)2,469 m3/s (87,200 cu ft/s)[5]
Mga anyong lunas
PagsusulongDagat Arabe
Sistemang ilogIlog Indo
Mga sangang-ilog 
  kaliwaZanskar, Suru, Soan, Panjnad, Ghaggar
  kananShyok, Hunza, Gilgit, Swat, Kunar, Kabul, Kurram, Gomal, Zhob
Thumb
Isara

Ang ilog ay may kabuuang lawak ng paagusan na humigit-kumulang 1,120,000 km2 (430,000 mi kuw). Ang tinatayang taunang daloy nito ay humigit-kumulang 175 km3/a (5,500 m3/s), na ginagawa itong isa sa 50 pinakamalaking ilog sa mundo ayon sa katamtamang taunang daloy.[9] Ang kaliwang pampang na tributaryo nito sa Ladakh ay ang Ilog Zanskar, at ang kaliwang pampang na tributaryo nito sa kapatagan ay ang Ilog Panjnad na nabuo ng sunud-sunod na pagsasama-sama ng limang ilog ng Punjab, na ang Chenab, Jhelum, Ravi, Beas, at Sutlej na mga ilog. Ang mga pangunahing sanga ng kanang pampang nito ay ang mga ilog ng Shyok, Gilgit, Kabul, Kurram, at Gomal. Simula sa isang bulubunduking bukal at napupunan ng mga glasyar at ilog sa mga bulubunduking Himalaya, Karakoram, at Hindu Kush, sinusuportahan ng ilog ang mga ekosistema ng katamtamang kagubatan, kapatagan, at tuyong kabukiran.

Ang hilagang bahagi ng Lambak ng Indo, kasama ang mga sanga nito, ay bumubuo sa rehiyon ng Punjab ng Timog Asya, habang ang ibabang bahagi ng ilog ay nagtatapos sa isang malaking delta sa timog na lalawigan ng Sindh ng Pakistan. Ang ilog ay naging mahalaga sa kasaysayan sa maraming kultura ng rehiyon. Ang ika-3 dantaon BC ay nakita ang pag-usbong ng Kabihasnan ng Lambak ng Indo, isang pangunahing sibilisasyon sa lungsod ng Panahong Bronse. Noong ika-2 dantaon BC, ang rehiyon ng Punjab ay binanggit sa mga himno ng Rigveda bilang Sapta Sindhu at sa mga tekstong panrelihiyon ng Avesta bilang Hapta Həndu (parehong katawagan na nangangahulugang "pitong ilog"). Kabilang sa mga unang makasaysayang kaharian na lumitaw sa Lambak ng Indo ang Gandhāra, at ang dinastiyang Ror ng Sauvīra. Dumating sa kamalayan ng mundong Kanluranin ang Ilog Indo noong panahong klasiko nang nagpadala si Haring Dario ng Persa ng kanyang tauhang Griyego na si Scylax ng Caryanda upang tuklasin ang ilog, noong c.515 BC.

Etimolohiya at mga pangalan

Ang ilog na ito ay kilala sa mga sinaunang Indiyano sa Sanskrito bilang Sindhu at sa mga Persa bilang Hindu / Həndu na itinuturing nilang dalawa bilang "ang hangganang ilog".[10][11][12][13][14] Ang pagkakaiba-iba sa pagitan ng dalawang pangalan ay ipinaliwanag ng Lumang Iraniyano na pagbabago ng tunog na *sh, na naganap sa pagitan ng 850 at 600 BC ayon kay Asko Parpola.[15][16] Mula sa Imperyong Akemenida ng Persa, ipinasa ang pangalan sa mga Griyego bilang Indós (Ἰνδός).[17] Hiniram ito mga Romano bilang Indus.[18] Ang pangalang Indya ay nagmula sa Indus.[19][20] Ang pangalang Tagalog na Indo ay hiram mula sa salitang Kastila na Indo.

Tinatawag ng mga Ladakhi at Tibetano ang ilog na Senge Tsangpo (སེང་གེ་གཙང་པོ།), tinawag ito ng mga Baltis na Gemtsuh at Tsuh-Fo, tinawag ito ng mga Pastun na Nilab, Sher Darya at Abbasiran, habang tinatawag naman ng mga Sindhi ito na Sindhu, Mehran, Purali at Samundar. [1][21]

Ang modernong pangalan sa Hindi ay Sindhu at sa Urdu ay Dariya-e-Sindh (Urdu: سِنْدھ, Hindi: सिंध), isang medyo-natutunang paghiram mula sa Sanskrito.[22]

Paglalarawan

Thumb
Ang kurso ng Indus sa matinding pinagtatalunang rehiyon ng Kashmir ; ang ilog ay dumadaloy sa Ladakh at Gilgit-Baltistan, na pinangangasiwaan ng Indya at Pakistan ayon sa pagkakasunod-sunod

Ang Ilog Indo River ay nagbibigay ng mga pangunahing mapagkukunan ng tubig para sa ekonomiya ng Pakistan – lalo na ang breadbasket (o tagagawa ng butil) ng lalawigan ng Punjab, na bumubuo sa karamihan ng produksyon ng agrikultura ng bansa, at Sindh. Ang salitang Punjab ay nangangahulugang "lupain ng limang ilog" at ang limang ilog ay Jhelum, Chenab, Ravi, Beas at Sutlej, na sa wakas ay dumadaloy sa Indo. Sinusuportahan din ng Indo ang maraming mabibigat na industriya at nagbibigay ng pangunahing panustos ng maiinom na tubig sa Pakistan.

Ang kabuuang haba ng ilog ay nag-iiba sa iba't ibang sanggunian. Ang haba na ginamit sa artikulong ito ay 3,180 km (1,980 mi), na kinuha mula sa Himalayan Climate and Water Atlas (2015). Sa kasaysayan, binigay ng The Imperial Gazetteer of India noong 1909 ang sukat ng haba nito bilang "higit lamang sa 1,800 milya".[23] Isang mas maikling bilang na 2,880 km (1,790 mi) ay malawakang ginagamit sa modernong mga sanggunian, gaya ng isa sa 3,180 km (1,980 mi). Ang modernong Encyclopedia Britannica ay orihinal na nailathala noong 1999 na may mas maikling sukat, subalit binago noong 2015 upang magamit ang mas mahabang sukat.[1] Ang parehong haba ay karaniwang matatagpuan sa mga modernong publikasyon; sa ilang mga kaso, ang parehong mga sukat ay matatagpuan sa loob ng parehong gawain.[24] Isang pinalawig na bilang na humigit-kumulang 3,600 km (2,200 mi) ay inihayag ng isang pangkat mananaliksik na Tsino noong 2011, batay sa isang komprehensibong muling pagsusukat mula sa mga imahen ng satelayt, at isang ekspedisyong panlupa para tukuyin ang alternatibong puntong pinagmulan, subalit ang detalyadong pagsusuri ay hindi pa nailathala.[25]

Ang sukdulang pinagmulan ng Indo ay nasa Tibet, subalit mayroong ilang pagtatalo tungkol sa eksaktong pinagmulan. Ang tradisyunal na pinagmumulan ng ilog ay ang Sênggê Kanbab (Sênggê Zangbo) o "Bunganga ng Leon", isang pangmatagalang bukal na hindi kalayuan sa sagradong Bundok Kailash, na minarkahan ng mahabang mababang linya ng mga stupang Tibetano. Mayroong ilang iba pang mga tributaryo na may kalapitan, na maaaring bumuo ng isang mas mahabang batis kaysa sa Sênggê Kanbab, subalit hindi tulad ng Sênggê Kanbab, na umaasa lahat sa pagtunaw ng niyebe. Ang Ilog Zanskar, na dumadaloy sa Indo sa Ladakh, ay may mas malaking bolyum ng tubig kaysa sa Indo mismo bago ang puntong iyon. Ang isang alternatibong pagtutuos ay nagsisimula sa ilog sa paligid ng 300 km sa itaas ng agos, sa pinagtagpo ng mga ilog ng Sênggê Zangbo at Gar Tsangpo, na umaagos sa mga hanay ng bundok ng Nganglong Kangri at Gangdise Shan (Gang Rinpoche, Bundok Kailash). Iminungkahi ng muling pagsukat noong 2011 na ang pinagmulan ay isang maliit na lawa sa hilagang-silangan ng Bundok Kailash, sa halip na alinman sa dalawang puntong ginamit dati.[25]

Heograpiya

Thumb
Ang Ilog Indo malapit sa Leh

Mga tributaryo

  • Ilog Gar
  • Ilog Gilgit
  • Ilog Gomal
  • Ilog Haro
  • Ilog Hunza
  • Ilog Kabul
  • Ilog Kunar
  • Ilog Kurram
  • Ilog Panjnad
    • Ilog Chenab
      • Ilog Jhelum
      • Ilog Ravi
    • Ilog Satluj
      • Ilog Beas
  • Ilog Shyok
  • Ilog Soan
  • Ilog Dras (o Ilog Shingo)
  • Ilog Swat
  • Ilog Zanskar
  • Ilog Luni
  • Ilog Zhob
Thumb
Palanggana ng Ilog Indo

Mga pagsipi

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.