From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pali (Ingles: spleen) ay isang malaking glandulang nasa loob ng tiyan.[1] Kabilang sa ilang mga trabaho o gawain ginagampanan nito ang paggawa ng mga puting dugong selula upang makapananggalang o makalaban sa mga bakterya, at para rin sa pagdurog o pagwasak ng mga sirang pulang dugong selula.[2] Ito rin ang parte ng katawang sumasala at nagpapaimbak ng dugo.[1] Tinatawag din itong limpa.[1] Sa ilang sanggunian, natatawag din ang glandulang pali bilang "apdo" bagaman mayroong tunay at nakahiwalay na organong apdo ang katawan.[3]
Sa tao, ang pali ay kulay lila at nasa kaliwang itaas na kuwadrante ng puson.[4][5] Ang prosesong pagtitistis upang tanggalin ang pali ay kilala bilang esplenektomíya. Ang trauma, tulad ng banggaan sa kalye, ay maaring madulot ng situwasyon ng pagputok ng pali, na kinakailangan ng agarang atensyong pangmedisina.
Ang puting sapal (white pulp) ay ang bahagi ng pali na binubuo ng tisyung limpatiko, na karamihan nito ay ang mga B limposito. Tinatawag itong puting sapal dahil mas mukha itong puti kaysa pinapalibutang pulang sapal sa nagkukrus na seksyon. Sinasakop nito ang tinatayang 25% ng tisyung pampali
Ang pulang sapal (red pulp) ng pali ay binubuo ng tisyung kumakabit na kilala din sa tawag na mga tali ni Billroth (cords of Billroth) at maraming mga sinusoideng pampali na tinatabunan ng dugo, na nagbibigay dito ng pulang kulay.[6][7] Ang pangunahing tungkulin nito ay salain ang dugo ng mga antiheno, mikroorganismo, at depektibo o sirang pulang selula ng dugo.[8]
Taas | Haba ng pali | |
---|---|---|
Kababaihan | Kalalakihan | |
155–159 cm | 6.4–12 cm | |
160–164 cm | 7.4–12.2 cm | 8.9–11.3 cm |
165–169 cm | 7.5–11.9 cm | 8.5–12.5 cm |
170–174 cm | 8.3–13.0 cm | 8.6–13.1 cm |
175–179 cm | 8.1–12.3 cm | 8.6–13.4 cm |
180–184 cm | 9.3–13.4 cm | |
185–189 cm | 9.3–13.6 cm | |
190–194 cm | 9.7–14.3 cm | |
195–199 cm | 10.2–14.4 cm |
Ang pali, sa malusog na taong adulto, ay tinatayang 7 hanggang 14 centimetro (3 hanggang 5+1⁄2 pul) ang haba.
Ang isang madaling paraan upang matandaan ang anatomiya ng palli ay ang tuntuning 1×3×5×7×9×10×11. Ang pali ay 1 sa 3 sa 5 pulgada (3 sa 8 sa 13 cm), tumitimbang ng tinatayang 7 oz (200 g), at nasa pagitan ng ika-9 at ika-11 tadyang sa kaliwang bahagi at nasa aksis ng ika-10 tadyang. Iba-iba ang bigat na nasa pagitan ng 1 oz (28 g) at 8 oz (230 g) (pamantayang reperensyang saklaw),[10] na pangunahing inuugnay sa taas, bigat ng katawan at antas ng matinding pagsisikip subalit hindi sa kasarian o gulang.[11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.