From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang apdo[1] o abdo[2] (Ingles: gallbladder, gall-bladder, gall bladder[1], cholecyst) ay isang maliit na organo sa loob ng katawang tumutulong sa gawaing panunaw o proseso ng dihestiyon. Ito rin ang nag-iipon ng likidong apdo o apdo lamang (gall o bile sa Ingles[1]), isang mapait na katas na nanggagaling at ginagawa mula sa atay.[1] Kahugis ng prutas na peras ang organong apdo na nasa loob ng puson. Nakapagtatabi ito ng mga 50 mililitro ng maasim o maasidong likidong apdo hanggang sa kailanganin na ito ng katawan para gamitin sa pagtunaw ng pagkain o prosesong dihestibo. Sa tao, may sukat na 7 hanggang 10 sentimetro ang haba ng organong apdo, may maitim na lunti ang kulay na dulot ng nilalaman nitong likidong apdo. Nakaugnay ito sa atay at duodenum sa pamamagitan ng bungkos na makaapdo o rehiyong pang-apdo. Sa ilang sanggunian, nagagamit na pantawag ang "apdo" para sa glandulang pali ng katawan.[3]
Kaugnay ng Bibliya, batay sa paliwanag ni Jose Abriol, isang sagisag ng buhay ang apdo para sa mga Hebreo, sapagkat bukal ito ng dugo. Ito rin ang tanda ng matinding paghihirap.[4] Gayundin, batay sa nakasulat sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 27:34), binibigyan ng mga kabataang babae ng inuming alak na may kahalong apdo ang mga pinahihirapan o pinarurusahan upang mabawasan ang antas o pagkadama ng paghihirap.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.