Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang atay (Ingles: liver) ay isang mahalagang organo na makikita sa mga vertebrate at iba pang mga hayop. Marami itong tungkulin sa mga hayop tulad ng detoksipikasyon, sintesis ng protina, at pagbuo ng mga biokimikal na gamit sa panunaw.
Ang atay ay may mahalagang tungkulin sa metabolismo at may maraming ginagawa sa katawan gaya ng pagimbak ng glycogen, pagsira ng mga pulang selula ng dugo, sintesis ng protinang plasma, at detoksipikasyon. Ang atay rin ang pinakalamaking glandula sa katawan ng tao. Nasa baba ito ng diaphragm sa rehiyong thoracic ng tiyan. Gumagawa rin ito ng bile, isang kompawnd na alkaline na tumutulong sa panunaw sa pamamagitan ng emulsipikasyon ng mga lipido. Tungkulin rin nito ang paggawa at pagsaayos ng mga matataas na bolyum ng ganting biokimikal na gumagamit ng mga spesilisadong tissue.[1]
Ang mga terminong medikal na ginagamit sa atay ay kalimitang nagsisimula sa hepato- o hepatic mula sa Griyegong salita para sa atay, hēpar (ήπαρ).[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.