From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pagtistis o pag-opera ay isang pinagdalubhasaan sa medisina na gumagamit operatibong manwal at pamamaraang pang-instrumento sa mga pasyente upang siyasatin o gamutin ang isang pampatolohiyang kondisyon tulad ng sakit o pinsala, upang tulungang mapabuti ang paggana o itsura ng katawan, o upang isaayos ang mga hindi kanais-nais na nasirang bahagi. Ang pagsasagawa ng pagtistis ay maaring tawaging "pamamaraang kirurhiko", operasyon, o pag-oopera. Sinasagawa ang pagtitistis ng isang surihano.
Ang mga surihano at nagsusulong sa publikong kalusugan, tulad ni Kelly McQueen, ay nilalarawan ang pagtistsi bilang "Kinakailangan sa karapatan sa kalusugan.".[1] Sumasalamin ito sa pagkatatag ng WHO Global Initiative for Emergency and Essential Surgical Care noong 2005,[2] sa pagbuo noong 2013 ng Lancet Commission for Global Surgery,[3] sa limbag noong 2015 ng Bangkong Pandaigdig na Bolyum 1 na pinamagatang Disease Control Priorities. Essential Surgery,[4] at sa pagpasa ng 68.15 na bahagdan noong 2015 sa World Health Assembly ng Resolution for Strengthening Emergency and Essential Surgical Care and Anesthesia as a Component of Universal Health Coverage.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.