Anatomiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang dalubkatawan,[1] katwanan,[2] o anatomiya (Ingles: anatomy; na galing sa salitang Griyegong anatome, galing sa ana-temnein na nangangahulugang gupitin), ay isang sangay ng biyolohiya na ukol sa kayarian at kaayusan ng katawan ng mga nabubuhay. Sa madaling sabi, ito ang "agham ng kayarian ng katawan".[3] Mayroong anatomiyang panghayop, o sootomiya, at anatomiyang panghalaman, o pitonomiya. Ang mga pangunahing bahagi ng dalubkatawan ay ang anatomiyang hinambing at ang anatomiya ng tao. Ang antropolohikal na anatomiya o anatomiyang pisikal ay ang pag-aaral at ang paghahambing ng katawan ng iba't ibang lahi ng tao (Caucasoid, Negroid, at Mongoloid).
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.