Sa karaniwang paggamit, inilalarawan ng pagbabago ng klima ang pag-init ng mundo—ang patuloy na pagtaas ng katamtamang temperatura sa buong mundo—at ang mga epekto nito sa sistema ng klima ng Daigdig. Kasama rin sa mas malawak na kahulugan ng pagbabago ng klima ang mga nakaraang pangmatagalang pagbabago sa klima ng Daigdig. Pangunahing sanhi ng kasalukuyang pagtaas sa pandaigdigang katamtamang temperatura ang pagsunog ng mga tao ng mga panggatong na posil mula noong Rebolusyong Industriyal.[3][4] Nagdaragdag sa mga gas ng greenhouse ang paggamit ng panggatong na posil, deporestasyon, at ilang gawaing pang-agrikultura at pang-industriya.[5]Sumisipsip ng ilan sa init ang mga gas na ito na inilalabas ng Daigdig pagkatapos itong uminit mula sa sikat ng araw, na nagpapainit sa mas mababang atmospera. Ang diyoksidong karbono, ang pangunahing gas na greenhouse na nagtutulak ng pag-init ng mundo, ay lumaki ng humigit-kumulang 50% at nasa antas na hindi nakikita sa loob ng milyun-milyong taon.[6]
Ang pagbabago ng klima ay may lalong malaking epekto sa kapaligiran. Lumalawak ang mga disyerto, habang nagiging mas karaniwan ang matinding init at sunog sa ilang.[7] Nag-ambag ang pinalakas na pag-init sa Artiko sa pagtunaw ng permafrost, pag-urong ng mga glasyar at pagbaba ng yelo sa dagat.[8] Nagdudulot din ang mas mataas na temperatura ng mas matinding bagyo, tagtuyot, at iba pang matinding lagay ng panahon.[9] Napupuwersa ng mabilis na pagbabagong pangkapaligiran sa mga bundok, bahurang koral, at Artiko ang maraming uri ng hayop na lumipat o malipol.[10] Kahit na maging matagupay ang mga pagsisikap na mabawasan ang pag-init sa hinaharap, magpapatuloy ang ilang mga epekto sa loob ng maraming dantaon. Kabilang dito ang pag-init ng karagatan, pag-aasido ng karagatan at pagtaas ng lebel ng dagat.[11]
Binabantaan ng pagbabago ng klima ang mga tao ng dagdag na pagbaha, matinding init, pagtaas ng kakulangan sa pagkain at tubig, mas maraming sakit, at pagkaluging ekonomiko. Maaring magresulta ito ng migrasyon at hindi pagkakasundo ng mga tao.[12] Tinatawag ng World Health Organization (WHO, o Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan) ang pagbabago ng klima bilang pinakamalaking banta sa kalusugan ng mundo sa ika-21 dantaon.[13] Nakakaranas ang mga lipunan at ekosistema ng mas matitinding panganib sa walang aksyon upang limitahan ang pag-init.[14] Bahagyang binabawasan ang mga panganib ng pag-angkop sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng mga pagsisikap tulad ng mga hakbang sa pagkontrol sa baha o mga pananim na lumalaban sa tagtuyot, bagama't naabot na ang ilang limitasyon sa pag-aangkop.[15] Responsable ang mga mahihirap na komunidad sa maliit na bahagi ng mga pandaigdigang emisyon, subalit sila ang may pinakamaliit na kakayahang umangkop at pinakaapektado sa pababago ng klima.[16][17]
Mga halimbawa ng ilang epekto ng pagbabago ng klima: Tumindi ang sunog sa ilang sa pamamagitan ng init at tagtuyot, pagpapaputi ng mga korales na nangyayari nang mas madalas dahil sa matinding init sa dagat, at lumalalang tagtuyot na nakompromiso ang mga panustos ng tubig.
Maraming epekto sa pagbabago ng klima ang naramdaman nitong mga nakaraang taon, na ang 2023 ang pinakamainit na naitala sa +1.48°C (2.66°F) mula nang magsimula ang regular na pagsubaybay noong 1850.[19][20] Itataas ng karagdagang pag-init ang mga epektong ito at maaaring magpalitaw ng mga sandaling kritikal, gaya ng pagtunaw ng lahat ng yelo sa Groenlandiya.[21] Sa ilalim ng Kasunduang Paris ng 2015, kolektibong nagkasundo ang mga bansa na panatilihin ang pag-iinit na "mabuting nasa ilalim ng 2°C". Gayunpaman, sa mga pangakong ginawa sa ilalim ng Kasunduan, aabot pa rin ang pag-init ng mundo sa humigit-kumulang 2.7°C (4.9°F) sa pagtatapos ng dantaon.[22] Mangangailangan ang paglilimita sa pag-init sa 1.5°C ng pagbabawas ng mga emisyon sa 2030 at pagkamit ng mga emisyong netong-sero sa 2050.[23]
Maaring ihinto ang paggamit ng panggatong na posil sa pamamagitan ng pagtitipid ng enerhiya at paglipat sa mga mapagkukunan ng enerhiya na hindi gumagawa ng malaking polusyong karbon. Ang mga pinagmumulan ng enerhiya ng mga ito ay kinabibilangan ng hangin, araw, tubig, at lakas nukleyar.[24][25] Maaaring palitan ng malinis na enerhiya ang mga panggatong na posil para sa pagpapagana ng transportasyon, pagpainit ng mga gusali, at pagpapatakbo ng mga prosesong pang-industriya.[26] Maaari ding alisin ang karbon sa atmospera, halimbawa sa pamamagitan ng pagdagdag ng tinatakpan ng kagubatan at pagsasaka gamit ang mga pamamaraan na kumukuha ng karbon sa lupa.[27][28]
Mga tala ng temperatura bago ang pag-init ng mundo
Sa nakalipas na ilang milyong taon, nag-ebolusyon ang mga tao sa isang klima na umikot sa panahon ng yelo, na may katamtamang temperatura sa buong mundo na nasa pagitan ng 1°C mas mainit at 5–6°C mas malamig kaysa sa kasalukuyang mga antas.[31][32] Ang isa sa mga mas mainit na panahon ay ang Huling Interglasyal sa pagitan ng 115,000 at 130,000 taon na ang nakalilipas, nang 6 hanggang 9 na metro ang antas ng dagat na mas mataas kaysa ngayon.[33] Ang pinakahuling pinakamataas na glasyal na 20,000 taon na ang nakakaraan ay may mga antas ng dagat na humigit-kumulang 125 metro (410tal) mas mababa kaysa ngayon.[34]
Namalagi ang mga temperatura sa kasalukuyang panahong interglasyal simula 11,700 taon na ang nakakaraan.[35] Ang mga makasaysayang huwaran ng pag-init at paglamig, tulad ng Panahong Mainit na Medyebal at ang Maliit na Panahong Yelo, ay hindi nangyari nang sabay-sabay sa iba't ibang rehiyon. Maaring umabot ang mga temperatura ng kasing taas ng mga nasa huling bahagi ng ika-20 dantaon sa isang limitadong hanay ng mga rehiyon.[36] Nagmumula ang impormasyon ng klima para sa panahong iyon sa mga panghalili ng klima, tulad ng mga puno at mga gitna ng yelo.[37]
Pag-init mula noong Rebolusyong Industriyal
Humigit-kumulang noong 1850, nagsimula ang mga tala ng termometro na magbigay ng pandaigdigang saklaw.[40] Sa pagitan ng ika-18 dantaon at 1970, nagkaroon ng kaunting netong pag-init, dahil binawi ang epekto ng pag-init ng mga emisyon ng gas na greenhouse ng paglamig mula sa emisyon ng mga diyoksidong asupre. Nagdudulot ang diyoksidong asupre ng ulang asido, subalit gumagawa din ito ng erosol na sulpato sa atmospera, na ninirepleksyon ang sikat ng araw at nagiging sanhi ng tinatawag na pangdaigdigang pagdidilim. Pagkatapos ng 1970, humantong ang pagtaas ng akumulasyon ng mga gas na greenhouse at mga kontrol sa polusyon ng asupre sa isang markadong pagtaas ng temperatura.[41][42][43]
Ang mga patuloy na pagbabago sa klima ay walang naunang huwaran sa loob ng ilang libong taon.[44] Ipinapakita ng lahat ng maramihang mga independiyenteng set ng datos ang pandaigdigang pagtaas ng temperatura sa ibabaw,[45] sa bilis na humigit-kumulang 0.2°C bawat dekada.[46] Ang dekada ng 2013–2022 ay uminit sa katamtamang 1.15°C [1.00–1.25°C] kumpara sa pinagbabatayang bilang bago ang pre-industriyal (1850–1900).[47] Hindi lahat ng taon ay mas mainit kaysa sa nakaraan: maaring gumawa ang mga proseso ng pagkakaiba-iba ng panloob na klima ng anumang taon na 0.2°C mas mainit o mas malamig kaysa sa karaniwan.[48] Mula 1998 hanggang 2013, ang mga negatibong yugto ng dalawang naturang proseso, ang Pacific Decadal Oscillation (PDO, Pamsampung-taong Osilasyon sa Pasipiko)[49] at Atlantic Multidecadal Oscillation (AMO, Pamsampung-taong Osilasyon sa Atlantiko)[50] ay nagdulot ng tinatawag na "pahinga ng pag-init ng mundo".[51] Pagkatapos ng pahinga, kabaligtaran ang nangyari, na may mga taon tulad ng 2023 na nagpapakita ng mga temperatura na mas mataas kahit sa kamakailang katamtaman.[52] Ito ang dahilan kung bakit tinukoy ang pagbabago ng temperatura sa mga tuntunin ng isang 20-taong katamtaman, na binabawasan ang ingay ng mainit at malamig na taon at mga huwarang kada dekadang klima, at nakita ang pangmatagalang hudyat.[53]:5[54]
Ang isang malawak na hanay ng iba pang mga obserbasyon ay nagpapatibay sa katibayan ng pag-init.[55][56] Lumalamig ang itaas na atmospera, dahil nakakakuha ang mga gas na greenhouse ng init malapit sa ibabaw ng Daigdig, at kaya mas kaunting init ang lumalabas sa kalawakan.[57] Binabawasan ng pag-init ang karaniwang pagtakip ng niyebe at pinipilit ang pag-urong ng mga glasyar. Kasabay nito, nagdudulot din ang pag-init ng mas malaking ebaporasyon mula sa mga karagatan, na humahantong sa higit na halumigmig sa atmospera, higit at mas malakas na pag-ulan.[58] Ang mga halaman ay namumulaklak nang mas maaga sa tagsibol, at libu-libong uri ng hayop ang permanenteng lumilipat sa mas malalamig na lugar.[59]
Mga pagkakaiba ayon sa rehiyon
Umiinit ang iba't ibang rehiyon ng mundo sa iba't ibang antas. Malaya ang huwaran sa kung saan ibinubuga ang mga gas na greenhouse, dahil nanatili ang mga gas sa sapat na katagalan upang kumalat sa buong planeta. Mula noong panahon ng pre-industriyal, tumaas ang katamtamang temperatura sa ibabaw sa mga rehiyon ng lupa nang halos dalawang beses nang mas mabilis kaysa sa pandaigdigang katamtamang temperatura sa ibabaw.[60] Dahil ito sa nawawalan ang mga karagatan ng mas maraming init sa pamamagitan ng ebaporasyon at maaaring mag-imbak ng maraming init ang mga karagatan.[61] Lumago ang enerhiyang termal sa pandaigdigang sistema ng klima na may mga maikling paghinto lamang mula noong hindi bababa sa 1970, at higit sa 90% ng sobrang enerhiya na ito ay naimbak sa karagatan.[62][63] Ang iba ay nagpainit sa kapaligiran, natunaw ang yelo, at nagpainit sa mga lupalop.[64]
Ang Hilagang Emisperyo at ang Hilagang Polo ay mas mabilis na uminit kaysa sa Polong Timog at Katimugang Emisperyo. Hindi lamang may mas maraming lupain ang Hilgang Emisperyo, kundi pati na rin ang mas pana-panahong pagtakip ng niyebe at yelo sa dagat. Habang lumilipat ang mga ibabaw na ito mula sa pagpapakita ng maraming liwanag hanggang sa pagiging madilim pagkatapos matunaw ang yelo, nagsisimula silang sumipsip ng mas maraming init.[65] Nakakaambag din ang mga lokal na deposito ng itim na karbon sa niyebe at yelo sa pag-init ng Artiko.[66] Tumaas ang mga temperatura sa ibabaw ng Artiko sa pagitan ng tatlo at apat na beses na mas mabilis kaysa sa ibang bahagi ng mundo.[67][68][69] Nagpapahina sa parehong sangang Atlantiko at Antartiko ng sirkulasyong termohalino ang pagtunaw ng mga piraso ng yelo malapit sa mga polo, na higit na nagbabago sa distribusyon ng init at presipitasyon sa buong mundo.[70][71][72][73]
Mga panghinaharap na temperatura sa daigdig
Tinataya ng World Meteorological Organization (Pandaigdigang Organisasyong Meteorolohikal) ang 66% na posibilidad ng pandaigdigang temperatura na lumampas sa 1.5°C pag-init mula sa pinagbatayang bilang noong pre-industriyal nang hindi bababa sa isang taon sa pagitan ng 2023 at 2027.[74][75] Dahil gumagamit ang Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC, Pangkat Intergobermental sa Pagbabago ng Klima) ng 20-taong katamtaman upang tukuyin ang mga pagbabago sa temperatura sa buong mundo, ang isang taon na lumalagpas sa 1.5°C ay hindi lumalabag sa limitasyon.
Inaasahan ng IPCC na lalampas sa +1.5°C ang katamtamang temperatura sa buong mundo sa loob ng 20 taon sa unang bahagi ng dekada 2030.[76] Ang IPCC Sixth Assessment Report (Ikaanim na Ulat ng Pagtatasa) ng 2023 ay may kasamang mga proyeksyon na sa 2100 na malamang umabot ang pag-init ng daigdig sa 1.0-1.8°C sa ilalim ng isang senaryo na may napakababang emisyon ng mga gas ng greenhouse, 2.1-3.5°C sa ilalim ng isang senaryo na may intermedyang emisyon, o 3.3-5.7°C sa ilalim ng napakataas na senaryo ng emisyon.[77] Sa senaryong intermedya at napakataas na emisyon, magpapatuloy ang pag-init sa pagkalampas ng 2100.[78][79]
Ang natitirang badyet ng karbon para sa pananatili sa ilalim ng ilang partikular na pagtaas ng temperatura ay tinutukoy sa pamamagitan ng pagmomodelo sa siklo ng karbon at pagiging sensitibo sa klima sa mga gas ng greenhouse.[80] Ayon sa IPCC, maari ang pag-init ng mundo na panatilihing mababa sa 1.5°C na may dalawang-ikatlong pagkakataon kung hindi lalampas ang mga emisyon pagkatapos ng 2018 sa 420 o 570 gigatonelada ng CO2 (diyoksidong karbono). Tumutugma ito sa 10 hanggang 13 taon ng kasalukuyang mga emisyon. Mayroong mataas na kawalan ng katiyakan tungkol sa badyet. Halimbawa, maaaring mas maliit ito ng 100 gigatonelada ng katumbas ng CO2 dahil sa paglabas CO2 at metano mula sa permafrost at mga lupaing basa (wetland).[81] Gayunpaman, malinaw na ang mga mapagkukunan ng panggatong na posil ay kailangang proaktibo na panatilihin sa lupa upang maiwasan ang malaking pag-init. Kung hindi, hindi mangyayari ang kanilang mga kakulangan hanggang nakakandado na ang mga emisyon sa mga makabuluhang pangmatagalang epekto.[82]
Ang sistema ng klima ay nakakaranas ng iba't ibang mga siklo sa sarili nito, na maaaring tumagal ng maraming taon, dekada o kahit na dantaon. Halimbawa, nagdudulot ang mga kaganapan sa El Niño ng panandaliang pagtaas ng temperatura sa ibabaw habang nagdudulot ang mga kaganapan sa La Niña ng panandaliang paglamig.[83] Makaapekto ang kanilang relatibong dalas sa mga pandaigdigang pagkahilig ng temperatura sa isang dekadang na sukat ng oras.[84] Ang iba pang mga pagbabago ay sanhi ng kawalan ng balanse ng enerhiya mula sa mga panlabas na puwersa.[85] Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga pagbabago sa mga konsentrasyon ng mga gas ng greenhouse, kaningningan ng araw, pagsabog ng bulkan, at mga pagkakaiba-iba sa orbita ng Daigdig sa paligid ng Araw.[86]
Upang matukoy ang kontribusyon ng tao sa pagbabago ng klima, binuo ang mga natatanging "bakas" para sa lahat ng potensyal na dahilan at inihahambing sa parehong naobserbahang mga huwaran at kilalang panloob na pagkakaiba-iba ng klima.[87] Halimbawa, ang pagpupuwersa ng araw—na nagsasangkot ng bakas ng pag-init ng buong atmospera—ay ibinukod dahil ang mas mababang temperatura lamang ang umiinit.[88] Gumagawa ang mga erosol pang-atmospera ng mas maliit ng epekto pagpapalamig. Ang ibang tagatulak, gaya ng mga pagbabago sa albedo, ay hindi gaanong nakakaapekto.[89]
Mga epekto sa kapaligiran
Ang mga epekto sa kapaligiran ng pagbabago ng klima ay malawak at malayo ang naabot, na nakakaapekto sa mga karagatan, yelo, at lagay ng panahon. Maaaring mangyari ang mga pagbabago nang unti-unti o mabilis. Nagmumula ang ebidensya para sa mga epektong ito sa pag-aaral ng pagbabago ng klima sa nakaraan, mula sa pagmomodelo, at mula sa mga modernong obserbasyon.[90] Mula noong dekada 1950, lumitaw ang mga tagtuyot at mga matinding init nang sabay-sabay na may pagtaas ng dalas.[91] Tumaas ang labis na basa o tuyo na mga kaganapan sa panahon ng tag-ulan sa Indya at Silangang Asya.[92] Tumaas ang presipitasyong pang-balaklaot sa Hilagang Emisperyo mula noong 1980.[93] Malamang na tumaas ang antas ng pag-ulan at intensidad ng mga unos at bagyo,[94] at malamang na lumalawak ang heograpikong sakop papuntang polo bilang tugon sa pag-init ng klima.[95] Ang dalas ng mga tropikal na bagyo ay hindi tumaas bilang resulta ng pagbabago ng klima.[96]
Ang pandaigdigang antas ng dagat ay tumataas bilang resulta ng ekspansyong termal at ang pagkatunaw ng mga glasyar at yelo. Sa pagitan ng 1993 at 2020, tumaas ang pag-angat ng antas ng dagat sa paglipas ng panahon, na may katamtamang 3.3±0.3mm bawat taon.[98] Sa paglipas ng ika-21 dantaon, tinuos ng IPCC ang 32–62sentimetro ng pagtaas ng lebel ng dagat sa ilalim ng mababang senaryo ng paglabas, 44–76sentimetro sa ilalim ng isang intermediya at 65–101sentimetro sa ilalim ng napakataas na senaryo ng emisyon.[99] Ang mga proseso ng kawalang-katatagan ng piraso ng yelong marino sa Antartika ay maaaring magdagdag ng malaki sa mga halagang ito,[100] kabilang ang posibilidad ng 2-metro na pagtaas ng lebel ng dagat sa 2100 sa ilalim ng mataas na emisyon.[101]
Ang pagbabago ng klima ay humantong sa mga dekada ng pagliit at pagnipis ng yelo sa dagat ng Artiko.[102] Habang inaasahang bihira ang mga tag-init na walang yelo sa 1.5°C digri ng pag-init, nakatakda ang mga ito mangyari minsan tuwing tatlo hanggang sampung taon sa antas ng pag-init na 2°C.[103] Nagdudulot ang mas mataas na konsentrasyon CO2 sa atmospera ng mas maraming CO2 na natunaw sa mga karagatan, na ginagawang mas maasido ang mga ito.[104] Dahil hindi gaanong natutunaw ang oksihena sa mas maiinit na tubig,[105] bumababa ang mga konsentrasyon nito sa karagatan, at lumalawak ang mga patay na sona.[106]
Kalikasan at buhay-ilang
Ang kamakailang pag-init ay nagtulak sa maraming espesyeng panlupa at tubig-tabang sa tungong polo at patungo sa mas matataas na lugar.[107] Halimbawa, lumipat pahilaga ang hanay ng daan-daang mga ibon sa Hilagang Amerika sa katamtamang bilis na 1.5km/taon sa nakalipas na 55 taon.[108] Nagdulot ang mas mataas na antas CO2 sa atmospera at isang pinahabang panahon ng paglaki sa pandaigdigang paglulunti. Gayunpaman, nagpahaba ang mga matinding init at tagtuyot ng produktibidad ng ekosistema sa ilang rehiyon. Hindi malinaw ang balanse sa hinaharap ng mga salungat na epekto na ito.[109] Ang isang kaugnay na penomena na hinihimok ng pagbabago ng klima ay ang paghihimasok ng halamang makahoy, na nakakaapekto sa hanggang 500 milyong ektarya sa buong mundo.[110] Nag-aambag ang pagbabago ng klima sa pagpapalawak ng mga tuyong sona ng klima, tulad ng pagpapalawak ng mga disyerto sa mga subtropika.[111] Mas malamang na gumagawa ng mga biglaang pagbabago sa mga ekosistema ang laki at bilis ng pag-init ng mundo.[112] Sa pangkalahatan, inaasahan na magreresulta ang pagbabago ng klima sa pagkalipol ng maraming uri ng hayop.[113]
Ang mga karagatan ay uminit nang mas mabagal kaysa sa lupa, subalit lumipat ang mga halaman at hayop sa karagatan patungo sa mas malamig na mga polo nang mas mabilis kaysa sa mga espesye sa lupa.[114] Tulad ng sa lupa, nagaganap ang mga matinding init sa karagatan nang mas madalas dahil sa pagbabago ng klima, na pumipinsala sa malawak na hanay ng mga organismo tulad ng mga koral, kelpo (uri ng halamang-dagat), at mga ibong-dagat.[115] Mas nagpapahirap ang pag-aasido ng karagatan sa mga organismong pandagat na nagkakalsiyo tulad ng tahong, taliptip at koral na gumawa ng mga kabibi at kalansay; at pinaputla ng mga matinding init ang mga korales.[116] Ang mga mapaminsalang pamumukadkad ng alga na pinahusay ng pagbabago ng klima at eutropikasyon ay nagpapababa ng antas ng oksihena, nakakagambala sa mga interkoneksyon ng pagkain at nagdudulot ng malaking pagkawala ng buhay sa dagat.[117] Nasa ilalim ng partikular na istres ang mga ekosistema sa baybayin. Halos kalahati ng pandaigdigang basang lupa ang nawala dahil sa pagbabago ng klima at iba pang epekto ng tao.[118] Sumailalim ang mga halaman sa mas mataas na istres mula sa pinsala ng mga insekto.[119]
Pag-init ng Artiko. Pinahina ng paglusaw ng permafrost ang imprastraktura at naglabas ng metano, isang gas na greenshouse.[122]
Pagkawask ng tirahan ng hayop. Maraming mga hayop ang umaasa sa yelo ng dagat, na nawawala na sa pag-init ng Artiko.[123]
Pagpapalaganap ng peste. Pinapahintulot ng katamtamang tagniyebe ng mas maraming eskarabahong pino (o pine beetle) na manatiling buhay upang puksain ang malaking impresyon ng gubat.[124]
Mga tao
Ang mga epekto ng pagbabago ng klima ay nakakaapekto sa mga tao saanman sa mundo.[126] Maaaring maobserbahan ang mga epekto sa lahat ng mga lupalop at mga rehiyon ng karagatan,[127] na may mababang latitud, hindi gaanong maunlad na mga lugar na nahaharap sa pinakamalaking panganib.[128] Ang patuloy na pag-init ay may potensyal na "malubha, malaganap at hindi maibabalik na mga epekto" para sa mga tao at ekosistema.[129] Hindi pantay na ipinamamahagi ang mga panganib, subalit sa pangkalahatan, mas malaki para sa mga taong mahihirap sa mga umuunlad at mauunlad na bansa.[130]
Pagkain at kalusugan
Tinatawag ng World Health Organization (WHO, Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan) ang pagbabago ng klima bilang pinakamalaking banta sa kalusugan ng mundo sa ika-21 dantaon.[131] Humahantong ang matinding lagay ng panahon sa pinsala at pagkawala ng buhay.[132] Mas madaling naililipat ang iba't ibang mga nakakahawang sakit sa isang mas mainit na klima, tulad ng lagnat na dengue at malarya.[133] Maari humantong ang mga pagkabigo sa pananim sa kakulangan sa pagkain at malnutrisyon, partikular na nakakaapekto sa mga bata.[134] Parehong mga bata at matatandang tao ang madaling kapitan ng matinding init.[133] Tinatantya ng WHO na sa pagitan ng 2030 at 2050, magdudulot ang pagbabago ng klima ng humigit-kumulang 250,000 karagdagang pagkamatay bawat taon. Sinuri nila ang mga pagkamatay mula sa pagkakalantad sa init sa mga matatanda, pagtaas ng pagtatae, malarya, dengue, pagbaha sa baybayin, at malnutrisyon sa pagkabata.[135] Sa pamamagitan ng 2100, maaaring harapin ng 50% hanggang 75% ng pandaigdigang populasyon ang mga kondisyon ng klima na nagbabanta sa buhay dahil sa pinagsamang epekto ng matinding init at halumigmig.[136]
Ang pagbabago ng klima ay nakakaapekto sa seguridad ng pagkain. Nagdulot ito ng pagbawas sa pandaigdigang ani ng mais, trigo, at balatong sa pagitan ng 1981 at 2010.[137] Maaaring higit pang mabawasan ng pag-init sa hinaharap ang pandaigdigang ani ng mga pangunahing pananim.[138] Malamang na negatibong maaapektuhan ang produksyon ng pananim sa mga bansang mababa ang latitud, habang maaaring positibo o negatibo ang mga epekto sa hilagang latitud.[139] Hanggang sa karagdagang 183 milyong tao sa buong mundo, lalo na ang mga may mababang kita, ay nasa panganib ng gutom bilang resulta ng mga epektong ito.[140] Ang pagbabago ng klima ay nakakaapekto rin sa populasyon ng isda. Sa buong mundo, mas kaunti ang makukuha sa pangingisda.[118] Ang mga rehiyong umaasa sa tubig-glasyar, mga rehiyong tuyo na, at maliliit na pulo ay may mas mataas na panganib ng istres sa tubig dahil sa pagbabago ng klima.[141]
Kabuhayan at hindi pagkakapantay-pantay
Ang mga pinsala sa ekonomiya dahil sa pagbabago ng klima ay maaaring malubha at may posibilidad ng mga mapaminsalang kahihinatnan.[142] Inaasahan ang matinding epekto sa Timog-silangang Asya at Aprikang sub-Sahariyanon, kung saan ang karamihan sa mga lokal na naninirahan ay umaasa sa likas na yaman at agrikultura.[143][144] Maaaring hadlangan ng istres sa init ang mga manggagawa nagtatrabaho sa labas. Kung umabot ang pag-init sa 4°C, maari mabawasan ang kapasidad ng paggawa sa mga rehiyong iyon ng 30% hanggang 50%.[145] Tinatataya ng Bangkong Pandaigdig na sa pagitan ng 2016 at 2030, maaaring magdala ang pagbabago ng klima ng higit sa 120 milyong mga tao sa matinding kahirapan nang walang adaptasyon.[146]
Ang hindi pagkakapantay-pantay batay sa kayamanan at katayuan sa lipunan ay lumala dahil sa pagbabago ng klima.[147] Ang mga pangunahing paghihirap sa pagpapagaan, pag-angkop sa, at pagbawi mula sa mga pagkabigla sa klima ay kinakaharap ng mga marhinadong tao na mas mababa ang kontrol sa mga mapagkukunan.[148][149] Haharap ang mga katutubo, na nabubuhay sa kanilang lupain at ekosistema, sa panganib sa kanilang kalusugan at pamumuhay dahil sa pagbabago ng klima.[150] Napagpasyahan ng isang ekspertong paghugot na ang papel ng pagbabago ng klima sa armadong tunggalian ay maliit kumpara sa mga salik tulad ng hindi pagkakapantay-pantay ng sosyo-ekonomiko at mga kakayahan ng estado.[151]
Habang ang mga kababaihan ay hindi likas na mas nasa panganib mula sa pagbabago ng klima at mga pagkabigla, pumipigil sa kanilang kakayahang umangkop at maging matatag ang mga limitasyon sa mga mapagkukunan ng kababaihan at mga diskriminasyong pamantayan ng kasarian.[152] Halimbawa, may posibilidad ang mga pasanin sa trabaho ng kababaihan, kabilang ang mga oras na nagtrabaho sa agrikultura, na bumaba nang mas mababa kaysa sa mga lalaki sa panahon ng pagkabigla sa klima tulad ng istres sa init.[152]
Paglipat dahil sa klima
Ang mga mabababang pulo at mga pamayanan sa baybayin ay nanganganib sa pagtaas ng lebel ng dagat, na ginagawang mas karaniwan ang pagbaha sa lungsod. Minsan, permanenteng nawala ang lupa sa dagat.[153] Maari itong humantong sa kawalan ng estado para sa mga tao sa mga islang bansa, gaya ng Maldibas at Tuvalu.[154] Sa ilang rehiyon, ang pagtaas ng temperatura at halumigmig ay maaaring masyadong matindi para sa mga tao na umangkop.[155] Sa pinakamasamang kaso ng pagbabago ng klima, ipinapalabas ng mga modelo na halos isang-katlo ng sangkatauhan ang maaaring manirahan sa tulad ng Saharang klima na hindi matitirahan at napakainit na klima.[156]
Ang mga salik na ito ay maaaring magdulot paglipat dahil sa klima o kapaligiran, sa loob at pagitan ng mga bansa.[157] Mas maraming tao ang inaasahang malilikas dahil sa pagtaas ng lebel ng dagat, matinding lagay ng panahon at salungatan mula sa pagtaas ng kompetisyon sa likas na yaman. Ang pagbabago ng klima ay maaari ring magpapataas ng kahinaan, na humahantong sa "mga nakulong na populasyon" na hindi makagalaw dahil sa kakulangan ng mga mapagkukunan.[158]
Epekto pagbabago ng klima sa mga tao
Migrasyong pangkapaligiran. Nagdudulot ang mas kaunting bagsak ng ulan sa pagiging disyerto na pinipinsala ang agrikultura at maaring mapaalis ang mga populasyon. Ipinapakita: Telly, Mali (2008).[159]
Mga pagbabagong pang-agrikultura. Ang mga tagtuyot, pagtaas ng mga temperatura, at matinding lagay ng panahon ay negatibong nakakaapekto sa agrikultura. Ipinapakita: Texas, Estados Unidos (2013).[160]
Pagbaha dulot ng pagtaas ng tubig. Tinataas ng pag-akyat ng antas ng dagat ang pagbaha sa mabababang lugar sa rehiyong baybayin. Ipinakita: Venicia, Italya (2004).[161]
Pagkatindi ng bagyo. Ang Bangladesh pagkatapos ng Bagyong Sidr (2007) ay isang halimbawa ng sakunang pagbaha mula sa pinataas na bagsak ng ulan.[162]
Pagkatindi ng init. Nagiging karaniwan ang matinding init tulad ng Matinding Init sa Katimugang Cone ng 2022.[163]
Ang pagbabago ng klima ay maaaring pagaanin sa pamamagitan ng pagbabawas ng takbo ng paglabas ng mga gas greenhouse sa atmospera, at sa pamamagitan ng pagtaas ng bilis ng pag-alis ng diyoksidong karbono sa atmospera.[164] Upang limitahan ang pag-init ng mundo mas mababa sa 1.5°C kailangan maging netong-sero ang pangadigdigang emisyon ng gas na greenhouse pagsapit ng 2050, o pagsapit ng 2070 na may 2°C na target.[165] Nangangailangan ito ng malawak at sistematikong mga pagbabago sa hindi pa nagagawang sukat sa enerhiya, lupa, lungsod, transportasyon, gusali, at industriya.[166]
Tinatataya ng United Nations Environment Programme (Programa sa Kapaligiran ng mga Nagkakaisang Bansa) na kailangang triplehin ng mga bansa ang kanilang mga pangako sa ilalim ng Kasundaan sa Paris sa loob ng susunod na dekada upang limitahan ang pag-init ng mundo sa 2°C. Kinakailangan ang isang mas mataas na antas ng pagbabawas upang matugunan ang 1.5°C na layunin.[167] Sa mga pangakong ginawa sa ilalim ng Kasunduan sa Paris noong Oktubre 2021, magkakaroon pa rin ang pag-init ng mundo ng 66% na pagkakataon na umabot sa humigit-kumulang 2.7°C (saklaw: 2.2–3.2°C) sa pagtatapos ng siglo.[168] Sa buong mundo, magdudulot ang paglilimita sa pag-init sa 2°C ng mas mataas na mga benepisyong pang-ekonomiya kaysa sa mga gastos sa ekonomiya.[169]
Bagaman walang iisang landas upang limitahan ang pag-init ng mundo sa 1.5 o 2°C,[170] nakakakita ang karamihan sa mga sitwasyon at estratehiya ng malaking pagtaas sa paggamit ng nababagong enerhiya kasabay ng pagtaas ng mga hakbang sa kahusayan ng enerhiya upang makabuo ng mga kinakailangang pagbabawas ng gas na greenhouse.[171] Upang mabawasan ang mga panggigipit sa mga ekosistema at mapahusay ang kanilang mga kakayahan sa pagsamsam ng karbon, kinakailangan din ang mga pagbabago sa agrikultura at kagubatan,[172] tulad ng pagpigil sa deporestasyon at pagpapanumbalik ng mga natural na ekosistema sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kagubatan.[173]
Ang iba pang mga diskarte sa pagpapagaan ng pagbabago ng klima ay may mas mataas na antas ng panganib. Tipikal na pinoproyeksyon ng mga situwasyong naglilimita sa pag-init ng mundo sa 1.5°C ang malawakang paggamit ng mga paraan ng pag-alis ng diyoksidong karobono noong ika-21 siglo.[174] Gayunpaman, may mga alalahanin tungkol sa labis na pag-asa sa mga teknolohiyang ito, at mga epekto sa kapaligiran.[175] Isa ring posibleng suplemento ang solar radiation modification (SRM, pagbabago sa radyasyon ng araw) sa malalim na pagbawas sa mga emisyon. Gayunpaman, nagkakaroon ang SRM ng mga makabuluhang etikal at legal na alalahanin, at hindi lubos na nauunawaan ang mga panganib.[176]
Malinis na enerhiya
Ang nababagong enerhiya ay susi sa paglilimita sa pagbabago ng klima.[178] Sa loob ng mga dekada, umabot ang mga panggatong na posil sa humigit-kumulang 80% ng paggamit ng enerhiya sa mundo.[179] Nahati ang natitirang bahagi nahati sa pagitan ng lakas nukleyar at mga renewable o nababago (kabilang ang lakas-ng-tubig, biyoenerhiya, lakas ng hangin at araw, at enerhiyang heotermal).[180] Inaasahang tataas ang paggamit ng panggatong na posil sa ganap na mga tuntunin bago ang 2030 at bababa pagkatapos bababa, na nakakaranas ang paggamit ng karbon ng pinakamatalas na pagbawas.[181] Kinakatawan ng mga nababago ang 75% ng lahat ng bagong henerasyon ng kuryente na naitayo noong 2019, halos lahat ng enerhiyang pang-araw at hangin.[182] Ang iba pang mga anyo ng malinis na enerhiya, tulad ng nukleyar at hydropower o lakas-ng-tubig, ay kasalukuyang may mas malaking bahagi ng panustos ng enerhiya. Gayunpaman, lumilitaw na limitado ang kanilang mga pagtaya sa paglago sa hinaharap kung ihahambing.[183]
Habang kabilang na ngayon ang mga solar panel (tablang solar) at hangin sa pampang mga pinakamurang paraan ng pagdaragdag ng bagong kapasidad ng pagbuo ng kuryente sa maraming lokasyon,[184] kailangan ang mga patakaran sa enerhiyang lunti upang makamit ang isang mabilis na paglipat mula sa panggatong na posil patungo sa mga nababago.[185] Upang makamit ang neutralidad ng karbon pagsapit ng 2050, ang enerhiyang nababago ang magiging dominanteng anyo ng pagbuo ng kuryente, na tataas sa 85% o higit pa sa 2050 sa ilang mga situwasyon. Aalisin ang pamumuhunan sa karbon at halos ihihinto ang paggamit ng karbon pagsapit ng 2050.[186][187]
Ang elektrisidad na nabuo mula sa mga nababagong mapagkukunan ay kailangan ding maging pangunahing mapagkukunan ng enerhiya para sa pagpaiinit at transportasyon.[188] Maaaring lumipat ang transportasyon mula sa panloob na makinang kombustyon na mga sasakyan at patungo sa mga de-kuryenteng sasakyan, pampublikong sasakyan, at aktibong transportasyon (pagbibisikleta at paglalakad).[189][190] Para sa pagpapadala at paglipad, mababawasan ng mga panggatong na may mababang-karbon ang mga emisyon.[189] Ang pag-init ay maaaring lalong matanggalan ng karbon sa mga teknolohiya tulad ng mga bomba sa pagpapainit.[191]
May mga hadlang sa patuloy na mabilis na paglaki ng malinis na enerhiya, kabilang ang mga nababago. Para sa hangin at pang-araw, may mga alalahanin sa kapaligiran at paggamit ng lupa para sa mga bagong proyekto.[192] Gumagawa ang hangin at pang-araw din ng enerhiya nang pasulput-sulpot at may pana-panahong pagkakaiba-iba. Ayon sa kaugalian, ginagamit ang mga hydro dam (dam ng tubig) na may mga imbakan at kumbensyonal na planta kapag mababa ang produksyon ng baryable na enerhiya. Sa pagpapatuloy, maaaring mapalawak ang imbakan ng baterya, maaaring itugma ang pangangailangan at panustos ng enerhiya, at ang maaaring maging padaliin ng transmisyon sa malayong distansya ang pagkakaiba-iba ng mga nababagong kinalabasan.[193] Kadalasang hindi karbon-nyutral ang biyoenerhiya at maaaring magkaroon ng negatibong kahihinatnan para sa seguridad ng pagkain.[194] Pinipigilan ang paglago ng nukleyar na kapangyarihan ang kontrobersyang umiinog sa duming radyoaktibo, paglaganap ng sandatang nuklear, at mga aksidente.[195][196] Limitado ang paglago ng lakas-ng-tubig sa katunayan na binuo ang pinakamahusay na mga lugar, at humaharap ang mga bagong proyekto sa mas mataas na panlipunan at pangkalikasan na alalahanin.[197]
Ang mababang-karbon na enerhiya ay nagpapabuti sa kalusugan ng tao sa pamamagitan ng pagliit ng pagbabago ng klima gayundin ang pagbabawas ng pagkamatay ng polusyon sa hangin,[198] na tinatayang nasa 7 milyon taun-taon noong 2016.[199] Maaaring makaligtas ang pagtugon sa mga layunin ng Kasunduan sa Paris na naglilimita sa pag-init sa isang 2°C ng humigit-kumulang isang milyon buhay bawat taon pagsapit ng 2050, samantalang maaaring makakatipid ang paglimita sa pag-init ng mundo sa 1.5°C ng milyun-milyon at sabay-sabay na pataasin ang seguridad sa enerhiya at bawasan ang kahirapan.[200] Ang pagpapabuti ng kalidad ng hangin ay mayroon ding mga pang-ekonomiyang benepisyo na maaaring mas malaki kaysa sa mga gastos sa pagpapagaan.[201]
Pagtitipid ng enerhiya
Ang pagbabawas ng pangangailangan sa enerhiya ay isa pang pangunahing aspeto ng pagbabawas ng mga emisyon.[202] Kung mas kaunting enerhiya ang kailangan, mayroong higit na kakayahang umangkop para sa pagbuo ng malinis na enerhiya. Pinapadali din nito ang pamamahala sa grid ng kuryente, at pinapaliit ang pagbuo ng imprastraktura na masinsinan sa karbon.[203] Ang mga malalaking pagtaas sa pamumuhunan sa kahusayan ng enerhiya ay kinakailangan upang makamit ang mga layunin sa klima, na maihahambing sa antas ng pamumuhunan sa nababagong enerhiya.[204] Dahil sa ilang nauugnay na pagbabago sa COVID-19 sa mga huwaran ng paggamit ng enerhiya, pamumuhunan sa kahusayan sa enerhiya, at pagpopondo, mas mahirap at hindi sigurado ang mga pagtataya para sa dekada na ito.[205]
Ang mga estratehiya upang bawasan ang pangangailangan sa enerhiya ay nag-iiba ayon sa sektor. Sa sektor ng transportasyon, ang mga pasahero at kargamento ay maaaring lumipat sa mas mahusay na mga paraan ng paglalakbay, tulad ng mga bus at tren, o gumamit ng mga de-kuryenteng sasakyan.[206] Kasama sa mga istratehiyang pang-industriya upang bawasan ang pangangailangan sa enerhiya ang pagpapahusay ng mga sistema ng pag-iinit at motor, pagdidisenyo ng mga produktong mas kaunting enerhiya, at patagalin ang buhay ng produkto.[207] Sa sektor ng gusali, nakatuon ang sa mas mahusay na disenyo ng mga bagong gusali, at mas mataas na antas ng kahusayan ng enerhiya sa pagsasaayos.[208] Ang paggamit ng mga teknolohiya tulad ng mga bomba sa pagpapainit ay maaari ding magpataas ng kahusayan sa enerhiya ng gusali.[209]
Agrikultura at industriya
Ang agrikultura at kagubatan ay nahaharap sa isang tripleng hamon ng paglilimita sa mga emisyong gas na greenhouse, pagpigil sa karagdagang pagpalit ng mga kagubatan sa lupang agrikultural, at pagtugon sa pagtaas ng pangangailangan sa pagkain sa mundo.[210] Ang isang hanay ng mga aksyon ay maaaring mabawasan ang agrikultura at mga emisyong nakabatay sa kagubatan ng dalawang-katlo mula sa mga antas noong 2010. Kabilang dito ang pagbabawas ng paglaki ng pangangailangan para sa pagkain at iba pang produktong pang-agrikultura, pagtaas ng produktibidad sa lupa, pagprotekta at pagpapanumbalik ng mga kagubatan, at pagbabawas ng mga emisyong gas na greenhouse mula sa produksyong pang-agrikultura.[211]
Sa panig ng pangangailangan, isang mahalagang bahagi ng pagbabawas ng mga emisyon ay ang paglipat ng mga tao patungo sa mga diyeta na nakabatay sa halaman.[212] Ang pag-aalis ng produksyon ng mga alagang hayop para sa karne at paggawa ng gatas ay mag-aalis ng humigit-kumulang tatlong-sankapat ng lahat ng emisyon mula sa agrikultura at iba pang paggamit ng lupa.[213] Sinasakop din ng mga alagang hayop ang 37% ng lugar na walang yelo sa Daigdig at kumakain ng pakain mula sa 12% ng lugar ng lupa na ginagamit para sa mga pananim, nagtutulak ng deporestasyon at pagkasira ng lupa.[214]
Ang produksyon ng bakal at semento ay responsable para sa humigit-kumulang 13% ng mga pang-industriyang emisyong CO2. Sa mga industriyang ito, gumaganap ng mahalagang papel sa produksyon ang masinsinan sa karbon na materyales tulad ng coque at apog, kaya nangangailangan ang pagbabawas ng emisyong CO2 ng pananaliksik sa mga alternatibong kimika.[215]
Pagsamsam ng karbon
Ang mga natural na lababong karbon o karbon sink ay maaaring pahusayin upang makuha ang mas malaking halaga ng CO2 na lampas sa mga natural na antas.[216] Kabilang ang reporestasyon at porestasyon (pagtatanim ng mga kagubatan kung saan wala pa noon) sa mga pinakaganap na pamamaraan ng pagsamsam, bagaman nagpapataas ang huli ng mga alalahanin sa seguridad ng pagkain.[217] Maaaring isulong ng mga magsasaka ang pagsamsam ng karbon sa mga lupa sa pamamagitan ng mga kasanayan tulad ng paggamit ng mga pananim na pantakip sa taglamig, pagbabawas ng intensidad at dalas ng pagbubungkal, at paggamit ng abono at pataba para baguhin ang lupa.[218] Nagbubunga ang pagpapanumbalik ng kagubatan at anyo ng lupa ng maraming benepisyo para sa klima, kabilang ang pagsamsam at pagbabawas ng mga emisyon ng gas na greenhouse gas.[219] Nagpapataas ang pagpapanumbalik/muling paglikha ng mga basang lupain sa baybayin, mga lupang parang at kaparangan ng damong-dagat ng pagkuha ng carbon sa organikong bagay.[220][221] Kapag nasamsam ang karbon na nasa mga lupa at sa mga organikong bagay tulad ng mga puno, may panganib na muling ilalabas ang karbon sa atmospera sa kalaunan sa pamamagitan ng mga pagbabago sa paggamit ng lupa, apoy, o iba pang mga pagbabago sa ekosistema.[222]
Ang pagbagay o adaptasyon ay "ang proseso ng pagsasaayos sa kasalukuyan o inaasahang pagbabago sa klima at mga epekto nito".[223]:5 Kung walang karagdagang pagpapagaan, hindi maiiwasan ng adaptasyon ang panganib ng "malubha, laganap at hindi maibabalik" na mga epekto.[224] Nangangailangan ang mas matinding pagbabago ng klima ng higit pang pagbabagong adaptasyon, na maaaring maging lubhang mahal.[225] Hindi pantay na ipinamamahagi ang kapasidad at potensyal para sa mga tao na umangkop sa iba't ibang mga rehiyon at populasyon, at mas mababa ang mga umuunlad na bansa sa pangkalahatan.[226] Nagkaroon ang unang dalawang dekada ng ika-21 siglo ng pagtaas sa kakayahang umangkop sa karamihan ng mga bansang mababa at nasa gitna ang kita na may pinabuting koneksyon sa pangunahing sanitasyon at kuryente, subalit mabagal ang pag-unlad. Maraming mga bansa ang nagpatupad ng mga patakaran sa pag-aangkop. Gayunpaman, mayroong isang malaking agwat sa pagitan ng kinakailangan at magagamit na pananalapi.[227]
Ang pag-angkop sa pagtaas ng lebel ng dagat ay binubuo ng pag-iwas sa mga lugar na nasa panganib, matutunan ang mamuhay sa dagdag na pagbaha, at pagbuo ng mga kontrol sa baha. Kung nabigo iyon, maaaring kailanganin ang pinamamahalaang paglikas [228] May mga hadlang sa ekonomiya para sa pagharap sa mapanganib na epekto ng init. Hindi posible para sa lahat ang pag-iwas sa walang tigil na trabaho o pagkakaroon ng erkon.[155] Sa agrikultura, kinabibilangan ang mga opsyon sa pag-aangkop ang paglipat sa mas napapanatiling mga diyeta, pag-iba-iba, pagkontrol sa pagguho, at mga henetikong pagpapahusay para sa mas mataas na pagpapaubaya sa pagbabago ng klima.[229] Ang pagseseguro ay nagbibigay-daan para sa pagbabahagi ng panganib, subalit kadalasan, mahirap makuha ito para sa mga taong mas mababa ang kita.[230] Maaaring mabawasan ng edukasyon, migrasyon at mga sistema ng maagang babala ang kahinaan sa klima.[225] Ang pagtatanim ng mga bakawan o paghikayat sa iba pang mga halaman sa baybayin ay maaaring nagpapahina ng lakas sa mga bagyo.[231][232]
Bumabagay ang mga ekosistema sa pagbabago ng klima, isang proseso na maaaring suportahan ng interbensyon ng tao. Sa pamamagitan ng pagtaas ng koneksyon sa pagitan ng mga ekosistema, maaaring lumipat ang mga espesye sa mas kanais-nais na mga kondisyon ng klima. Maaari ang mga espesye na ipakilala din sa mga lugar na nakakakuha ng isang kanais-nais na klima. Ang proteksyon at pagpapanumbalik ng natural at semi-natural na mga lugar ay nakakatulong sa pagbuo ng katatagan, na ginagawang mas madali para sa mga ekosistema na umangkop. Tumutulong din ang marami sa mga pagkilos na nagsusulong ng adaptasyon sa mga ekosistema sa mga tao na umangkop sa pamamagitan ng adaptasyong nakabatay sa ekosistema. Halimbawa, ginagawang mas maliit ang posibilidad ng mga sakunang sunog ang pagpapanumbalik ng mga natural na rehimen ng sunog, at binabawasan ang panganib sa tao. Ang pagbibigay ng mas maraming espasyo sa mga ilog ay nagbibigay-daan para sa mas maraming pag-imbak ng tubig sa natural na sistema, na binabawasan ang panganib ng baha. Gumaganap ang naibalik na kagubatan bilang isang lababong karbon, subalit maaaring magpalala sa mga epekto sa klima ang pagtatanim ng mga puno sa hindi angkop na mga rehiyon.[233]
May mga sinerhiya subalit may mga trade-off o mapapalitan din sa pagitan ng pagbagay at pagpapagaan.[234] Ang isang halimbawa para sa sinerhiya ay ang pagtaas ng produktibidad ng pagkain, na may malaking benepisyo para sa parehong pagbagay at pagpapagaan.[235] Ang isang halimbawa ng mapapalitan ang pagtaas ng paggamit ng erkon na nagbibigay-daan sa mga tao na mas mahusay na makayanan ang init, subalit pinapataas ang pangangailangan ng enerhiya. Ang isa pang halimbawa ng mapapalitan ay ang mas masinsin na urbanong pag-unlad na maaaring mabawasan ang mga emisyon mula sa transportasyon at konstruksyon, subalit maaari tumaas rin ang epekto ng urban heat island (o pulo ng urbanong init), na naglalantad sa mga tao sa mga panganib sa kalusugan na nauugnay sa init.[236]
Mga halimbawa ng paraan ng pagbagay
Maaaring mabawasan ang pagbaha sa baybayin sa pagtatanim ng bakawan at iba pangpangangalaga sa tirahan.
Pagtayo ng mga dike o pader sa dalampasigan upang protektahan laban sa daluyong na pinalala ang pagtaas ng lebel ng dagat
Mga bubong na lunti upang magbigay ng lamig sa mga lungsod
Niraranggo ang Climate Change Performance Index (Indeks ng Pagganap para sa Pagbabago ng Klima) ang mga bansa sa pamamagitan ng emisyon ng gas na greenhouse (40% ng iskor), nababagong enerhiya (20%), gamit ng enerhiya (20%), at polisiya sa klima (20%).
Mataas
Katamtaman
Mababa
Napakababa
Ang mga bansang pinakamahina sa pagbabago ng klima ay karaniwang may pananagutan para sa isang maliit na bahagi ng mga pandaigdigang emisyon. Nagtataas ito ng mga katanungan tungkol sa katarungan at pagkapatas.[237] Ginagawang mas madali ang paglilimita sa pag-init ng mundo ng Mga Layunin sa Napapanatiling Pag-unlad (o Sustainable Development Goals) ng Mga Nagkakaisang Bansa, tulad ng pagpuksa sa kahirapan at pagbabawas ng hindi pagkakapantay-pantay. Kinikilala ang koneksyon sa Layunin sa Napapanatiling Pag-unlad Blg.13 na "gumawa ng agarang aksyon upang labanan ang pagbabago ng klima at ang mga epekto nito".[238] May sinerhiya ang mga layunin sa pagkain, malinis na tubig at ang proteksyon ng ekosistema sa pagpapagaan sa klima.[239]
Ang heopolitika ng pagbabago ng klima ay kumplikado. Madalas itong binabanghay bilang isang suliranin sa free-rider,[a] kung saan nakikinabang ang lahat ng mga bansa mula sa pagpapagaan na ginawa ng ibang mga bansa, subalit matatalo mismo ang mga indibiduwal na bansa mula sa paglipat sa isang mababang-karbon na ekonomiya. Bagaman, mayroon din minsan na lokal na benipisyo ang pagpapagaan. Halimbawa, lumampas ang mga benepisyo ng pag-alis ng karbon sa kalusugan ng publiko at mga lokal na kapaligiran kaysa sa mga gastos sa halos lahat ng rehiyon.[240] Higit pa rito, nanalo sa ekonomiya ang mga netong mang-aangkat ng panggatong na posil mula sa paglipat sa malinis na enerhiya, na nagdudulot ng mga netong tagaluwas na harapin ang mga stranded asset (o naipit na ari-arian): mga panggatong na posil na hindi nila maibebenta.[241]
Mga mapagpipiliang patakaran
Ang malawak na hanay ng mga patakaran, regulasyon, at batas ay ginagamit upang mabawasan ang mga emisyon. Noong 2019, saklaw ng pagpepresyo ng karbon ang humigit-kumulang 20% ng mga pandaigdigang emisyon ng gas na greenhouse.[242] Maaaring mapresyuhan ang karbon gamit ang mga buwis sa karbon at mga sistema ng pangangalakal ng emisyon.[243] Umabot ang direktang pandaigdigang panggatong na posil sa $319 bilyon noong 2017, at $5.2 trilyon kapag napresyuhan ang mga hindi direktang gastos gaya ng polusyon sa hangin.[244] Maaaring magdulot ang pagwawakas sa mga ito ng 28% na pagbawas sa pandaigdigang mga emisyon sa karbon at 46% na pagbawas sa mga pagkamatay dulot ng polusyon sa hangin.[245] Sa halip, maaaring gamitin ang salaping natipid sa mga subsidyong posil na suportahan ang paglipat sa malinis na enerhiya.[246] Kinabibilangan ng ng mas direktang paraan upang bawasan ang mga gas na greenhouse ang mga pamantayan sa kahusayan ng sasakyan, mga pamantayan ng panggatong na nababago, at mga regulasyon sa polusyon sa hangin sa mabigat na industriya.[247] Nangangailangan ang ilang mga bansa ng mga utilidad upang madagdagan ang bahagi ng mga nababago sa produksyon ng kuryente.[248]
Katarungang pangklima
Ang patakarang idinisenyo sa pamamagitan ng lente ng katarungang pangklima ay sumusubok na tugunan ang mga isyu sa karapatang pantao at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ayon sa mga tagapagtaguyod ng katarungang pangklima, dapat bayaran ang mga gastos sa adaptasyon sa klima ng mga may pananagutan sa pagbabago ng klima, habang ang mga naghihirap sa epekto ng pagbabago ng klima ang siyang dapat mga benepisyaryo ng mga ibinayad. Maaaring matugunan ito sa katotohanan sa isang paraan na pagbabayad ng mayayamang bansa sa mahihirap na bansa upang makaroon sila ng adaptasyon.[249]
Nalaman ng Oxfam na noong 2023 ang pinakamayayamang 10% ng mga tao ay may pananagutan para sa 50% ng mga pandaigdigang emisyon, habang ang pinakamababang 50% ay responsable para sa 8%.[250] Ang paggawa ng mga emisyon ay isa pang paraan upang tingnan ang responsibilidad: sa ilalim ng pamamaraang iyon, ang nangungunang 21 kumpanya ng panggatong na posil ay magkakautang ng pinagsama-samang mga pagbabayad-pinsalaan sa klima na $5.4 trilyon sa panahong 2025–2050.[251] Upang makamit ang isang makatarungang paglipat, mangangailangan din ng iba pang trabaho ang mga taong nagtatrabaho sa sektor ng panggatong na posil, at mangangailangan ng mga pamumuhunan ang kanilang mga pamayanan.[252]
Mga internasyonal na kasunduan sa klima
Halos lahat ng bansa sa mundo ay partido sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC, Balangkas ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Kumbensiyon sa Pagbabago ng Klima) ng 1994.[254] Ang layunin ng UNFCCC ay maiwasan ang mapanganib na panghihimasok ng tao sa sistema ng klima.[255] Gaya ng nakasaad sa kumbensiyon, kailangan nito na patatagin ang mga konsentrasyon ng gas na greenhouse sa atmospera sa isang antas kung saan maaaring natural na umangkop sa pagbabago ng klima ang mga ekosistema, hindi nanganganib ang produksyon ng pagkain, at maaaring mapanatili ang pag-unlad ng ekonomiya.[256] Ang UNFCCC mismo ay hindi naghihigpit sa mga emisyon subalit nagbibigay ng isang balangkas para sa mga protokol na naghihigpit. Tumaas ang mga pandaigdigang emisyon mula noong nilagdaan ang UNFCCC.[257] Ang mga taunang kumperensya nito ay ang yugto ng pandaigdigang negosasyon.[258]
Pinalawig ng Protokol ng Kyoto noong 1997 ang UNFCCC at sinama ang mga legal na nagbubuklod na mga pangako para sa karamihan sa mga mauunlad na bansa upang limitahan ang kanilang mga emisyon.[259] Sa panahon ng negosasyon, ang G77 (kumakatawan sa mga umuunlad na bansa) ay nagtulak para sa isang mandato na atasan ang mga mauunlad na bansa na "[manguna]" sa pagbabawas ng kanilang mga emisyon,[260] dahil ang mga mauunlad na bansa ay nag-ambag ng karamihan sa akumulasyon ng mga gas na greenhouse sa atmospera. Medyo mababa pa rin ang mga emisyong bawat-kapita sa mga umuunlad na bansa at kailangang ang mga umuunlad na bansa na magkaroon ng higit pang emisyon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-unlad.[261]
Ang Kasunduan sa Copenhagen ng 2009 ay malawak na inilalarawan bilang hindi kasiya-siya dahil sa mababang layunin nito, at tinanggihan ng mga mahihirap na bansa kabilang ang G77.[262] Nilayon ng mga naka-asosasyong partido na limitahan ang pagtaas ng temperatura sa buong mundo sa ibaba 2°C.[263] Itinakda ng Kasunduan ang layunin ng pagpapadala ng $100 bilyon bawat taon sa mga umuunlad na bansa para sa pagpapagaan at pagbagay sa pagdating ng 2020, at iminungkahi ang pagtatatag ng Green Climate Fund (Pondo ng Klimang Lunti).[264]Magmula noong 2020[update], 83.3 bilyon lamang ang naihatid. Sa 2023 lamang inaasahang makakamit ang target.[265]
Noong 2015, nakipag-usap ang lahat ng bansa sa Mga Nagkakaisang Bansa para sa Kasunduan sa Paris, na naglalayong panatilihing mababa sa 2.0°C ang pag-init ng mundo. at naglalaman ng isang mataas na layunin ang kasunduan ng pagpapanatili ng init sa ilalim ng 1.5°C.[266] Pinalitan ng kasunduan ang Protokol ng Kyoto. Hindi tulad ng Kyoto, walang nagbubuklod na mga target na emisyon ang itinakda sa Kasunduan sa Paris. Sa halip, isang hanay ng mga pamamaraan ang ginawang may pagbubuklod. Ang mga bansa ay kailangang regular na magtakda ng higit pang mga ambisyosong layunin at muling suriin ang mga layuning ito tuwing limang taon.[267] Isinaad muli ng Kasunduan sa Paris na dapat mabigyan ng suportang pananalapi ang mga umuunlad na bansa.[268] Magmula noong Oktubre 2021, 194 na estado at Unyong Europeo ang lumagda sa kasunduan at 191 na estado at Unyong Europeo ang nagpatibay o pumayag sa kasunduan.[269]
Ang Protokol sa Montreal ng 1987, isang internasyonal na kasunduan upang ihinto ang paglabas ng mga gas na nakakasira ng osono, ay maaaring naging mas epektibo sa pagsugpo sa mga paglabas ng gas na greenhouse kaysa sa Protokol ng Kyoto na partikular na idinisenyo upang gawin ito.[270] Ang Pagsususog sa Kigali ng 2016 sa Protokol ng Montreal ay naglalayong bawasan ang mga emisyon ng mga hidropluorokarbono, isang pangkat ng malalakas na mga gas na greenhouse na nagsilbing kapalit ng mga ipinagbabawal na gas na nag-uubos ng osono. Ginawa nitong mas matibay na kasunduan ang Protokol sa Montreal laban sa pagbabago ng klima.[271]
Mga pambansang tugon
Noong 2019, naging unang pambansang pamahalaan ang parliyamento ng Reyno Unido na nagdeklara ng emerhensiya sa klima.[272] Sinundan ito ng ibang mga bansa at hurisdiksyon.[273] Sa parehong taon, nagdeklera ang Parliyamento Europeo ng isang "klima at pangkalikasan na emerhensiya".[274] Iniharap ng Komisyong Europeo ang European Green Deal (o Kasunduang Lunting Europeo) nito na may layuning gawing karbong nyutral ang Unyong Europeo sa pagsapit ng 2050.[275] Noong 2021, inilabas ng Komisyong Europeo ang bungkos ng batas nitong "Fit for 55" (Angkop sa 55), na naglalaman ng mga alituntunin para sa industriya ng sasakyan; lahat ng mga bagong kotse sa pamilihang Europeo ay dapat na sero ang emisyon ng mga sasakyan pagsapit ng 2035.[276]
Ang mga pangunahing bansa sa Asya ay gumawa ng mga katulad na pangako: Nangako ang Timog Korea at Hapon na maging nyutral ang karbon pagsapit ng 2050, at Tsina pagdating ng 2060.[277] Habang may malakas na insentibo ang Indya para sa mga nababago, nagpaplano rin ito ng makabuluhang pagpapalawak ng karbon sa bansa.[278] Kabilang ang Biyetnam sa napakakaunting mga bansang umaasa sa karbon, mabilis na umuunlad na bansa na nangako na aalisin ang di-humuhupang enerhiyang karbon sa pagdating ng dekada 2040 o sa lalong madaling panahon pagkatapos noon.[279]
Mula 2020 hanggang 2030, nangako ang Pilipinas na bawasan at iwasan ang mga emisyon ng gas na greenhouse ng 75% kung saan 2.71% ay walang kondisyon.[280] Babawasan ng bansa ang mga emisyon mula sa sektor ng agrikultura, industriya, enerhiya, transportasyon at waste (o basura). Noong 2022, nagkaroon ng mga pagsisikap ang mga ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas (ang Komisyon sa Pagbabago ng Klima, Komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal, at Kagawaran ng Kapiligiran at Likas na Yaman) at Society of Filipino Foresters Inc. (SFFI, lit. "Lipunan ng mga Pilipinong Manggugubat Ink.) na maging nyutal ang karbon ng Pilipinas sa pamamagitan ng reporestasyon.[281] Tinatarget nilang makapagtanim ng 10 milyon puno pagdating ng 2030.
Magmula noong 2021, batay sa impormasyon mula sa 48 pambansang plano sa klima, na kumakatawan sa 40% ng mga partido sa Kasunduan sa Paris, ang tinatayang kabuuang mga emisyon ng gas na greenhouse ay magiging 0.5% na mas mababa kumpara sa mga antas noong 2010, na nasa ibaba ng 45% o 25% ng mga layunin sa pagbawas sa hangganan ng pag-init ng mundo sa 1.5°C o 2°C, ayon sa pagkakabanggit.[282]
Ang pampublikong debate tungkol sa pagbabago ng klima ay lubhang naapektuhan ng pagtanggi at maling impormasyon sa pagbabago ng klima, na nagmula sa Estados Unidos at mula noon ay kumalat na sa ibang mga bansa, partikular sa Canada at Australya. Ang pagtanggi sa pagbabago ng klima ay nagmula sa mga kumpanyang panggatong ng posil, mga grupo ng industriya, mga konserbatibongthink tank (o institutong nagsasaliksik ng polisiya), at mga kumukontrang siyentipiko.[284] Tulad ng industriya ng tabako, ang pangunahing diskarte ng mga pangkat na ito ay ang paggawa ng pagdududa tungkol sa pagbabago ng klima sa siyentipikong datos at mga resulta.[285] Ang mga taong nagtataglay ng di-makatwirang pagdududa tungkol sa pagbabago ng klima ay tinatawag na "mga eskeptiko" sa pagbabago ng klima, bagama't ang mga "nangongontra" o "tumatanggi" ay mas angkop na mga termino.[286]
Mayroong iba't ibang mga baryante ng pagtanggi sa klima: tumatanggi ang ilan na nangyayari ang pag-init sa lahat, kinikilala ng ilan ang pag-init subalit inuugnay ito sa mga likas na impluwensya, at pinaliit ng ilan ang mga negatibong epekto ng pagbabago ng klima.[287] Ang kawalan ng katiyakan sa pagmamanupaktura tungkol sa agham ay naging isang ginawang kontrobersya sa kalaunan: lumilikha ng paniniwala na may malaking kawalan ng katiyakan tungkol sa pagbabago ng klima sa loob ng siyentipikong komunidad upang maantala ang mga pagbabago sa patakaran.[288] Kasama sa mga estratehiya upang isulong ang mga ideyang ito ang pagpuna sa mga institusyong siyentipiko,[289] at pagtatanong sa mga motibo ng mga indibidwal na siyentipiko.[287] Ang isang echo chamber o silid ng alingawngaw ng mga blog at midya na tumatanggi sa klima ay higit pang nagdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagbabago ng klima.[290]
Literal bilang libreng-mananakay, na isang uri ng pagkabigo sa pamilihan na nangyayari kapag hindi nagbabayad ang yaong mga nakikinabang sa mga yaman, publikong produkto, at karaniwang yaman.
EPA (19 Enero 2017). "Climate Impacts on Ecosystems" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Enero 2018. Nakuha noong 5 Pebrero 2019. Mountain and arctic ecosystems and species are particularly sensitive to climate change... As ocean temperatures warm and the acidity of the ocean increases, bleaching and coral die-offs are likely to become more frequent.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC AR5 SYR 2014; WHO, Nob 2015: "Climate change is the greatest threat to global health in the 21st century. Health professionals have a duty of care to current and future generations. You are on the front line in protecting people from climate impacts – from more heat-waves and other extreme weather events; from outbreaks of infectious diseases such as malaria, dengue and cholera; from the effects of malnutrition; as well as treating people who are affected by cancer, respiratory, cardiovascular and other non-communicable diseases caused by environmental pollution." (sa Ingles)
IPCC AR6 WG2 2022; IPCC AR6 SYR SPM 2023: "Effectiveness15 of adaptation in reducing climate risks16 is documented for specific contexts, sectors and regions (high confidence)...Soft limits to adaptation are currently being experienced by small-scale farmers and households along some low-lying coastal areas (medium confidence) resulting from financial, governance, institutional and policy constraints (high confidence). Some tropical, coastal, polar and mountain ecosystems have reached hard adaptation limits (high confidence). Adaptation does not prevent all losses and damages, even with effective adaptation and before reaching soft and hard limits (high confidence)." (sa Ingles)
Marcott, S. A.; Shakun, J. D.; Clark, P. U.; Mix, A. C. (2013). "A reconstruction of regional and global temperature for the past 11,300 years". Science (sa wikang Ingles). 339 (6124): 1198–1201. Bibcode:2013Sci...339.1198M. doi:10.1126/science.1228026. PMID23471405.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Global temperature exceeds 2°C above pre-industrial average on 17 November". Copernicus (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 2023. Nakuha noong 31 Enero 2024. While exceeding the 2°C threshold for a number of days does not mean that we have breached the Paris Agreement targets, the more often that we exceed this threshold, the more serious the cumulative effects of these breaches will become.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
McGrath, Matt (17 Mayo 2023). "Global warming set to break key 1.5C limit for first time". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Enero 2024. The researchers stress that temperatures would have to stay at or above 1.5C for 20 years to be able to say the Paris agreement threshold had been passed.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Global Warming" (sa wikang Ingles). NASA JPL. 3 Hunyo 2010. Nakuha noong 11 Setyembre 2020. Satellite measurements show warming in the troposphere but cooling in the stratosphere. This vertical pattern is consistent with global warming due to increasing greenhouse gases but inconsistent with warming from natural causes.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC AR5 WG1 Ch3 2013: "Ocean warming dominates the global energy change inventory. Warming of the ocean accounts for about 93% of the increase in the Earth's energy inventory between 1971 and 2010 (high confidence), with warming of the upper (0 to 700 m) ocean accounting for about 64% of the total." (sa Ingles)
"Coral Reef Risk Outlook" (sa wikang Ingles). National Oceanic and Atmospheric Administration. 2 Enero 2012. Nakuha noong 4 Abril 2020. At present, local human activities, coupled with past thermal stress, threaten an estimated 75 percent of the world's reefs. By 2030, estimates predict more than 90% of the world's reefs will be threatened by local human activities, warming, and acidification, with nearly 60% facing high, very high, or critical threat levels.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
WHO 2014: "Under a base case socioeconomic scenario, we estimate approximately 250 000 additional deaths due to climate change per year between 2030 and 2050. These numbers do not represent a prediction of the overall impacts of climate change on health, since we could not quantify several important causal pathways." (sa Ingles)
National Oceanic and Atmospheric Administration. "What is nuisance flooding?" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Hydropower". iea.org (sa wikang Ingles). International Energy Agency. Nakuha noong 12 Oktubre 2020. Hydropower generation is estimated to have increased by over 2% in 2019 owing to continued recovery from drought in Latin America as well as strong capacity expansion and good water availability in China (...) capacity expansion has been losing speed. This downward trend is expected to continue, due mainly to less large-project development in China and Brazil, where concerns over social and environmental impacts have restricted projects.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
WHO 2018; Vandyck et al. 2018; IPCC SR15 2018: "Limiting warming to 1.5°C can be achieved synergistically with poverty alleviation and improved energy security and can provide large public health benefits through improved air quality, preventing millions of premature deaths. However, specific mitigation measures, such as bioenergy, may result in trade-offs that require consideration." (sa Ingles)
IPCC SRCCL Ch5 2019 Humans on a vegan exclusive diet would save about 7.9 GtCO2 equivalent per year by 2050 IPCC AR6 WG1 Technical Summary 2021 Agriculture, Forestry and Other Land Use used an average of 12 GtCO2 per year between 2007 and 2016 (23% of total anthropogenic emissions). (sa Ingles)
IPCC (2007). Parry, M. L.; Canziani, O. F.; Palutikof, J. P.; van der Linden, P. J.; atbp. (mga pat.). Climate Change 2007: Impacts, Adaptation and Vulnerability. Contribution of Working Group II to the Fourth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN978-0-521-88010-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-10. Nakuha noong 2024-06-30.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC (2007). Metz, B.; Davidson, O. R.; Bosch, P. R.; Dave, R.; atbp. (mga pat.). Climate Change 2007: Mitigation of Climate Change. Contribution of Working Group III to the Fourth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN978-0-521-88011-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-12. Nakuha noong 2024-06-30.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC (2014). Field, C. B.; Barros, V. R.; Dokken, D. J.; Mach, K. J.; atbp. (mga pat.). Climate Change 2014: Impacts, Adaptation, and Vulnerability. Part A: Global and Sectoral Aspects. Contribution of Working Group II to the Fifth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN978-1-107-05807-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link). Kabanata 1–20, SPM, at Teknikal na Buod.
Larsen, J. N.; Anisimov, O. A.; Constable, A.; Hollowed, A. B.; atbp. (2014). "Chapter 28: Polar Regions"(PDF). IPCC AR5 WG2 B 2014 harv error: no target: CITEREFIPCC_AR5_WG2_B2014 (help) (sa wikang Ingles). pp.1567–1612.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC (2014). Edenhofer, O.; Pichs-Madruga, R.; Sokona, Y.; Farahani, E.; atbp. (mga pat.). Climate Change 2014: Mitigation of Climate Change. Contribution of Working Group III to the Fifth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change (sa wikang Ingles). Cambridge, UK & New York, NY: Cambridge University Press. ISBN978-1-107-05821-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC AR5 SYR (2014). The Core Writing Team; Pachauri, R. K.; Meyer, L. A. (mga pat.). Climate Change 2014: Synthesis Report. Contribution of Working Groups I, II and III to the Fifth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change. Geneva, Switzerland: IPCC.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IPCC (2021). Masson-Delmotte, V.; Zhai, P.; Pirani, A.; Connors, S. L.; atbp. (mga pat.). Climate Change 2021: The Physical Science Basis(PDF). Contribution of Working Group I to the Sixth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change (sa wikang Ingles). Cambridge, United Kingdom and New York, NY, US: Cambridge University Press (Nakalimbag).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kennedy, J. J.; Thorne, W. P.; Peterson, T. C.; Ruedy, R. A.; atbp. (2010). Arndt, D. S.; Baringer, M. O.; Johnson, M. R. (mga pat.). "How do we know the world has warmed?". Special supplement: State of the Climate in 2009. Bulletin of the American Meteorological Society (sa wikang Ingles). 91 (7). S26-S27. doi:10.1175/BAMS-91-7-StateoftheClimate.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kossin, J. P.; Hall, T.; Knutson, T.; Kunkel, K. E.; Trapp, R. J.; Waliser, D. E.; Wehner, M. F. (2017). "Chapter 9: Extreme Storms". In USGCRP2017 (sa wikang Ingles). pp.1–470.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Liverman, Diana M. (2009). "Conventions of climate change: constructions of danger and the dispossession of the atmosphere". Journal of Historical Geography (sa wikang Ingles). 35 (2): 279–296. doi:10.1016/j.jhg.2008.08.008.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
DeFries, Ruth; Edenhofer, Ottmar; Halliday, Alex; Heal, Geoffrey; atbp. (Setyembre 2019). The missing economic risks in assessments of climate change impacts(PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Grantham Research Institute on Climate Change and the Environment, London School of Economics and Political Science.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Dunlap, Riley E.; McCright, Aaron M. (2011). "Chapter 10: Organized climate change denial". Sa Dryzek, John S.; Norgaard, Richard B.; Schlosberg, David (mga pat.). The Oxford Handbook of Climate Change and Society (sa wikang Ingles). Oxford University Press. pp.144–160. ISBN978-0-19-956660-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Dunlap, Riley E.; McCright, Aaron M. (2015). "Chapter 10: Challenging Climate Change: The Denial Countermovement". Sa Dunlap, Riley E.; Brulle, Robert J. (mga pat.). Climate Change and Society: Sociological Perspectives (sa wikang Ingles). Oxford University Press. pp.300–332. ISBN978-0-19-935611-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IEA (Disyembre 2020). "COVID-19 and energy efficiency". Energy Efficiency 2020 (Ulat) (sa wikang Ingles). Paris, France. Nakuha noong 6 Abril 2021.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
IEA (Oktubre 2023). World Energy Outlook 2023(PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Paris, France. Nakuha noong 25 Oktubre 2021.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
UNFCCC (30 Marso 2010). "Decision 2/CP.15: Copenhagen Accord". Report of the Conference of the Parties on its fifteenth session, held in Copenhagen from 7 to 19December2009 (sa wikang Ingles). United Nations Framework Convention on Climate Change. FCCC/CP/2009/11/Add.1. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2010. Nakuha noong 17 Mayo 2010.{{cite conference}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
UNFCCC (2015). "Paris Agreement"(PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Framework Convention on Climate Change.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Van Oldenborgh, Geert-Jan; Philip, Sjoukje; Kew, Sarah; Vautard, Robert; atbp. (2019). "Human contribution to the record-breaking June 2019 heat wave in France". Semantic Scholar (sa wikang Ingles). S2CID199454488.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ciucci, M. (Pebrero 2020). "Renewable Energy". European Parliament (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
"What Is the Clean Power Plan?". Natural Resources Defense Council (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 2017. Nakuha noong 3 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
The New York Times
Rudd, Kevin (25 Mayo 2015). "Paris Can't Be Another Copenhagen". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-03. Nakuha noong 26 Mayo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tamma, Paola; Schaart, Eline; Gurzu, Anca (11 Disyembre 2019). "Europe's Green Deal plan unveiled". Politico (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Carbon Pricing 101". Union of Concerned Scientists (sa wikang Ingles). 8 Enero 2017. Nakuha noong 15 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)