Mais
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mais (Zea mays) ay isang mataas na matabang damo na nagbubunga ng butil na angkak. Dinomestikado ito ng mga katutubo sa timog Mehiko noong mga 9,000 taon na ang nakalilipas mula sa ligaw na teosinte. Itinanim ito ng mga katutubong Amerikano kasama ang priholes at kalabasa sa polikulturang Tatlong Magkakapatid na Babae. Nagdudulot ang madahong tangkay ng halaman ng mga lalaking pamumukadkad o palawit na nakakalikha ng bulo, at mga babaeng pamumukadkad na tinatawag na tainga. Ang mga tainga ay nagbubunga ng butil, na kilala bilang ubod (o kernel) o buto. Sa modernong komersyal na mga bariyedad, karaniwang ang mga ito na dilaw o puti; maaaring maraming mga kulay ang iba pang mga bariyedad.
Umaasa ang mais sa mga tao para sa pagpaparami nito. Mula sa Palitang Kolumbiyano, ito ang naging pangunahing pagkain sa maraming bahagi ng mundo, na nahigitan ng mais ang kabuuang produksyon ng trigo at bigas. Karamihan ginagamit ang mais para sa pakain sa hayop, maging bilang butil o bilang buong halaman, na maaaring itali o gawing mas malasang ensilahe. Tinatawag na matamis na mais ang mga uri ng mais na mayaman sa asukal na itinatanim para kainin ng tao, habang ginagamit ang mga uri ng mais pambukid bilang pakain sa hayop, para gawin tulad ng giniling na mais (o cornmeal) o masa ng mais, gawgaw na mais, sirup na mais, dinidiin para maging mantika na mais, bilang mga inuming nakalalasing tulad ng wisking bourbon, at bilang mga kemikal na panggatong kabilang ang etanol at iba pang mga biofuel.
Remove ads
Mga pangalan
Hinango ang pangalang mais o maize sa anyong Kastila na maíz ng Taíno na mahis.[2] Ginamit ng botanikong Suweko na si Carl Linnaeus ang karaniwang pangalan ng maize bilang epitetong espesye sa Zea mays.[3] Mas ninanais ang pangalang Maize sa pormal, siyentipiko, at internasyonal na paggamit bilang karaniwang pangalan dahil partikular itong tumutukoy sa isang butil na ito, hindi tulad ng ibang tawag, na may kumplikadong iba't ibang kahulugan na nag-iiba depende sa konteksto at heyograpikong rehiyon.[4] Karamihan sa mga bansa ay pangunahing gumagamit ng terminong maize, at sa Ingles, tinatawag itong corn na pangunahing ginagamit sa Estados Unidos at ilang iba pang mga bansang nagsasalita ng Ingles.[5][6] Sa mga bansang Ingles pangunahing gumagamit ng terminong maize, ang salitang "corn" ay maaaring tumukoy sa anumang pananim na angkak, na nag-iiba depende sa heograpiya na may lokal na pangunahing pagkain,[7] tulad ng trigo sa Inglatera at abena sa Eskosya at Irlandes.[4] Ang paggamit ng corn para sa maize ay nagsimula bilang isang pagpapaikli ng "Indian corn" noong ika-18 dantaon sa Hilagang Amerika.[8] Sa Tagalog, tinatawag itong "mais" na hango sa Kastilang "maiz", at binabaybay ng ganito alinsunod sa ortograpiyang Filipino.
Itinuturing ng mga internasyonal na grupo tulad ng Center for Agriculture at Bioscience International (Sentro para sa Agrikultura at Internasyunal na Biyosiyensa) ang mais na karaniwang pangalan.[9] Ginagamit ang salitang maize ng FAO ng Mga Nagkakaisang Bansa,[10] at sa mga pangalan ng International Maize and Wheat Improvement Center (Sentrong Pandaigdigan sa Pagpapabuti ng Mais at Trigo) ng Mehiko, ang Indian Institute of Maize Research (Institutong Indiyano ng Pananaliksik ng Mais), [11] ang Maize Association of Australia (Asosasyon ng Mais ng Australya),[12] ang National Maize Association of Nigeria (Pambansang Samahan ng Mais ng Nigeria),[13] ang National Maize Association of Ghana (Pambansang Samahan ng Mais ng Ghana),[14] ang Maize Trust of South Africa (Tiwalang Mais ng Timog Aprika),[15] at ang Zimbabwe Seed Maize Association (Asosasyong Punlang Mais ng Zimbabwe).[16]
Remove ads
Istraktura at pisyolohiya

Ang mais ay isang mataas damong taunan na may iisang tangkay, mula sa 1.2 metro (4 tal) hanggang 4 metro (13 tal) ang taas.[17] Umusbong ang mahabang makitid na dahon mula sa mga alimpuso o buko, salit-salitan sa magkabilang panig sa tangkay.[17] Monoiko ang mais, na may hiwalay na lalaki at babaeng bulaklak sa iisang halaman.[17] Nasa tuktok ng tangkay ang lambo, isang pamumukadkad ng mga lalaking bulaklak; naglalabas ang kanilang mga anter ng polen, na ikinakalat ng hangin.[17] Tulad ng ibang polen, isa itong alerheno, subalit nahuhulog karamihan sa loob ng ilang metro ng lambo at pangkalahatng limitado ang panganib sa mga manggagawang nasa bukid.[18] Unang nakikita ang babaeng pamumukadkad, doon sa pababa sa tangkay mula sa lambo, bilang isang sutla, isang bigkis ng malambot na buhok na malatubo, isa para sa karpelo sa bawat babaeng bulaklak, na nagiging kernel o butil (madalas na tinatawag na buto. Sa botanika, tulad sa lahat ng damo, isa itong prutas, na pinagsama sa balat ng binhi upang bumuo ng isang kariyopside[19]) kapag nakaroon ng polinisasyon ito.[17] Ang isang buong babaeng pamumukadkad ay nabubuo sa isang tainga o busal ng mais, na nababalot ng maraming madahong patong o mga talukap.[17] Ang dahong tainga ay ang dahon na pinakamalapit na nauugnay sa isang partikular na tumutubong tainga. Nag-aambag ang dahon na ito at ang nasa itaas nito ng mahigit tatlong sangkapat ng karbohidrato (gawgaw) na pumupuno sa butil.[20]
Ang mga butil ay karaniwang dilaw o puti sa mga modernong uri; kabilang sa ibang kulay ng ibang uri ang kahel, pula, kayumanggi, bughaw, lila, o itim na butil. Nakaayos ang mga ito sa 8 hanggang 32 na hanay sa paligid ng busal; maaaring magkaroon ng hanggang 1200 butil sa isang malaking busal.[21] Nakuha ng mais ang kulay dilaw mula sa mga karatenoide; nagkakaroon ng mga pulang mais dahil sa antosiyanina at plobapeno; at nagiging kahel at luntian ang ibang uri dahil maaaring mayroon itong mga kumbinasyon ng mga pigmento na ito.[22]
Remove ads
Pinagmulan
Panlabas na pilohenya
Ang henero ng mais na Zea ay medyo malapit na may kaugnayan sa sa sorgo, parehong nasa kladong PACMAD ng mga damo sa Lumang Mundo, at mas malayo sa bigas at trigo, na nasa iba pang pangunahing grupo ng mga damo, ang kladong BOP. Malapit ito na nauugnay sa Tripsacum, na gamagrass o damong gama.[23]
Produksyon
Ang mais ay malawakang nililinang sa buong mundo, at mas malaking bigat ng mais ang nagagawa bawat taon kaysa sa anumang iba pang butil.[26] Noong 2020, ang kabuuang produksyon ng mundo ay 1.16 bilyong tonelada, pinangunahan ng Estados Unidos na may 31.0% ng kabuuan (tingnan ang talahanayan). Nakakagawa ang Tsina ng 22.4% sa kabuuang pandaigdig.[25]
Remove ads
Mga peste
Maraming mga peste ang nakakaapekto sa paglago ng mais, kabilang ang mga inbertebrado, damo, at pataheno.[27][28]
Madaling kapitan ang mais ng maraming sakit sa halaman dulot ng mikotiko, bakterya, at bayrus. Kabilang sa mga may kahalagang ekonomiko ang mga sakit sa dahon, mga smut tulad ng corn smut (o sakit dulot ng isang uri ng mikotiko o fungus), mga bulok na tainga at mga bulok na tangkay.[29] Winawasak ng northern corn leaf blight (o pagkalanta ng dahon ng mais ng hilaga) ang mais sa buong sakop nito, habang suliranin ang banded leaf and sheath blight (o dahong nakabanda at pagkalanta ng upak) sa Asya.[30][31]
Remove ads
Mga gamit
Ang mais at cornmeal (giniling na pinatuyong mais) ay bumubuo ng isang pangunahing pagkain sa maraming rehiyon sa mundo.[21] Ginagamit ang mais upang makagawa ng gawgaw na sangkap sa pagkain.[32] Maaring idekomposisyon at lagyan ng ensima ang mais upang makagawa ng sirup ng mais na mataas ang pruktosa, isang pampatamis.[33] Maaring paasimin at gawing dalisay ang mais upang makagawa ng wisking Bourbon.[34] Kinukuha ang mantika ng mais mula sa hermen ng butil.[35]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
