Remove ads
uri ng damo na sinasaka para sa butil From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang trigo ay isang damong sinasaka para sa binhi nito, isang seryales na pagkaing isteypol sa buong mundo.[2][3][4] Binubuo ng mararaming uri ng trigo ang uring Triticum;[5] T. aestivum ang pinakamalawakang itinatanim sa mga ito. Iminumungkahi ng ebidensiyang arkeolohikal na unang nilinang ang trigo sa mga rehiyon sa Matabang Gasuklay noong 9600 BK. Sa botanika, isang uri ng prutas ang butil ng trigo na tinatawag na karyopsis.
Trigo | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | Monocots |
(walang ranggo): | Commelinids |
Orden: | Poales |
Pamilya: | |
Subpamilya: | Pooideae |
Tribo: | Triticeae |
Sari: | Triticum |
Uri[1] | |
|
Itinatanim sa mas maraming lupain ang trigo kaysa sa mga iba pang pananim (220.4 milyong ektarya, 2014).[6] Mas malaki ang pandaigdigang kalakalan sa trigo kaysa sa lahat ng iba pang pananim na pinagsama-sama.[7]
Noong 2020, 761 milyong tonelada (1.7 trilyon libra) ang pandaigdigang produksiyon ng trigo; pumangalawa lamang ito sa mais.[6] Mula 1960, natriple ang pandaigdigang produksiyon ng trigo at iba pang inaaning butil at inaasahang dadami pa hanggang sa kalagitnaan ng ika-21 siglo.[8] Pataas nang pataas ang pandaigdigang demand sa trigo dahil sa natatanging lapot-lastiko at malagkit na katangian ng mga protinang gluten, na nagpapadali sa paggawa ng mga prosesadong pagkain, na pataas din sa pagkonsumo dahil sa industriyalisasyon ng mundo at westernisasyon ng diyeta.[9]
Isang mahalagang pinagmumulan ng karbohidrata ang trigo.[9] Sa buong mundo, ito ang nangungunang pinagmumulan ng protinang de-gulay sa pagkaing pantao, na may halos 13% na nilalamang protina, na medyo mataas kumpara sa mga iba pang pangunahing seryales[10] pero medyo mababa pagdating sa kalidad ng protina (sa pabibigay ng mga mahahalagang asidong amino).[11][12] Kapag kinakain ang buong butil, ang trigo ay pinagmumulan ng maraming sustansiya at hiblang pandiyeta.[9]
Sa maliit na bahagi ng pangkalahatang populasyon, kayang pasimulan ng gluten – na karamihan ay binubuo ng protinang de-trigo – ang sakit sa selyako, pagkasensitibo sa gluteng di-selyako, gluten ataxia at dermatitis herpetiformis.[13]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.