Ang Pambansang Ruta Blg. 1 (N1) ay ang pangunahing pambansang lansangan sa Pilipinas na dumadaan mula Luzon hanggang Mindanao. Maliban sa 19 na kilometro (o 12 milyang) puwang sa Kalakhang Maynila at mga ugnayan ng ferry, karaniwang tuluy-tuloy ang lansangan. Karamihang bahagi ng N1 ay bumubuo sa Pan-Philippine Highway maliban sa mga bahaging nilalampasan ng mga mabilisang daanan.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Pambansang Ruta Blg. 1 (N1) | ||||
---|---|---|---|---|
Impormasyon sa ruta | ||||
Haba | 3,666 km (hindi kasama ang 19 kilometro (12 mi) na puwang sa Kalakhang Maynila at mga bahagi sa Bangsamoro na may kabuoang 112 kilometro (70 mi)) (2,278 mi) | |||
Umiiral | 2014–kasalukuyan | |||
Bahagi 1 | ||||
Haba | 1,410 km (880 mi) | |||
Dulo sa hilaga | N2 sa Laoag | |||
Pangunahing daanan |
| |||
Dulo sa timog | ||||
Luzon (Muntinlupa-Matnog) | ||||
Haba | 784 km (487 mi) | |||
Dulo sa hilaga | E2 / AH26 / N411 / N142 in Alabang, Muntinlupa | |||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa timog | Pantalan ng Matnog | |||
Silangang Kabisayaan | ||||
Haba | 397 km (247 mi) | |||
Dulo sa hilaga |
| |||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa timog | Pantalan ng Liloan | |||
Mindanao | ||||
Haba | 1,074.5 km (667.7 mi) | |||
Dulo sa hilaga | Pantalan ng Lipata sa Lungsod ng Surigao | |||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa timog | Lungsod ng Zamboanga | |||
Lokasyon | ||||
Mga lawlawigan | Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Kalakhang Maynila, Laguna, Batangas, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Hilagang Samar, Samar, Silangang Samar, Leyte, Katimugang Leyte, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Sarangani, Timog Cotabato, Lanao del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Kasaysayan
Paglalarawan ng ruta
Sinusunod ng N1 ang rutang dumadaan mula Laoag sa Ilocos Norte hanggang Lungsod ng Zamboanga sa pamamagitan ng Kabikulan, Silangang Kabisayaan at silangang bahagi ng Mindanao. Ini-uugnay ng lansangan ang karamihan sa mga sentrong panrehiyon sa kahabaan ng ruta, at dumadaan sa iba't-ibang mga tanawin. Karamihan sa lansangan ay nakapangalang Lansangang Maharlika o Daang Maharlika (Maharlika Highway), ngunit gumagamit ang ibang mga bahagi ng ibang mga pangalan.
Rehiyong Ilokos
Nagsisimula ang N1 sa Laoag, sa upong ng Lansangang MacArthur (N2) sa harap ng Kapitolyong Panlalawigan ng Ilocos Norte. Dadaan ito bilang Abenida Heneral Segundo (General Segundo Avenue), isa sa mga pangunahing lansangan ng lungsod na dumadaan sa kabayanan nito at patungo sa labas nito. Pagpasok sa Bacarra, ito ay nagiging pangkabukirang lansangan na nililinyahan ng 69,000 boltaheng linya ng kuryente na tumatanggap ng kuryente mula sa Bangui Wind Farm. Nilalagpasan ng lansangan ang kabayanan ng Bacarra sa hilaga at tutungo ito sa pangkabukirang pook at pagkatapos papasok sa Pasuquin, kung saang nagsisilbi itong pangunahing pambayang kalye. Ito ay nagiging pangkabukirang lansangan na may dalawang landas mula Bacarra hanggang Burgos na malapitang kalinya ang linyang transmisyon mula Burgos Wind Farm at dadaan sa mga kalat-kalat na barangay sa kahabaan ng baybay-dagat ng Dagat Timog Tsina (o Dagat Kanlurang Pilipinas). Aakyat ito sa mga bundok pagdating nito sa Burgos, kung saang tuwirang naglilingkod ito sa bayan. Magliliku-liko ang lansangan sa baku-bakong lupa at matutunghan ang dalampasigang kinaroroonan ng Bangui Wind Farm. Dadaan naman ito sa Bangui na kung saang nagsisilbi itong pangunahing kalye nito. Tatawirin nito ang Ilog Bulu at papasok sa Pagudpud kung saang nilalagpasan ng N1 ang kabayanan nito. Dadaan ang N1 sa mga paanan ng bundok na tanda sa dulo ng Cordillera ng Hilagang Luzon at dadaan malapit sa baybay-dagat ng Bambang ng Bashi, kung saang liliku-liko ang lansangan sa mga bangin. Sa ibaba ng Bundok Patapat, dadaan ang lansangan sa Biyadukto ng Patapat, isang 630 metro o 0.39 milyang mahabang tulay o biyadukto na kinakailangan upang makadaan ang lansangan sa mga matarik na bangin na tumatanda sa hilagang dulo ng Luzon Cordillera.
Lambak ng Cagayan
Gitnang Luzon
Nueva Ecija
Bulacan
Lansangang Doña Remedios Trinidad | |
---|---|
Kinaroroonan | San Miguel–Guiguinto (Bulacan) |
Papasok kalaunan ang N1 sa Bulacan, sa San Miguel, kung saang dadaan ito sa tuwid na ruta at kilala bilang Lansangang Doña Remedios Trinidad (Doña Remedios Trinidad Highway, na mas kilala bilang DRT Highway). Papasok naman ito sa kabayanan o poblasyon ng San Miguel na nilalagpasan nito. Sisimulang magliko ang lansangan sa karamihan sa kahabaan nito sa pagitan ng San Ildefonso at San Rafael, kung saang dadaan ang ruta sa mga pálayan. Susunod nang malapitan ang N1 sa koridor ng transmisyon sa pagitan ng hangganang San Miguel-San Ildefonso at San Rafael. Babagtasin ng Plaridel Bypass Road ang lansangan bago tunungo sa San Rafael. Liliko patimog-kanluran malapit sa Baliwag ang lansangan, kung saang papasok sa nabanggit na bayan ang lumang Daang Cagayan Valley. Nagsisilbi bilang isang daang panlagpas ng Baliwag ang lansangan, kalakip ang isang flyover na itinayo sa ibabaw ng sangandaan sa isang pambansang daan patungong Candaba, Pampanga. Tutuloy ang lansangan sa Pulilan kung saang nagsisilbi itong pangunahing ruta sa mga silangang barangay nito. Babagtasin ito ng Daang Panrehiyon ng Pulilan sa puntong ito, at pagkatapos ay tatawid ito sa ibabaw ng Ilog Angat patungo sa Plaridel. Nagsisilbi itong pangunahing lansangang pangkomersiyo sa nabanggit na bayan.
Sa Guiguinto, tatawirin nito ang North Luzon Expressway (NLEX) kalakip ang isang palitan. Kalauna'y tatawirin nito ang unang ruta ng NLEX (Daang Sangay ng Tabang) sa barangay Tabang, kung saang tatawirin din nito ang karapatang-daan ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Magsisimulang sundin ng N1 ang Lansangang MacArthur na nagsisilbingwalang-bayad na lansangan sa katimugang Bulacan. Kalauna'y papasok ito sa Balagtas kung saang direktang dadaan ito sa kabayanan nito. Tatawid ang lansangan sa ibabaw ng Ilog Bigaa, at pagkatapos ay dadaan ito sa mga pook-pampamahayan at pang-industriya. Liliko ito pagpasok ng Bocaue, kung saang nilalagpasan ng lansangan ang kabayanan nito. Tatawid sa Abenida Fortunato Halili ang flyover na para lamang sa mga magaan na sasakyan, at ang mga daang serbisyo ay nagsisilbing mga rutang frontage at para sa mga mabigat na sasakyan. Liliko naman ang N1 at dadaan sa mga pampamahayang barangay ng Bocaue at papasok sa Marilao paglaon.
Kalakhang Maynila
Valenzuela papuntang Pasay
Pagpasok ng Kalakhang Maynila, susundan ng N1 ang ruta ng Lansangang MacArthur sa Valenzuela, na dadaan sa pang-apatan hanggang pang-animang lansangan hanggang sa Bantayog ni Bonifacio (Monumento) sa Caloocan. Liliko ang lansangan sa EDSA (Abenida Epifanio de los Santos), at susundin nito ang kabuoang ruta ng abenida hanggang sa Pasay. Kilalang-kilala ang bahaging ito ng N1 sa matinding paninikip ng trapiko na nagdudulot ng mga antala gayunding kawalan sa ekonomiko ng daklungsod. Dadaan ang lansangan sa mga distritong sentral ng negosyo sa Kalakhang Maynila, pinakakilala ay Lundayang Araneta, Lundayang Ortigas, at Distritong Sentral ng Negosyo ng Makati. Gumagamit ang Ikatlong Linya ng MRT at karugtong ng Unang Linya ng LRT ng center island sa karamihang mga bahagi ng EDSA sa pagitan ng Caloocan at Pasay. Tatapos ang N1 sa ilalim ng flyover ng EDSA sa Pasay. Isang 19 na kilometro o 12 milyang puwang sa lansangan ay nilalaan ng South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway sa pagitan ng Makati at Muntinlupa.
Ang puwang na ito ay dapat sanang inilalaan ng Karugtong ng Abenida Taft, mula EDSA patimog sa mga lansangan ng Abenida Elpidio Quirino at Abenida Diego Cera at matatapis sa Lansangang Maharlika sa ibaba ng Biyadukto ng Alabang sa pamamagitan ng Daang Alabang–Zapote, kung hindi lamang binigyan ngpanibagong bilang ang mga ito. Dating itinakda ang N1 sa mga abenida ng Rizal, Taft, Quirino, at Diego Cera, at Daang Alabang–Zapote ayon sa lumang sistema ng pamilang ng ruta (bago ang taong 2014), bago pinalitan ang pagtatakdang ito ng sariling mga bilang ng ruta.
Muntinlupa
Sisimula muli ang N1 sa ilalim ng Biyadukto ng Alabang sa Alabang, Muntinlupa, kung saang babagtasin nito ang South Luzon Expressway (SLEX/E2/AH26), Daang Alabang–Zapote, at Kalye Montillano (N142). Gagampanin ng lansangan ang pangalang Lansangang Maharlika (Maharlika Highway), o pampook ay Pambansang Daan (National Road). Kilala rin itong Manila South Road. Dadaan ito bilang isang pang-komersiyo na arteryal hanggang sa hangganan nito sa Laguna sa ibabaw ng Ilog Tunasan.
CALABARZON
Bahaging San Pedro-Calamba
Pangkaraniwang nagsisilbi na pang-apatang lansangan na walang bayad ang N1 sa mga lungsod-naik ng hilaga-kanlurang Laguna katabi ng may-bayad na South Luzon Expressway. Nakapangalan pa rin itong Lansangang Maharlika, Pambansang Daan (National Road), o Manila South Road. Karamihan sa N1 sa mga lungsod ng San Pedro, Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, at Calamba ay nagsisilbing mga kalyeng pangkomersiyo. Karamihan nito ay nililinyahan ng mga kubtransmisyong linyang mataas ang boltahe na pinatatakbuhan ng Meralco, na nakalagay sa kahabaan ng lansangan para sa mga sanhing pang-ekonomiko at pangmadadaanan. Maliban sa isang tulay sa San Pedro na hindi pa napapalawak, karamihan sa N1 ay may apat na mga linya na may nakapinturang panghati sa gitna.
Papasok ito sa Laguna sa San Pedro kung saang ito ay pangunahing daang pangkomersiyo na may pinakamaraming bilang na apat na mga linya. Sa Biñan babagtasin nito ang N65 sa isang may-ilaw trapiko na sangandaan sa kanluran ng poblasyon o kabayanan.
Kabikulan
Silangang Kabisayaan
Caraga
Rehiyong Dabaw
SOCCSKSARGEN
Tangway ng Zamboanga
Mga sangandaan
Mga daang panlagpas (Bypass roads)
Laoag Bypass Road
Laoag Bypass Road | |
---|---|
Kinaroroonan | Laoag (Ilocos Norte) |
Ang Laoag Bypass Road ay isang walong kilometro (o limang milyang) daang panlagpas na nagsisilbing alternatibong ruta papuntang Paliparang Pandaigdig ng Laoag.
Lansangang Felipe Vergara
Lansangang Felipe Vergara | |
---|---|
Kinaroroonan | Cabanatuan (Nueva Ecija) |
Ang Lansangang Felipe Vergara (Felipe Vergara Highway) ay isang sampung kilometro (o 6.2 milyang) daang panlagpas ng N1 sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Pinananatili ito ng lungsod ng Cabanatuan.
Plaridel Bypass Road
Baliuag Bypass Road
Tiaong Bypass Road
Candelaria Bypass Road
Sariaya Bypass Road
Daang Zigzag
Lopez Bypass Road
Lansangang Almeda
Pili Bypass Road
Pili Diversion Road | |
---|---|
Kinaroroonan | Pili (Camarines Sur) |
Ang Pili Diversion Road ay isang daan sa bayan ng Pili, kabisera ng Camarines Sur, na nilalagpasan ang pusod o kabayanan nito.
Lansangang Carlos P. Garcia
Lansangang Carlos P. Garcia | |
---|---|
Kinaroroonan | Lungsod ng Dabaw |
Ang Pambansang Lansangan ng Carlos P. Garcia, kilala rin bilang Davao Bypass Road,ay isang 18 kilometro o 11 milyang pambansang daan na may dalawa hanggang anim na mga landas at nilalagpasan ang N1 mula Lanang papuntang Bangkal. Tuwirang dumadaan ito patungong hilagang bahagi ng Lungsod ng Dabaw, lalo na ang Distrito ng Buhangin.
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.